Kinumpirma ng forensic team ng Philippine National Police noong October 9, 2023, na may sakit na tuberculosis si Francis Jay Gumikib.
Ang 14-year-old na estudyante mula sa Antipolo City ay namatay matapos umanong sampalin ng kanyang guro.
Last September 26 ay isinugod siya sa ospital matapos sumakit ang ulo, mata, at tainga, saka nagsuka ng dugo.
Na-comatose si Francis habang nasa ospital, at binawian ng buhay noong October 2.
Read: Grade 5 student slapped by teacher suffered brain swelling; body of victim undergoes autopsy
Sa ulat ng GMA News, inaalam pa rin kung may kinalaman ang pananampal sa pagkamatay ni Francis.
Ayon kay Dr. Hector Sorra, hepe ng Medico Legal Division, PNP Forensic Team, “Sa lungs iyan. Nakakita kami ng pulmonary tuberculosis.”
Sa tanong kung puwede bang maging sanhi ng pagdurugo at pamamaga ng utak ang TB, ayon kay Dr. Sorra, “Infection kasi ang ano, e, ang TB.
“So hindi siya magko-cause ng ano, ng bleeding.”
Read: Paramedic treats teen victim in fatal car crash; finds out later it was her daughter
Matatandaang sa death certificate ni Francis ay nakalagay na ang sanhi ng ikinamatay niya ay global brain edema o pamamaga at pagdurugo ng utak.
Hindi pa masabi ng PNP kung may kinalaman nga sa pagkamatay ni Francis ang umano’y pagsampal ng kanyang guro.
Hindi pa rin inilalabas ang resulta ng autopsy dahil hinihintay pa ang resulta ng histopath examination na siyang makapagsasabi kung ano nga ba ang ikinamatay ng estudyante.
Paliwanag ni Dr. Sorra, “Ang histopath ang microscopic examination kung saan tinitingnan namin under the microscope yung mga tissues samples na kinuha sa namatay po.”
Sa isinagawang press briefing ay binanggit ni Dr. Sorra na ang autopsy ay inaabot ng pitong araw, samantalang 30 working days naman ang histopathology.
Tiniyak naman niyang binibilisan ng kanyang unit ang proseso.
“We are trying our best na expedite. Hopefully baka within the week makapagbigay kami. Pero di aabot ng 30 days.”
Read: Babae napagkamalang eye drops ang superglue, naipatak sa mata
