Muntik nang hindi maipalabas sa telebisyon ang kuwento ng buhay ni StarStruck Season 7 alumnus Abdul Raman na isinadula ng Magpakailanman noong Setyembre 30, 2023.
Ito ay dahil sa banta ng kanyang 44-year-old Egyptian father na maghahain ito ng Temporary Restraining Order (TRO).
Ipinagtapat ni Abdul sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) na hindi maayos ang relasyon nila ng kanyang ama at hindi normal ang pagtibok ng puso niya dahil sa karagdagang sama ng loob.
Pagbabahagi niya, “Hindi po kami okay for reasons na hindi ko kayang i-disclose.
"But because of that reasons, nag-develop ako ng irregular heartbeat dahil sa sobrang galit at tampo before ipalabas ang Magpakailanman.
“He kept pestering GMA-7 in general. Noong una, kasama siya sa first version ng script.
“I sent him versions of the script na revised. Ayaw niya. Then I gave him version of the script na wala siya. He refused to waive it. Parang sobrang stubborn niya.
“Ang na-tape lang po namin noong June 2023 was the interview with Miss Mel Tiangco. Hindi naituloy ang actual taping because of my dad.”
Pero natuloy pa rin ang pagpapalabas ng Magpakailanman sa episode na may pamagat na "My Mother And I" dahil inalis sa kuwento ang tatay niya.
Read: StarStruck alumnus Abdul Raman humihingi ng financial help para sa inang na-stroke
Bukod sa mga personal na hindi pagkakaunawaan ni Abdul at ng kanyang ama, hindi nito suportado ang pag-aartista niya na lalong nagpatindi sa kanilang hidwaan.
Saad ng Sparkle artist, “Sa culture po nila, acting is no-no. Hindi nila sinusuportahan.
“I want na magkaayos kami. I believe magkakaayos kami because I want to.
“He’s stubborn. Very stubborn. Pareho sila ng mom ko.
"Ako po, never naging stubborn because I seek all possibilities. Very open ako so never kong nakuha ang pagka-stubborn nila.
Pagpapatuloy ni Abdul, "Siguro in my earlier years, nakuha ko yon dahil sa abuse, sa anger issues. Nahawa ako.
"Pero inayos ko agad ‘coz I realized that I was turning like him. Ayokong mangyari yon. I wanna be a better father."
Nakausap ng PEP.ph si Abdul pagkatapos ng guesting nila ng kapwa Sparkle U cast members na sina Shayne Sava, Zephanie, at Michael Sager sa Fast Talk With Boy Abunda kahapon, Oktubre 4.
MEDICAL UPDATE ON ABDUL'S MOTHER
Isiniwalat ni Abdul na nadagdagan ang mga responsibilidad niya mula nang ma-stroke ang kanyang ina noong July 2021.
Read: Abdul Raman nangangamba pa rin sa kalagayan ng inang na-stroke
“Let’s say it doubled," sabi ni Abdul.
"Kahit mabigat na ang responsibilidad ko beforehand kasi ako yung provider, dumoble pa.
“Nakapagsasalita naman ang mom ko. More on struggling siya sa paglalakad and moving her left arm.
“Sabi po sa akin ng doktor, never po siyang magre-recover ng one hundred percent talaga.
"Yung mga napansin ko, yung memory and behavior niya, medyo nag-iba, makulit at mabilis makalimot.”
Dahil sa kanyang mga pinagdaraanan at mga responsibilidad bilang anak, kapatid at apo, tinanong ng PEP.ph si Abdul kung kailan siya huling umiyak.
Tugon niya, “Umiyak ako, I would say three days ago.
"Lagi kasi akong napupunta sa cycle na kapag walang masyadong kinita o may kinita naman ako, pero in just one day ubos agad kasi I had to pay so many bills."
Pinasok na rin ni Abdul ang pagbebenta ng mga sasakyan at real estate para madagdagan ang mga kinikita niya mula sa pag-aartista.
ON INDECENT PROPOSALS
Pero sa kabila ng mga problemang dumarating, hindi natutukso si Abdul sa mga natatanggap na indecent proposals.
Lahad niya, “Ninety-nine percent of my problem is financial.
"Nakakatanggap ako ng indecent proposals, usually mga text, pero ini-ignore ko lang. Wala pa naman nag-a-approach sa akin ng in person.
“Kapag mga text, block or ini-ignore ko lang. Kapag personal, I would just say no, respectfully no.
"It’s not for me and I wouldn’t want that for my mom kasi she’s already been through a lot."
Hindi sinisisi ni Abdul ang Maykapal tungkol sa mga pagsubok na kanyang nararanasan.
“Hindi ko kinukuwestiyon, kasi sa Islam religion ko po, hardships bring us closer to Allah.
"So, if marinig niyo po ako na nagpe-pray, I’m thanking God because this is something that I live by.
“Going to the rock bottom gives you a different perspective na never mong makikita when you’re always privileged sa buhay."