PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

3 PHP81-M Lotto Winners from Bulacan

Tatlong winning tickets ang binili sa McArthur Highway, Malolos Bulacan.
by Bernie V. Franco
Published Oct 10, 2023
lotto winning numbers
Netizens express their doubts after three winning tickets were bought from the same area in Malolos, Bulacan. But other netizens have their theories about what might have happened.
PHOTO/S: Facebook (Philippine Charity Sweepstakes Office)

Tatlo ang bagong milyonaryo matapos manalo sa October 9, 2023 draw ng 6/45 ng lotto.

Ito ang inanunsiyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Facebook page nito ngayong Martes, October 10, 2023.

Ang kamangha-mangha pa sa tatlong winners, lahat sila ay bumili ng tiket sa iisang lugar—sa McArthur Highway, Malolos, Bulacan.

Paghahatian ng tatlong winners ang PHP81, 039, 037.20, kaya bawat isa sa kanila ay mag-uuwi ng tinatayang PHP27 milyon.

At ang pambihirang pagkakataong ito na may tatlong lotto winners mula sa iisang lugar ay nag-generate ng mixed reactions mula sa netizens.

Read: Paramedic treats teen with horrific injuries; finds out only later it was her own daughter

NETIZENS REACT

Maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa tatlong bagong milyonaryo.

Bumuhos ang congratulations.

Pero meron ding netizens ang nagtaas ng kilay o nagduda.

“WATTA COINCIDENCE” published as is comment ng isang netizen.

“Parang impossible,” komento ng isa pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Seriously? Iisang branch lang?” di makapaniwalang komento ng isa pa.

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

May dumepensang netizen na iisang tao lang daw ang tumaya.

Paliwanag ng netizen na may customer daw siyang limang tickets ang binili na iisang lotto combo lang ginagamit para raw hindi mag-away ang kanyang mga anak kung sakaling manalo ang number combo.

Isang netizen din ang nagkomento na ginagawa niya rin ang bumili ng hiwa-hiwalay na tickets, pero isa lang ang combination kapag may budget ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ganito ang nangyari sa mag-amang lotto winners para sa February 27, 2023 draw ng 6/45.

Naisulat ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Marso 14, 2023.

Dalawang beses tumaya ang isang ama sa parehong number combo.

Pagdating niya sa bahay, ibinigay ang isang lotto ticket sa kanyang anak at sinabing maghahati sila sakaling manalo ang number combo.

Tumama ang kanilang numero kaya pinaghatian nila ang higit PHP11 million na jackpot prize.

Nagsadya ang mag-ama sa tanggapan ng PCSO noong March 14 para tanggapin ang kanilang premyo.

Read: Mag-ama wagi ng PHP11M sa MegaLotto 6/45. “Sabi ko tig-isa tayo. Kapag tumama, hati tayo."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens express their doubts after three winning tickets were bought from the same area in Malolos, Bulacan. But other netizens have their theories about what might have happened.
PHOTO/S: Facebook (Philippine Charity Sweepstakes Office)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results