"Makakalimutan mo ba isang bangungot?"
Ito ang pagsusuma ni Shirley Kuan sa kalbaryong dinanas ng alaga niyang si Bea Alonzo habang ginagawa ang international film na 1521.
Katuwiran ni Shirley, ang desisyon ni Bea na hindi i-promote ang pelikula ay dulot umano ng mga hindi magandang working conditions na naranasan ng aktres at ibang kasamahan sa pelikula.
Taliwas daw ito sa ipinapakalat ng kampo ng producer na may attitude problem si Bea at walang pakialam sa pelikula.
"Ibalik ko sa yo," mariing saad ni Shirley sa awtor na ito.
"Kung ikaw si Bea, with all this experience, may gana ka pa? Lahat ng pagdurusang dinaanan mo, may gana ka?"
Eksklusibong idinetalye ni Shirley sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang working conditions na naranasan ni Bea sa shooting ng pelikula.
Naganap ang interbyu kay Shirley sa Summit Media Office sa Mandaluyong City noong October 4, 2023.
Kasama ng awtor na ito sina Rommel Llanes, associate editor at video section head, at Khryzztine Baylon, writer ng news section ng PEP.ph.
Ayon kay Shirley, nagsanga-sanga ang aberya sa shooting dahil hindi maayos ang sistema ng producer sa pagpapatakbo ng produksiyon.
"Sinulat na nga ng abogado lahat dun, e. Ten pages of laundry list. A litany of complaints."
Si Shirley ay beteranang talent manager na nag-aalaga sa showbiz career ni Bea mula noong 2021.
Si Francis Ho ang U.S.-based producer na may-ari ng Inspire Studio, ang independent film company na nagprodyus ng 1521.
Napag-alaman ng PEP.ph mula sa ibang sources na may ibang artista, talents, at production people na may mga hindi rin magandang karanasan habang ginagawa ang pelikula.
Isa-isa naming inilatag ito kay Shirley para alamin kung nakarating sa kanya ang mga diumano'y problema sa working conditions sa set.
Read: "Unreasonable demands?" Shirley Kuan breaks silence on controversy involving Bea Alonzo
ACCIDENT-PRONE TENT LOCATION?
Una rito ay may kinalaman sa tila bulubunduking lugar kung saan matatagpuan ang tent ng mga artista.
Ayon sa source ng PEP.ph, naging accident-prone area umano iyon base sa mga karanasan ng mga taong involved sa shooting.
"Hindi kami sa gubat, okay? It was like a residential area," tukoy muna ni Shirley sa probinsiya sa Palawan kunsaan ginanap ang shooting ng 1521.
Nakarating daw sa beteranang talent manager ang tungkol sa accident-prone tent area dahil may karanasan dito ang team ni Bea.
Tinawagan daw niya ang line producer na si Ramon "Monch" Bravante para imbestigahan kung ano ang nangyayari sa set noon.
Lahad ni Shirley, "Tinanong ko yan sa line producer, 'Bakit ganon? Yung tent, nandun sa tuktok, kailangan bumaba pa. It's like a hill. Kailangan bumaba.
"'Bakit hindi mo mailapit man lang sa set yung tent para hindi na umakyat diyan?'
"Sabi niya, 'Kasi po, pag nilagay niyang tent diyan, mahahagip sa camera.'
"'At bakit naman hindi ayusin ang location? Hindi ba kayo nag-location?' 'E, wala naman tayong choice kasi yung pinagsyutingan, property ng producer.
"So, even the production, walang choice."
Hindi raw iyon naresolbahan agad.
Paglalarawan ni Shirley sa sitwasyon sa set: "Andun yung tent, andun ang portalet. Ikaw ba, aakyat at bababa ka? Alam mo, there's a possibility madudulas ka at masasaktan ka?
"And when it rains, it's muddy. Nadudulas ang mga tao. Wala man lang nilagay muna na gravel.
"It took a while before they fixed it. Pero marami nang nadulas. Kasama na dun dalawa sa team ni Bea.
"Hindi nila madi-deny yan. We have photos, we have videos, anong hitsura sa set, and how dangerous it was."
Read: Bea Alonzo paid for extra expenses of people under Team Bea in '1521' shoot — Shirley Kuan
LACK OF PROFESSIONAL PERSONAL ASSISTANTS?
Tinanong ng PEP.ph kung may sapat na personal assistant ang produksiyon para umalalay sa pag-akyat-baba ng mga tao patungong tent area noong hindi pa naaayos ang daan dito.
Sagot ni Shirley: "Hindi ko alam kung kumpleto. Pero ang sabi, nakarating sa akin, maraming tao sa set na production na friends, family, church volunteers, mga ganon.
"And these are people with no experience being part of the production, na binigyan ng responsibilities, maybe, in the production.
"Siyempre, ano mae-expect mo nga naman? Walang experience, e."
Nasorpresa raw si Shirley na hinayaang mangyari ito ng producer.
"Ano 'to? Family project? At least man lang, sige, you hire your family, that happens. Pero at least man lang, may experience sa production, di ba?
"Yung utility, sabi sa akin, houseboy nila.
"Pero nung dumating na yung pamilya galing Amerika, pinatawag na, umuwi na sa bahay, kailangan na daw yung houseboy. Wala nang utility sa set.
"Nagsalita ba kami? Wala. Wala ka namang makukuha, wala ka namang mapapala, e.
"Kailangan ko pa bang ibalita yan? Hindi! Until now. We were so quiet. Bato sila nang bato nang kung anu-ano kay Bea!"
WATCH: Bea Alonzo, nag-demand ng VIP treatment sa '1521'?
ON DELAYED SET FACILITIES
Napag-alaman din ng PEP.ph mula sa ibang sources na may ibang tao sa shooting na nagsabing nagkaroon ng delay sa pagdating ng ilang facilities na kailangan sa set.
Nang tanungin namin si Shirley tungkol dito, kinumpirma niyang nakarating sa kanyang wala nga raw aircon at portalet sa set noong first at second shooting days.
Lahad pa ni Shirley, "August 4, 5, and 6—third, fourth, and fifth shooting days—aircon, tent, and portalet arrived, but no generator.
"So, no aircon on the tent and no lights in the portalet.
"Ang tanong ko diyan, dahil sabi nila, 'Nagka-delay-delay sa transport.'
"Ang tagal yung pinlano 'tong shooting na 'to, di ba? Dapat alam niyo ganong katagal ang transport. Alam niyo kung ganong katagal ang roro.
"Excuse ba yun?"
Bandang huli ay nadiskubre raw ni Shirley ang dahilan ng delay sa nabanggit na facilities.
"May resibo daw sila na pina-transport nila [yung aircon at portalet].
"O, madali naman mag-produce ng resibo. Kailan niyo ba binayaran? Dahil nung tinawagan ko yung line producer, sabi sa akin, 'Bakit nagka-delay?'
"Kasi, dun lang, late naglabas ng budget para bayaran.
"Talaga magkaka-delay kung ayaw mo maglabas ng pera para sa tent at portalet. Yun ang sinabi sa 'kin."
Hindi raw umubra kay Shirley ang dahilang nagka-delay sa transport dahil isang buwan bago ang first shooting day ni Bea ay nasa Palawan na ang production staff ng 1521.
"So, nagka-delay talaga sa time?
"Dahil tinanong ko yung director before, sinabi, 'Oh, we were here since July 1.'
"A month before? Sasabihin niyo, delayed yung tent? Knowing na alam mong may shooting ka na.
"Aba'y natural, delay! Hindi niyo in-order ng tamang araw."
Read: Bea Alonzo discovers different sides of fiancé Dominic Roque during their travels abroad
ALLEGED LACK OF PRE-PROD, UNCLEAR DIRECTIONS
Ipinaliwanag din ni Shirley na ang kawalan umano ng matinong pre-production meetings ang nakadagdag ng problema sa mga aberyang dinanas sa set.
Nang magsimulang mag-shooting si Bea, ikinagulat ng aktres na panay Ingles ang dialogue sa buong script ng pelikula.
Ang buong akala raw kasi ni Bea ay gagamit ng kahit ilang salitang Filipino.
Inspirado ng historic Battle of Mactan ang setting ng fictional love story sa pagitan ng Mactan princess, na ginagampanan ni Bea, at ng Spanish translator, na ginagampanan ni Hector David Jr.
"Nagtanong lang kami, 'So ano 'to, in English? Paano ba 'to?'
"Ang sabi sa akin, 'For now, we're just giving you the script in English for everybody.
"'Kasi may mga Amerikano, may mga [foreigners na cast at staff]. But there are dialogues now being translated by U.P. scholars.' 'Ah, okay.'"
Sabay diin ni Shirley, "Just like the costume, nandiyan na yung shooting day, wala. Yung script, as is, English.
"E, andun na kami."
Hindi raw nagkulang ang kampo ni Shirley sa pagpapaalala para mapaghandaan ni Bea ang pakikipagtrabaho nito sa magkahalong Filipino at foreign cast.
Patuloy ni Shirley: "Tapos nag-request tayo ng script reading. Sabi ng director, hindi na daw kailangan.
"Nag-request kami ng look test. Hindi na daw kailangan.
"Basic request, ha? Di kami nag-demand. Kung nag-demand kami, di dapat issue na yun.
"Pero basic yun, ha? Tinanong namin. Period film 'to, e."
Hindi raw isinaalang-alang na unang beses na makakatrabaho ni Bea ang leading man nito, pati na ang ibang cast na ibang lahi.
"Walang ganun. So, pinasabak lang sila. 'Sige, go, kaya niyo na yan,'" dismayadong saad ni Shirley.
Naiintindihan naman daw ni Shirley na sa isang produksiyon ay may mga nagbabago sa plano pag nagrorolyo na ang camera.
Pero sukdalan naman daw ang mga dinanas ni Bea sa kabuuan ng shooting.
Read: 8 cake-related incidents that made news
ALLEGED LACK OF BASIC EQUIPMENT & FIRST-AID KIT
Inilahad din ni Shirley sa PEP.ph na nakarating sa kanyang maraming kulang na iba pang gamit sa set ng 1521.
"Wala ngang monitor. Wala ngang audio monitor. Wala ngang video assist. Hindi alam nila, Bea, anong hitsura nila.
"Wala silang lapel. Hindi nila alam how they sounded Walang ganon."
Patuloy ni Shirley, "Tinawagan ko yung producer. Kasi siyempre, sanay si Bea sa shoot.
"These are the very basic na in-expect mong nandun sa set. Wala! So, itinawag sa akin.
"Tinawagan ko yung producer, 'Bakit walang ganito?' 'Oh, it's the director's creative decision.'
"O, tatawagan ko pa ba yung director? Creative decision niya? E, co-producer din siya? Wala na! Ang mantra na lang namin, 'Tapusin na lang natin ito!'"
Ultimo raw first aid kit ay tila ura-urada lamang binili mula sa tindahan at hindi napaghandaan.
"Ipapakita ko sa yo yung picture nung first aid kit. Para makita mo na yung hitsura. Yung nagalusan si Bea," saad ni Shirley.
Sinenyasan ni Shirley ang kanyang personal assistant para ipakita sa PEP.ph ang litrato ni Bea nang masugatan sa paa ang aktres.
Base sa litrato, nakalagay lamang sa isang maliit na eco bag ang alcohol, providone-iodine, isang gauze pad, at cotton.
Ani Shirley, "Asan yung kit? Yan ang first aid kit nila. Walang medic. So, si Bea ginamot niya sarili niya."
Pero diin ni Shirley, hindi nagsalita ang kanilang kampo tungkol sa mga aberya sa shoot.
Read: Andrea Torres on working with Bea Alonzo: "Pressured na pressured kami."
WHY SHIRLEY KUAN IS SPEAKING NOW
Pero ngayon ay napilitan daw siya dahil sa mga maling impormasyong ipinapakalat ng kampo ng producer tungkol kay Bea.
Ito ang sinasabi ni Shirley na "modus operandi" umano ng producer para mapilitang magsalita si Bea dahil hindi ito nagpo-promote ng pelikula.
"Ayaw namin mag-promote? Kailangan nila mag-ingay. Kailangan nila magbato ng mga kasinungalingan kay Bea.
"So, kailangan sagutin ko na.
"O, ayan! Ito. Gusto niyo mag-promo ako. Yan ang gusto niyo, di ba?! Mag-promo si Bea.
"Alam mo yung modus—siraan si Bea. Yung Filipino style. Kasi, good or bad publicity, it's still publicity. Nasa Pilipino na yun.
"Kung gusto nila i-tolerate ang ganyang pagtatrato sa mga Pilipino, sa kapwa nila Pilipino, di ba? It's up to them."
Idiniin ni Shirley na tila nagpapa-"victim" pa raw ang producer sa inilabas na pahayag ng kampo nito na solo lang itong nagpo-promote ng pelikula dahil ang bida na si Bea ay walang paramdam sa social media accounts nito tungkol sa proyekto.
"Just to clarify, yung kontrata namin for 1521, hindi kasama ang pag-promo.
"There's no clause there na may obligasyon si Bea na mag-promote.
"Kasi diyan, bago kami mag-commit, mag-promote, gusto naming malaman muna anong klaseng promo.
"Hindi namin kilala, hindi pa namin subok itong bagong producer kung paano siya mag-promote.
"Kasi from the States, hindi namin alam, baka ipa-commit kami nang hindi namin kayang ibigay.
"So, wala talagang walang promo, wala kaming commitment to promote.
"At tanggap naman yun ng producer dahil to quote nga [sabi sa mga lumabas na balita], as per the producer, 'Bea is not promoting because it's not in her contract.'
"So yun. In-admit naman nila."
Read: Bea Alonzo reveals best thing she discovered about Dennis Trillo
SHIRLEY ON BEA ALONZO'S REACTION TO THE PRODUCTION ISSUES
Inamin ni Shirley na nang mapag-usapan nila ni Bea ang karanasan ng aktres sa shooting ay dismayado raw talaga ito sa sistema ng produksiyon.
"Pero when I was talking to Bea, sabi niya, 'Hindi naman tayo ganito gumawa, ganito yung mga ano natin.
"'Baka isipin ng mga foreigners na ganito tayo, ganito tayo kawalang alam, ganito tayo ka-backwards gumawa.
"'Hindi ganito ang standard natin.' Yun ang nasabi niya."
Tingin ni Shirley, malaki ang pagkukulang ng producer na si Francis Ho, lalo na pagdating sa diskarte nito kung paano pinatakbo ang produksiyon.
Aniya, "The producer has this thinking na since gagawin naman natin sa Pilipinas, labor is cheap, we can do this this way, kasi that's how the Filipinos do it.
"Kaya siguro nila naisip na we can get away with it kasi this is how they do it."
Ayaw raw itong i-condone nina Shirley at Bea.
Kaya nga raw kahit na iyong aberya sa costume ni Bea ay sila na raw ang nagresolba.
"Bottom line, walang budget ang mga excuse.
"Anong gagawin ko? Alam niyo naman, abonohan na naman namin. Para ma-protect na si Bea, abonahan ko.
"Sabi ko, 'Bea, I could have easily pulled you out. Pero hindi. Kasi, isisisi sa yo. Di ba? Ganun yun, e. Isisisi kay Bea.
"Tapos sabi ni Bea, 'Oh, maraming mawawalan ng trabaho.' Ang sisi kay Bea.
"'Wala na, sige na, tapusin na lang natin 'to. And then let's forget about it,' ganun siya.
"She's being very professional. She delivered as an actress. Yun na yun.
"Walang demands. Kung may kailangan tayo, sige, tayo na."
Sa puntong ito, kinuwestiyon ni Shirley kung sumunod sa protocol ang produksiyon.
"Ang tanong diyan... Hindi ko alam ang procedure kasi sa Palawan. Di ba dapat may permit from LGU?
"Hindi ko alam sa Palawan kung may LGU nagbabantay."
Komento pa ni Shirley, "Kaya it helps also na talagang inaayos na nila Senator Robin Padilla, Senator Jingoy Estrada, and Senator Grace Poe ang-Eddie Garcia Bill.
"Kaya dapat yung bill, it's not just to protect the lead stars and all that. Dapat lahat, di ba?
"Siguro, it's best alamin nila anong nangyari dito sa 1521. Bakit ganon?"
Read: Bea Alonzo says John Lloyd Cruz invited to her wedding: "Hindi mawawala yon sa guest list."
FINAL WORD FROM SHIRLEY KUAN
Sa huli, matapang na hamon ni Shirley na ilabas ng producer ang resibo sa sinasabi nitong "unreasonable demands and expectations" ni Bea.
"Sige, I have 11 pages worth!
"Dagdagan pa nila yang paninira nila kay Bea. Dadagdagan ko rin, sasabihin ko," diin ni Shirley.
"O, ngayon, sinasabi ko sa 'yo, maraming tao sa set. Maraming naapektuhan.
"Maraming may experience diyan, good or bad. So, hindi ko mapipigilin yan. Magsasalita yung mga yan.
"Kasalanan pa rin ni Bea? Kasalanan ko pa rin?
"You're free na manira. Pero mag-research kayo.
"Otherwise, you'll hear from our lawyer."
