Napaluha ang aktor na si Ricardo Cepeda nang iginiit niyang wala siyang kinalaman sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
Inaresto si Ricardo habang nasa Caloocan para sa isang ribbon-cutting event noong Sabado, October 7, 2023.
Inihain sa kanya ng mga pulis ang warrant of arrest para sa 43 counts of syndicated estafa.
Sa kuhang video ng Quezon City Police District (QCPD), makikita si Ricardo na kumukontra noong una, pero a huli ay mapayapa rin siyang sumama sa mga pulis.
Ayon kay Police Major Dondon Llapitan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nagulat umano si Ricardo nang hainan ito ng warrant of arrest noong Sabado.
Sa panayam sa aktor, halatang hindi niya inasahan ang kanyang sinapit.
“I was shocked because I wasn’t aware na umabot sa may warrants ako.
“I had heard na may mga scandal, pero hindi ko alam na sinama nila ako,” pahayag ni Ricardo sa exclusive interview sa kanya ng GMA Integrated News.
Read:
- Ricardo Cepeda "wrongfully accused," says stepson; still detained at Camp Karingal
- Marina Benipayo on hate comments after partner Ricardo Cepeda's arrest: “Hindi niyo kami kilala.”
Matapos arestuhin ay idinetine si Ricardo sa Camp Karingal sa Quezon City. Non-bailable ang kasong estafa.
Diin ng aktor, wala siyang ibang kinalaman sa investment company kundi bilang isang model ng products nito.
Ang naturang kompanya ay gumagawa ng energy-saving gadgets, at si Ricardo ang brand ambassador.
Giit ng aktor, “I’m not connected at all sa company, even sa business registration, my name is not there.
“Wala ako sa running business anything of the company. Model lang ako about the products.”
Sa post ng kanyang stepson na si Joshua de Sequera, sinabi nitong “wrongfully accused” ang kanyang ama.
Ipinaliwanag ni Joshua na ang kompanya ay nag-o-offer ng investment scheme sa mga tao upang mag-invest dito para makakuha ng malaking porsiyento.
Pero ang mga inilabas na tseke ng kompanya ay tumalbog kaya nagsampa ng kaso ang investors.
Bukod sa mga kasong estafa, sinampahan din si Ricardo ng three counts ng paglabag sa RA 8799: Securities Regulation Code.
Sabi ni Ricardo ukol sa sinapit niya, “Yung ano ko lang, yung time, the wasted time. I can’t do anything. I cannot work because I’m here trying to prove my innocence.”
Sa kabila nito, tiwala pa rin daw si Ricardo na mapapawalang-sala siya.
