Hindi pinalampas ni Ynez ang isang basher na nilalait ang kanyang hitsura.
Sinabihan siya nito ng "bungal" at "laylay pisngi."

Ipinost ni Ynez ang screenshots ng sagutan nila ng basher sa isang Facebook thread.
"I've decided to put you in your place my dear basher because I will never tolerate your rudeness," bungad ni Ynez.
"Pumasok ka lang sa page to prove to the world that your insecurity is over your face.
"Hindi ko alam kung bakit nakakakuha ka ng satisfaction na manghimasok sa buhay ng ibang tao, bisyo ba yan? O sadyang walang ganap sa buhay?
"Sana maunawaan mo to ng buong puso, para makapanalamin ka.
"'Towers are measured by their shadows just like great people by their detractors.' Boom!”
Read: Ynez Veneracion on good terms with Toto Mangundadatu's wife Sharifa Akeel
YNEZ ON ADDRESSING HER BASHER
Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ynez tungkol dito.
Tanong ng PEP.ph: Paano nagsimula ang kanilang sagutan?
Kuwento ni Ynez, "Pumasok lang siya bigla sa page ni Chichirita, kilala mo siya, di ba, taga GMA-7."
Si Jessah Chichirita ay aktres na napanood sa defunct sitcom na Daddy's Gurl.
Patuloy ni Ynez, "Then ayun, nakita niya yung video namin na kumakain ako ng crabs tapos nanlait na. Kung ano ano na sinabi. So, siyempre patola ako. Sinagot ko.
"Yung ibang bashers dun pag sinagot ko humihinto tapos yung iba nagpi-pm [private message] sa akin nagsu-sorry.
"Siya lang ang consistent na di tumitigil sa panlalait sa akin. Akala mo kung magsalita, napaka-perpekto.
"Feeling niya masyado siyang magaling. Puro below the belt na ang banat—like bobo daw ako, retokada, tanga, squammy, sabi ko nga, e, di ikaw na ang disente at magaling.
"Sabi ko, 'Inaano ba kita? Anong prob mo sa akin, e, nananahimik ako dito? Papasuk-pasok ka tapos manlalait ka, e, di naman kita kilala.
"Tapos galit na galit ka sa retoke. Bakit, pera mo ba ang ginamit na pang-enhance? Ako lang ba ang taong nagpa-enhance sa mundo? Masama bang magpaganda? Inagrabyado ba kita? Bakit G na G?'"
Read: Ynez Veneracion finally meets ex-partner Toto Mangudadatu’s wife Sharifa Akeel
ON BASHER THREATENING HER WITH LIBEL
Tinakot pa raw si Ynez ng basher na maghahain ito ng reklamong libel sa kanya.
Dagdag ni Ynez, "Tapos lakas ng loob manakot ng libel kahit na dummy account lang naman ang gamit niya.
"Pero yung photo dun, siya yun, at FB din niya kasi sa comments nakikipag-usap siya sa mga friends niya.
"Pag tanungin siya ano prob niya sa akin at bakit niya ako inaatake, lihis ang sagot. Sasagutin ka lang ng panlalait din.
"So, sino ang totoong bobo sa amin?
"Ayoko sana i-post pa sa FB wall ko, e, kaso ayaw ako tigilan. Sabi ko, 'l-libel mo ako? Totoo ba? E, ikaw ang pumasok dito sa page at inatake mo ako ng panlalait, tapos ngayon na lumaban, ako pa i-libel mo? Ay bakit ang tanga!'
"Make sure na i-libel niya ako ha...make sure din na mananalo siya at hindi magba-bounce back sa kanya yang kabobohan niya."
