Revelation si Kaila Estrada sa Kapamilya drama series na Linlang bilang misis ni JM de Guzman.
Ang Linlang ay pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paolo Avelino mula sa pinagsanib na puwersa ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainmemt at Prime Video.
Palabas na ang first two episodes ng Linlang simula noong Huwebes ng 12 midnight dito sa Pilipinas (October 5). Pagkatapos ay mapapapanood na tuwing Huwebes ang natitira pang 12 episodes ng bagong Kapamilya drama series.
Ang Linlang ang ikatlong drama series ni Kaila. Ang dalawang nauna ay ang Viral Scandal at The Chosen.
“Pero yung una ko po na appearance, sa MMK [Maalaala Mo Kaya]. At yung The Chosen naman po, lumabas siya sa Pie Channel. And then, this year my second drama series itong Linlang,” pahayag ni Kaila.
May complexity ang karakter ni Kaila sa Linlang bilang si Sylvia Lualhati na submissive wife ni Alexander Lualhati (JM de Guzman).
KAILA ON INTERNALIZING HER ROLE
Ipinaliwanag ni Kaila ang pinagdaan niyang proseso para epektibong magampanan ang kanyang karakter sa Linlang.
Pahayag ni Kaila, “Ako po kasi, siguro po sa ngayon ang proseso ko po, talagang I empathized with the character so much.
“Inintindi ko kung ano yung mga pangangailangan niya… kung ano yung mga hugot niya sa buhay, saan nanggagaling yung galit niya, saan nanggagaling yung frustration, yung sadness.
“And then, that’s kind of what I used to fuel yung karakter ko and use this motivation.”
KAILA TREASURES ACTING ADVICE FROM MOM
By this time, maaaring napanood na ng mga magulang ni Kaila ang Linlang.
Si Kaila ang ikatlong anak ng award-winning actors na sina Janice de Belen at John Estrada.
Nag-consult ba si Kaila sa kanyang mga magulang on how she will deliver her role sa Linlang?
Sagot niya, “Yes po. I actually did. I asked her for advise sa ibang eksena, kasi nga po this is a very challenging and intimidating project for me.
“Nung una talagang kabado ako kasi as you can see, grabe yung cast, di ba?
“Very powerful,” diin niya.
“Pero sobrang grateful ako na pinagkatiwalaan ako ng ABS-CBN to be a part of this and I’m so blessed to do this project.
“And sobrang generous and mababait yung mga katrabaho ko, especially si Inay [Maricel Soriano].
“Sobra kaming naging close doing this show and everybody. They all really helped me and guided me for this project. So, sobrang grateful po ako talaga.”
Inaprubahan daw ni Janice ang project na ito for Kaila.
“Yes! Humingi ako ng mga advice sa kanya sa ibang mga eksena kasi nga alam niyang kinakabahan ako.
“She always gives me the best advice.
“Ang advice niya sa akin is, of course, always figure out where is your character coming from.
“Lagi ka doon babalik e, kung ano talaga yung needs and wants nung character mo. Doon ka babalik.
“And also, she always she tells me to relax and not overthink. Kasi sabi niya, minsan yun pa yung magki-create ng problems mo as you get on set.
“So, sabi niya, just relax, know your script, know your character. Kaya mo yan. Yung mga simpleng ganoon lang ni Mama.
“Feeling ko, marinig ko lang talaga siyang magsalita, okey na talaga ako, e. Kaya ayun,” lahad ni Kaila.
KAILA ON RELATIONSHIP WITH HER PARENTS
On a personal note, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakasundo sina Janice at John. Bilang anak, tinanggap na ni Kaila ang sitwasyon ng kanyang mga magulang.
“Yeah, I feel like, personally for me, siyempre I cannot speak for my siblings, matagal ko na ring tinanggap yun.
“And I feel that it’s better na rin, di ba?
“Mom is okay. My dad is okay. We have a good relationship with both parents.”
Sadyang nasa mga magulang na lang daw niya kung paano sila magkakaayos.
“Uhm, that’s really up to them naman. You know, I respect both. I respect their own feelings, di ba?
“And kung hindi nila kayang maging friends, okay lang.
“Kasi okey naman po kami. We have a good relationship like what I said, with both. And I feel that’s the most important thing.”
At kung sakaling makakita ng bagong pag-ibig ang kanyang ina na si Janice, hindj ito tututulan ni Kaila.
“Uh, kung gusto niya why not, di ba? I mean, I want my mom to be happy. But if she doesn’t think that’s where her happiness is, then okay lang din,” pagtatapos ni Kaila.
