"Cry Me A River" si Regine Velasquez sa pagpupugay ni Phi Palmos sa kanya sa Pinoy Playlist Music Festival 2023 noong Oktubre 1, Linggo ng gabi, sa Globe Auditorium ng BGC Arts Center, Taguig City.
Pati ang asawa ni Regine si Ogie Alcasid na katabi nang mga sandaling iyon ay "Cry Baby Cry."
Read: Regine Velasquez, humulas ang makeup sa pa-tribute sa kanya
Salaysay ni Phi, “We are all gathered here today… because we care. Gusto ko po kayong alayan ng isang awitin na nagpapaalala sa akin na ang umibig at mangarap ay magkatulad.
“As part of the LGBTQIA+ community, we so resonate with your story of fighting for your dreams, and fighting for your place in the world that has deemed it possible for those people who are different.
“And you fought hard. You worked hard with just your heart and your talent. And you succeeded. You triumphed.
“And of course we so can relate when you found your one true love. But again the world made it difficult for you. But you fought hard.
“You waited patiently. Because you know that it was worth it, and… you become an inspiration for the many generations of queer people, myself included.
“Because your story is our story. Ang istorya ng sangkabaklaan ay laging pag-ibig at pangarap.
“At ikaw yun lagi, Ate. Laging ikaw iyon.
“And someone as an artist who’s celebrating my 10th year, 10th year and embarking on a major concert, ikaw pa rin po ang inspirasyon ko.
“At ang istorya mo ang lagi at lagi kong babalikan. Ang mga awitin mo ang lagi at lagi kong aawitin.
“Because it always starts with a dream… acted on love, always with love.”
Inawit ni Phi ang "Pangarap Ko Ang Ibigin Ka." Pagkatapos niyang kumunta, lumuhod at yumuko si Phi sa entablado.
Read: Jed Madela, goal noong maabot ang boses ni Regine Velaquez sa "Narito Ako"
JONA'S TRIBUTE TO REGINE
Kasunod na nagpugay kay Regine ay si Jona, na gumagaralgal ang boses.
Crayola Pagaspas na naman ang Asia’s Songbird, at humulas na ang kanyang make-up.
Patotoo ni Jona, “Alam niyo po, mas nakakakaba ngayong gabi. Kasi napaka-intimate po nitong gabing ito para po sa ating lahat, lalung-lalo na po kay Ate Reg.
“Siguro po, some of you know kung ano po yung naging journey ko dito sa music industry.
“Pero sa iba po na hindi nakakaalam, konting kuwento lang po… so I started nung 2005 po, sumali po ako sa Pinoy Pop Superstar, of course, hosted by the one and only Ms. Regine Velasquez-Alcasid.
“And talagang nung mga panahon na yun, walang-wala po akong alam sa kahit anong bagay dito sa mundo ng showbiz, ng music industry.
“Para lang po talaga akong pinabili lang po ng suka ng magulang ko noong mga panahon na yun.
“At naalala ko po nung ako’y nanalo na, at tuwing mababalikan ko po yung video na ito na announcement of the winner… si Ate Reg po, umiiyak.
“During the… yung kumakanta na po yung winner ng Pinoy Pop Superstar, tapos yun nga po, tuwing babalik-balikan ko yung video na yun, sobrang nata-touch po yung puso ko.
“Na grabe po yung pinakita ni Ate Reg na pagmamahal sa lahat ng mga nangangarap, especially po na ma-fulfill yung dreams nila sa pagkanta, or makapasok po dito sa industriya.
“So, Ate Reg… maraming-maraming-maraming salamat po sa lahat ng pagkakataon na… all these years, isinasali po niya ako sa mga concerts, especially nung time na bago po talaga ako.
“Kahit saan po niya ako dinadala para lang po mapakilala, ma-expose… bakit ako umiiyak? Mahirap kumanta pag umiiyak.
“So, yun po, Ate, ahhmm… isa lang po itong maliit na paraan na maibalik po namin yung support at pagmamahal po na ipinakita at ipinaramdam nyo po sa amin na baguhang artists.
“Maraming-maraming salamat!”
Nagpasalamat si Jona sa organizers ng Pinoy Playlist 2023 sa pag-anyaya sa kanya upang magpugay kay Regine.
Sabi pa ni Jona, “Kaya naman, Ate Reg, sa pagdaloy pa po ng panahon, we wish you all the best. We wish good health dahil marami po kayong nata-touch at nai-inspire.
“Lalung-lalo na po dito sa room na ito, kaya bigyan naman po natin si Ate Reg ng isang malakas na palakpakan!”
Tumalima ang audience, at marami ang naghiyawan.
“Long live, Ms. Regine Velasquez-Alcasid! Thank you so much for inspiring us all! We love you po!”
Inialay siyempre ni Jona kay Regine ang pag-awit niya ng "Kailangan Ko’y Ikaw."
Nag-tribute din kay Asia’s Songbird noong gabing iyon sina Jed Madela, Katrina Velarde, Trina Belamide, Ima Castro, at Sweet Plantado-Tiongson.
Ang curators ng musicfest ay sina Maestro Ryan Cayabyab, Moy Ortiz, Maribel Garcia, at Noel Ferrer.
