Binasag na ng former beauty queen-model na si Marina Benipayo ang kanyang katahimikan kaugnay ng pag-aresto sa partner niya, ang aktor na si Ricardo Cepeda.
Nitong Sabado, Oktubre 7, 2023, inaresto ng mga pulis si Ricardo sa kasong syndicated estafa at idinetine sa Camp Karingal sa Quezon City.
Read: Ricardo Cepeda "wrongfully accused," says stepson; still detained at Camp Karingal
Sa naunang post ng anak ni Marina na si Joshua de Sequera, stepson ni Ricardo, igniit nitong “wrongfully accused” ang kanyang ama.
Sinabi ni Joshua na si Ricardo ay brand ambassador ng sales company na kinasuhan dahil sa kuwestiyonableng “investment scheme” nito.
Apektado rin si Joshua sa dami raw ng hateful comments sa social media na hindi naman alam ang tunay na kuwento.
Bahagi ng post ni Joshua: "I have seen a lot of hateful comments about this. IF YOU DON'T KNOW WHAT REALLY HAPPENED KEEP YOUR COMMENTS TO YOURSELF."
Ito ang pinagtuunan ng pansin ni Marina sa kanyang TikTok video ngayong Lunes, October 9.
Read: Bride adjusts wedding date so ex-boyfriend can do her makeup
MARINA DENIES RICARDO INVOLVED IN SCAM
Mariin ding itinanggi ni Marina na may kinalaman si Ricardo sa kuwestiyonableng investment scheme ng naturang investment company.
“Si Ricardo was never present in any of those talks about investing. Hindi nga kami nag-invest doon, kasi hindi kami nag-invest, wala kami pang-invest,” giit ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss World noong 1992.
“Tsaka hindi po siya signatory, wala siya pinirmahan na kahit anong papel dun sa kumpanya.
“Ito nga ang pagka-brand ambassador niya, herbal nga iyan, kasi gusto nga niya tulungan yung tao in the first place.”
Ito raw ang dahilan kaya masakit sa kalooban ni Marina na mabasa online ang mga paratang kay Ricardo.
“Napakabait niyang tao. Dami niya tinutulungan. Ito nga nangyari, tinutulungan lang din niya yung kilala niya.
“Pero, you know, of course, lessons learned.
“Never talaga in our lives, never namin ma-imagine na mangyayari sa amin ito.”
Sa post ng kanilang anak na si Joshua, sinabi nitong hinihikayat ng kumpanya ang mga taong mag-invest para kumita ng malaking porsiyento.
Pero ang nangyayari raw ay tumatalbog ang mga tsekeng inilalabas ng kumpanya, kaya nagsampa ng kasong estafa ang investors.
Read: Boy's “I want a Mercedes" wish granted by Saudi Crown Prince Mohammaed bin Salman
MARINA CALLS OUT CRITICS AND BASHERS
May mensahe rin si Marina sa content creators na ginagawang content ang nangyari kay Ricardo pero mali-mali ang impormasyong inilalabas.
“Gusto ko lang po sana i-call to attention yung mga gumagawa ng content. Kasi may nakita po ako mga ibang content na si Ricardo po, yung nangyari sa kanya ang subject [sa videos]," simula ni Marina.
“Okay sana kung maganda ang comment nila for support, they're praying for you…
“Pero sana po, before kayo mag-comment, sana kung hindi niyo kilala ang tao, huwag na lang kayo magsulat.”
Dapat daw maging responsable sa paglalabas ng impormasyon at pagkokomento.
“It also entails you being responsible for being the one who commented. And dun sa content creator, dahil ikaw ang nag-post, you're also responsible for lahat ng comment na lalabas and reactions.”
Hindi raw niya hahangaring mangyari kaninuman ang nangyayari sa kanila ngayon.
Saad ni Marina, “My friends, I would never, ever, ever wish that anything like that would happen sa inyo, kahit hindi ko kayo kilala dahil napakasakit.”
AFFECTED LIVES
Nabanggit ni Marina na apektado ang kanilang pamilya kasunod ng nangyari kay Ricardo.
“Kami po, nagsusumikap lang po kami, while at the same time, trying to help as much people as we can, dahil alam po namin kung ano ang pakiramdam ng paghihirap. Alam namin yun, e.”
Binanggit ni Marina na may mga nag-iisip na mayaman sila kaya nangyari ito kay Ricardo.
“Meron kasi diyan, yung iba akala nila napakayaman namin kaya nangyayari daw sa amin ito. Friends. Wala po,” diin niya.
“Unang-una, sasabihin niyo yung lifestyle. Friends, hindi niyo kami kilala.
“Pero alam na alam ng pamilya, ng mga kaibigan namin, mga kamag-anak namin, na napakasimple ng buhay namin.
“We're very low-maintenance. Hindi po kami nagbabakasyon. Road trip lang nga, malaking bagay na sa amin. We don't have expensive clothes.
“We just make the most of what we have. Yan nga din minsan ang itinuturo ko. You make the most of what you have,” katuwiran ni Marina, na aktibo sa pagiging live-seller ng bags.
Dagdag niya, “Hindi din kami lumalabas, di ba?
“All we need really now are prayers. Nothing less. Yun lang po.
“Itong tirahan namin, maliit lang ito. Hindi naman namin itinatago yung facts. Naglalaba ko.
“Wala kaming tinatago. Lahat ng nilalabas namin, kung ano kami talaga.
“We don't even have anything in our name. We live humbly.
“We live very simply. Hindi kami... Wala, wala, wala. Hindi kami ganon.”
Ang iba raw ay nadadala dahil sa karakter na ginagampanan nila sa mga teleserye, tulad ng kontrabida roles.
Pakiusap ni Marina, “Sana po matuto po tayo to discern what is the truth. I-discern po natin kahit yung mga sinasabi natin, mga sinusulat natin. Kasi may pamilya po [nadadamay].
“Sanayin po natin na kung puwede if magsusulat tayo or magko-comment or magpo-post ng video, it's always for support and prayer.
“Dahil yun ang pinakakailangan namin ngayon. Please use your social media power well and responsibly.”
@marina_benipayo No hate, please. Just prayers. #NoHate #life ? original sound - Marina Benipayo
