PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yzabel's Last Moments Remembered by Janna & Mickey

"Yun ang mga biggest regret namin na yung time na last breath niya, wala kami."
by Arniel C. Serato
Published Oct 11, 2023
yzabel ablan janna domiguez mickey ablan
Janna Dominuez and husband Mickey Ablan still in shock over untimely passing of eldest daughter Yzabel Ablan (right): "Parang hopeless yung feeling na wala ka sa tabi. Wala ka sa tabi ng anak mo na nangyayari lahat yun bilang magulang. Yun yung ang isa sa mga biggest regret namin na yung time na last breath niya, wala kami."
PHOTO/S: Arniel C. Serato / @jannadominguez77 on Instagram

Wala sa hinagap ng mag-asawang Janna Dominguez at Mickey Ablan na bigla na lamang silang iiwan ng kanilang panganay na anak na si Yzabel Ablan.

Binawian ng buhay si Yzabel, sa edad na 20, noong Sabado, October 7, 2023.

Read: Janna Dominguez, Mickey Ablan daughter passes away

Ayon kay Janna, “heart failure and lung infection” ang sanhi ng kamatayan ni Yzabel.

Inilihim daw sa kanila ni Yzabel ang nararamdaman nito dahil ayaw nitong may mag-alala sa kanya at makaabala ng iba.

Read: Janna Dominguez reveals cause of death of 20-year-old daughter Yzabel Ablan

Sa pamamagitan ng Zoom, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sina Janna at Mickey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), Martes ng gabi, October 10, 2023.

Nakaburol ang mga labi ni Yzabel sa La Pieta Funeral Homes sa Angeles City, Pampanga, at kasalukuyang naroon ang mag-asawa nang makausap sila ng PEP.ph.

Kapansin-pansing mugtung-mugto pa rin ang mga mata ni Mickey marahil dahil sa walang tigil na kakaiyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una muna naming kimumusta ang kalagayan nila.

Malungkot na sagot ni Mickey, "Hindi maganda. Medyo ano, hindi pa ako natutulog since Saturday. Si Janna, CS [caesarean], lumabas ng hospital kahit bawal."

Kasunod nito ay ibinahagi ni Mickey kung ano ang mga pangyayari o kaganapan bago pumanaw si Yzabel.

Lahad ng dating mixed martial arts artist, "Magkasama kami ni Yzabel, Saturday morning [October 7]. Nagbi-breakfast pa kami sa condo niya.

"Pero before nung breakfast namin, may meeting ako nun, e, sa BGC. So, lumabas ako. Low batt ako.

"Kinu-contact pala ako kasi gusto ako makikita. So, medyo inumaga ako uwi doon.

"Ayun, naabutan ko siya. Okay naman siya.

"Sinasama ko pa sa Clark yun.

"Sabi niya [last] Thursday, kasi excited na daw siya makita ang brother niya."

Pero malungkot na dugtong ni Mickey, "Ayun nga, nakauwi nga siya dito. Ayun lang, di nga lang buhay."

Ang tinutukoy ni Mickey na "brother" na gustong makita ni Yzabel ay si Michael Zab Leon III, ang kanilang bunsong anak ni Janna na isinlang noong madaling-araw ng Sabado, October 7—ilang oras lamang bago bawian ng buhay si Yzabel.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Janna Dominguez introduces youngest baby born on same day of Yzabel's passing

YZABEL'S SPECIAL REQUEST

Tila may premonition na raw si Yzabel bago ito pumanaw, pero hindi raw ito natunungan ni Janna.

Kuwento ng Pepito Manaloto actress, "Pero Thursday [October 5], magkasama pa sila nun. Thursday, Friday, Saturday, actually.

"Ngayon, nag-message siya sa akin, na ipinapaalam niya na si Daddy niya, ‘Mommy...'

"Kasi ano yun, e, may condo kasi siyang sarili kasi she’s in college right now. Very independent na bata.

"So si Yza, may personal space yan.

"Pag si Daddy niya nakiki-sleep doon sa condo niya, kasi may mga business si Daddy niya sa Manila. Lagi yan, 'Daddy, kailan ka uuwi?' kasi gusto niya may sarili siyang space."

Sa Manila nakabase si Janna kung saan may sarili siyang condo unit, habang sina Mickey at Janna ay nakatira sa Clark, Pampanga, kasama ang iba pa nilang mga anak.

Pagpapatuloy ni Janna, "Nung time na yun, Thursday, first time, nag-message siya sa akin na, 'Daddy, ay, Mommy, okay lang ba na umuwi si Daddy, like, three days pa after?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pinapaalam niya si Daddy niya na parang gusto niya makasama pa.

"So, sabi ko, tinawagan ko, 'Parang first time yan. Sino nagre-request? Gusto ba ni Daddy mo kasi gimmick days ba yan?'

"Nag-aasaran pa kami, 'Or dahil gusto mo lang kasama si Daddy?'

"Sabi niya, 'Both.' Sabi niya. Tapos gusto niya makasama si Daddy.

"O siyempre ako, 'Okay, anak, gusto mo, go lang, e.'

"Yun nga, who would have thought nung Saturday, nung time na sinabi ko na manganganak na ako, sabi ko sama niya [Mickey], na pinipilit ko pasama si Yza dito.

"Gusto ko na pauwiin para makita niya yung brother niya. Yun."

ASTHMA ATTACK

Dagdag naman ni Mickey, "Pero Thursday pa lang, nagkaroon na siya ng asthma attack, na hindi siya nakahinga.

"Nagsabi siya sa akin—ako naman naniwala—may inhaler, may water.

"Kaya pinagsisihan ko, sana itinakbo ko na sa ER or hospital."

Ayon kay Janna, paulit-ulit na tinanong ni Mickey si Yzabel kung kumusta na ang pakiramdam nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sambit pa ni Janna, "Very strong kasi si Yza."

Diin ni Mickey, "Pero siyempre, responsibility ko dapat. Dapat dinala ko sa hospital.

"So, yun, nag-online checkup. Sabi naman ng doktor, okay naman daw lahat."

Nagpa-home service pa raw si Mickey ng magba-blood test kay Yzabel dahil tinatamad ang anak na lumabas ng condo.

Kuwento niya, "So sabi ko, 'Home service ka lang...' clear lahat.

"So, akala ko okay na since naka-meds na siya, etc.

"7:30, yun nga, inabutan ko kasi mag-dinner sana kami. Tinamad din siya, sabi niya, 'Dad, magpaluto ako ng sinigang kay Ate...' sa yaya niya. Kasi favorite niya sinigang.

"So, nagpaluto ako. Pagkatapos niya mag-dinner, lumabas na ako."

Sinabihan daw niya ang anak na mag-message kapag may problema.

Pagkatapos nito nito ay bumalik muna si Mickey kay Janna sa Pampangan since emergency na ring manganganak ito ng madaling-araw ng Sabado.

Ngunit, bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa yaya ni Yzabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Mickey, "Tawag ng yaya, nagpa-panic na, ni-revive daw si Yzabel.

"So ako, two hours din pabalik [from Clark to Manila], buti natawagan ko yung friend ko, si Erwin and si Nina, nagpunta sa ER.

"Pinuntahan naman nila, pero siyempre hindi nila madiretso din agad.

"Doctors, ayaw ako usapin. Tapos ang sabi sa akin is, on the way daw sa hospital, nag-collapse na siya [Yzabel].

"Kasi mag-drive pa dapat siya [kaibigan ni Mickey], e. Nag-Grab na lang sila.

"Sa lobby pa lang ng condo niya, nag-collapse. Then after niya mag-collapse, sa Grab pa lang nanghihina na, hindi na siya humihinga. Nawala na yung heartbeat.

"Ni-revive siya ng 20 minutes. Bumalik ang heartbeat niya, nakahinga siya.

"Then, akala okay na lahat, ulit na naman.

"Biglang tumigil na talaga yung heartbeat niya and paghinga.

"Ta's, na-declare yata siyang wala na ng 12:00, 12:30 [ng madaling-araw], dumating ako dun mga 1:15, 1:20 [a.m.].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Naabutan ko na lang na parang may stab siya rito [sa braso], yung ginagamit sa patay, yun."

TOTALLY UNEXPECTED

Masasabi ba ni Janna na premonition yung first time na naglambing ni Yzabel sa kanya?

Tugon ng aktres, "Hindi. Kasi hindi ko naman iniisip na ganito yung mangyayari.

"Pero siyempre, may mga moment na parang first time niya tinanong si Daddy niya na mag-extend. Gusto niya, mag-extend.

"Every night, tinatanong, nagbi-videocall sa akin, 'Kamusta ka, Mommy?'

"Ia-update niya ako sa... [to Mickey] di ba kasi nga kinukulit natin siya magpa-checkup dahil nga yung asthma niya is not good anymore.

"Kasi parang halos mahigit, almost one month to two months na yung ubo niya.

"And then, ang sabi ng mga doktor niya is nebu [nebulizer] lang, antibiotics, may lung infection siya. Pero, lupus free siya.

"Hindi siya active, yung lupus niya, which is yung pinaka-worry namin na mag-complicate yung nararamdaman niya.

"Kasi ganun ang lupus. Traydor kasi ang lupus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagka yun ang naka-on, lahat ng system niya may... alam mo yun?

"Nakampante tayo na, okay, makukuha sa antibiotics, sa inhaler, sa nebulizer. Tapos biglang, yun nga, ganun yung nangyari."

Dagdag ni Janna, "Not in my ano talaga, na mangyayari ito. Kasi para sa akin, very strong ang anak namin talaga.

"In every aspect ng buhay, talagang lumalaban siya.

"Imagine mo, moyamoya disease [cerebrovascular disorder], nalagpasan niya.

"Lahat-lahat ng ano niya, beyond ano dahil sa faith, and ano niya, hindi namin maisip na dahil lang sa ubo na yan, dito mag-start, alam mo yun, yung ganito.

"Tapos sobrang gusto niya pa makita yung kapatid niya. Alam mo yun, yung uwing-uwi na siya.

"Naka-plan yan, e, this week. Naka-plan yan. Thursday pa lang uwi na siya before birthday ng youngest sister niya."

Ibig bang sabihin ay habang nanganganak si Janna ay saka sumakabilang buhay si Yzabel?

Paglilinaw ni Janna, "Hindi. Magka-message pa kami. So, nanganak ako 3:49 a.m.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos before pa nun, 10 o'clock, 11 o'clock [p.m. ng Friday] nagpu-post na ako kasi gusto ko makita din nila na pumutok na yung pantog ko.

"Nag-comment pa siya nun. Nag-reply pa ako nun kasi nasa ER pa lang ako nun, e.

"Naka-update talaga siya sa akin even before pa. Pagka nagpa-checkup ako, yan ang laging, 'Kamusta checkup mo, Mommy?'

"Very ano kasi yan si Yzabel, thoughtful talaga yan.

"'Ano nangyari sa checkup mo? Nagpakita na ba sa ultrasound? Kamukha ko ba?'

"Ganun si Yza, sobra."

YZABEL'S LAST REPLY

Dagdag pa ni Janna, "Tapos nung time na nanganak ako, sinend ko agad sa kanila, kasi siyempre galing akong anaesthesia, nag-undergo ako ng anaesthesia, tapos recovery room.

"So, bago ako ma-groggy sa mga gamot, sinend ko na sa kanila yung pictures para makita nila.

"Tapos nag-reply pa pala siya nun.

"Nung nakita ko na lang dito yung reply niya na, 'Praying Mommy,' sabi niya, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tangos ng ilong,' dito ko na lang nakikita halos lahat kasi hindi ko hawak yung phone ko."

Inilarawan din ni Janna ang kanyang kalagayan habang nasa recovery room siya pagkatapos manganak, at naghihintay ng update tungkol sa kalagayan ni Yza.

Aniya, "Imadyinin mo hindi ka makagalaw, nakatingin ka lang sa kisame, tapos nangyayari yun.

"Sabi ko nga, umalis na sila Mickey, 'Puntahan na si Yza kasi mas kailangan kayo ni Yza,' sabi ko, ganyan-ganyan.

"So, nag-aantay ako na-update. Nandun pa yung hope ko. Tumawag na si Ate Lyn nun na okay na, conscious na si Yza. Nagka-revive pa.

"Thank you ako nang thank you. Ta's biglang, yung feeling na parang rollercoaster, biglang another tawag na naman, biglang nire-revive na naman.

"So, parang hopeless yung feeling na wala ka sa tabi.

"Wala ka sa tabi ng anak mo na nangyayari lahat yun bilang magulang.

"Yun yung ang isa sa mga biggest regret namin na yung time na last breath niya, wala kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janna Dominuez and husband Mickey Ablan still in shock over untimely passing of eldest daughter Yzabel Ablan (right): "Parang hopeless yung feeling na wala ka sa tabi. Wala ka sa tabi ng anak mo na nangyayari lahat yun bilang magulang. Yun yung ang isa sa mga biggest regret namin na yung time na last breath niya, wala kami."
PHOTO/S: Arniel C. Serato / @jannadominguez77 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results