Unti-unti na raw nakaka-move on si Jenny Miller sa failed marriage nila ng ex-husband niyang si Cupid Feril, pero aminado ang aktres na habambuhay na niyang dadalhin ang trauma na naidulot nito sa kanya.
Read: Jenny Miller, 43, gets dream "debut," thanks to friends she met via livestream
Ikinasal sina Jenny at Cupid sa pamamagitan ng church wedding noong 2010, pero nauna na rito ang pag-iisang dibdib nila sa isang civil rites.
Pero pagkalipas lamang ng limang taon ay nauwi rin ang pagsasama nila sa hiwalayan.
"Traumatic, traumatic talaga. Hindi ko talaga makakalimutan yun," sambit ng 43-year-old actress sa exclusive interview ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
"We were together for five years. Two years dun ay okey kami. Pero yung [the next] three years, inilaban ko.
"Yung umaasa pa ako, na one day magiging okey pa kami."
Patuloy ni Jenny, "Kaninong fault? Siguro siyempre ano... di ako naglilinis ng sarili ko, meron din ako, pero more of yung grabe ang ginawa niya sa aking panloloko.
"Hindi ko alam ba't ginawa niya yun. I don't deserve that.
"Kasi ako, naging submissive ako. Tinalikuran ko nga ang showbiz because of him.
"Ang daming bawal. Bawal magpa-sexy. Tsinitsek pa ang script ko kung may kissing scene o wala.
"So, tinalikuran ko lahat yun. Nagpaka-domesticated ako, di ba?
"Nawala ako [sa showbiz] for a while. 'Tapos ganun ang ginawa sa akin."
Dahil ba sa pangyayaring ito, tuluyan na rin bang tinalikuran ni Jenny ang thought na muli niyang bubuksan ang kanyang puso para sa ibang lalaki?
Pagkontra niya, "Ah, hindi naman. Umaasa pa rin ako na may forever.
"Masarap pa rin yung feeling na in love ka, pero I'm praying na sana siya na yung magiging tamang tao para sa akin.
"Hindi ko pa naman totally isinasara ang pinto.
"Matindi yung trauma sa akin, pero naniniwala na ako there's still a perfect man for me. In due time."
Nakausap ng PEP.ph si Jenny sa opening at ribbon-cutting ng Shaw Boulevard branch ng Asia's Lashes noong Sabado, October 7, 2023, sa SM Cherry, sa Mandaluyong City.
Bilang isa si Jenny sa brand ambassadors ng nasabing negosyo, inanyayahan siya ni Leah Urbani, CEO and founder ng Asia's Lashes, para magbigay ng morale support sa branch franchisee na si Anna Geda.
LIVE STREAMING
Kaya nga raw kesa mag-emote nang mag-emote, mas pinili ni Jenny na mag-focus sa kanyang sarili at kung paano niya itatawid ang buhay. Dito raw niya naisipang mag-live streaming na simulan niya noong kasagsagan ng pandemic.
Saad niya, "Hindi ko naisip na yung pandemic actually is a blessing in disguise sa akin.
"Nawala ang ABS [CBN], walang masyadong taping, lahat. So, paano kami, di ba?
"Doon ko na-realize na kaya ko palang mag-live streaming. Kaya ko palang mag-entertain ng viewers na ganun lang.
"And then, na-bless ako ng mga supporter na nag-stick sa akin hanggang sa ngayon. At least nakaipon ako, at nakabangon ako sa buhay.
"Kulitan lang ako with the viewers, and interactions with the kababayans natin all over the world."
@thisisjennymiller Walang magawa ???? IB:@ceejaylaqui_ #fyp #foryou ? La Curiosidad x Shaky Shaky - djdarzu
Nauso noon ang content kung saan ang ibang streamers ay may pagka-sexy ang content at ang iba ay nagbukas pa ng kanilang OnlyFans account. Ano ang naging reaksiyon niya rito?
Ayon kay Jenny, "Siguro dahil nagsara rin ang mga trabaho nila, ano, e, kanya-kanya, e.
"I have nothing against naman sa mga ginagawa nila kasi kailangan nilang mabuhay, lalo na't wala ka talagang mapapasukan. Kakapit ka, e.
"Wala, e, lahat nagsara, so, anong choice mo kundi mag-live sreaming ka, mag-TikTok ka.
"Kakayod ka, e. You have to survive sa anumang paraan na kaya mong gawin."
ONLINE SUITORS
Sa kanyang pagla-live streaming din daw nakaranas si Jenny na may nanliligaw sa kanya of different ages.
Natatawang sambit niya, "Oo, grabe!
"Alam mo yung di mo nga alam kung paano ko sila ima-manage. Pero siyempre, andoon ako sa... gusto ko friendship lang.
"Yung iba, they offer you financially. Gifts. Pero siyempre, mag-iisip ka.
"Ako kasi, nag-e-enjoy ako sa ginagawa ko, and ang sarap pala ng feeling nag-e-enjoy ka, na game ka sa lahat.
"Siyempre, galing ka sa isang relationship, kaya grabe talaga. Lalo na't grabe ang naranasan ko, di ba?
"For now, I'm praying na kung ano ang ibigay ni Lord ay siya na, kasi nakakapagod na rin."
Iba na rin kahit paano ang standard niya pagdating sa lalaking muli niyang papapasukin sa kanyang buhay.
Pahayag ni Jenny, "Pinipili ko na siyempre. Sasalain ko, kasi yung standard ko medyo tumaas na.
"Ang hirap maghanap ng ganung klaseng lalaki. Na akala ko yung [dati] bed of roses na. Knight in shining armor na.
"Ang daming expectations tapos hindi pa pala.
"Sabi ko nga, forty-three na rin ako, so ang gusto ko yung pang-forever na talaga."
