Hindi matinag-tinag ang isang resort worker sa kanyang paniniwala na naging guest nila si “Harry Potter.”
Ang tanyag na character sa book series ni J.K. Rowling ay binigyang buhay sa film adaptations ng British actor na si Daniel Radcliffe.
Nitong October 3, 2023, ipinost sa Facebook ng resort worker sa El Nido, Palawan, ang photos ng isang katrabaho kasama ang isang foreigner na naging guest sa kanilang resort.
Inakala ng resort worker na ang foreigner ay si Daniel Radcliff.
Caption ng resort worker (published as is), “Harry Potter is in the house.. At Las Cabanas Beach Resort
“It's one of my favorite International Actor.”
Pagbibida pa ng empleyado, “Namassage ko pa xa. Ay kaswerte .. This is my Lucky day 1 Dream Come true...haaay"
Kung titingnang maigi ang foreigner, may hawig nga ito sa British actor, pero hindi ito si Daniel Radcliffe.
Read: Groom on his tragic wedding in Iraq that killed 95: “We’re dead inside.”
FIRM BELIEF
Kasunod nito, maraming netizens ang nagkomento at nilinaw sa resort employee na hindi iyon si Harry Potter, a.k.a. Daniel Radcliffe.
Maayos ang paliwanag ng maraming netizens na kahawig lang ng foreign guest si Daniel.
Ang iba, humirit ng biro, tulad ng “low budget Harry Potter” ang guest.
Read: Boy's “I want a Mercedes" wish granted by Saudi Crown Prince Mohammaed bin Salman




Pero ayaw magpatinag ng resort employee sa kanyang paniniwala.
Tanong ng isang netizen: “Sya ba talaga o kamukha lang.”
Sagot ng empleyado “Sya po.” At idinagdag na, “Bait pa.”

Paglilinaw ng isa pa na hindi talaga si Daniel Radcliffe ang guest. Huwag daw mag-spread ng fake news.
Paninindigan ng empleyado: “it’s up to you Po. Umamin Po xa. Thank you so much po.”

Sa mga sumunod na comments, may mga netizens na pinuna ang empleyado na ayaw tumanggap ng paliwanag kahit na marami ang nagko-correct sa kanya.
Read: Interracial couple na vloggers, nagluluto ng Pinoy dishes sa makalumang paraan


Na-pick up ang post at ini-report pa sa State of The Nation, ang news program sa GMA-7.
Binanggit sa report na walang balak manloko ang empleyado na may artista siyang nakasama, kundi nag-fan mode lang kaya siya nag-post.
