Arestado ang drag artist na si Pura Luka Vega, Amadeus Fernando Pagente sa totoong buhay, sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Manila, ngayong Miyerkules, October 4, 2023.
Ito ay matapos niyang hindi sumipot sa preliminary investigations ng criminal complaint na isinampa laban sa kanya ng mga deboto ng Itim na Nazareno o Hijos del Nazareno Central.
Ang grupo ng Hijos del Nazareno Central ang nangangalaga sa imahe ng Itim na Nazareno tuwing Traslacion sa Quiapo.
Ang warrant of arrest kay Pura ay inilabas ng Regional Trial Court Branch 36 ng Maynila ngayong araw at pirmado ni Acting Presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva.
P72,000 ang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ayon naman kay Drag Den creator Rod Singh, walang natatanggap si Pura na subpoena. Masipag din daw itong um-attend sa hearings ng mga reklamong kinahaharap nito sa Quezon City.
Noong August 17, nagsampa ng reklamo ang Hijos del Nazareno Central laban kay Pura.
Ayon sa kanila, paglabag sa Cybercrime Prevention Act ang video post sa remix performance ni Pura ng "Ama Namin."
Malaking kalapastanganan daw sa Panginoon ang kanyang ginawa.
Gayunpaman, handa raw silang iatras ang reklamo kung hihingi ng tawad si Pura sa Poong Nazareno.
Bago ito, nagsampa rin ng kaso ang ilang Christian group leaders na nasa ilalim ng Philippines For Jesus Movement dahil sa paglabag umano ni Pura sa Article 201 of the Revised Penal Code.
Nag-ugat ang mga reklamo laban sa drag artist dahil sa kanyang kontrobersiyal na "Ama Namin" o "The Lord's Prayer" performance, kunsaan nag-costume siyang mala-Poong Nazareno, sa isang bar noong July 10, 2023.
Read: "Drag art"? Pura Luka Vega draws flak for "offensive" act of "Ama Namin"
Samantala, may labindalawang LGUs sa bansa ang nagdeklara kay Pura bilang persona non grata sa kani-kanilang lugar.
Ilan sa mga nauna nang nagdeklarang persona non grata sa drag artist ay ang lungsod ng Maynila, Dinagat Islands, Cagayan de Oro, Bukidnon, at General Santos City sa South Cotabato, at munisipalidad sa Floridablanca, Pampanga; Toboso, Negros Occidental; Nueva Ecija; at Coron, Palawan.
Read: Declared persona non grata by 3 more LGUs Pura Luka Vega also faces another criminal suit
