PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ronnie Liang on Kamikazee Issue in Sorsogon

Ronnie Liang: "They must have a valid reason why they turned it down."
by Glenn Regondola
Published Oct 11, 2023
ronnie liang ngiti foundation
Ronnie Liang on setting up his own foundation to help children with cleft palate: "Ang dami kong kababayang natutulungan, kaya lalo akong mas na-inspire na mag-release at mag-release pa ng mga kanta for the benefit of this project. Kagaya ng sinabi ko, hindi naman ako habambuhay na artista, so hangga't nandun pa yung opportunity na yun, gamitin mo yun for the good of our people to share your blessings."
PHOTO/S: Glenn Regondola

Bilang isang singer at entertainer na nagtatanghal sa iba't ibang probinsiya, hiningan ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Ronnie Liang ng kanyang opinyon tungkol sa nangyari kamakailan sa bandang Kamikazee.

Hindi natuloy ang pagtatanghal ng Kamikazee sa Kasanggayahan Festival sa Casiguran, Sorsogon, noong October 1, 2023, dahil pinalayas sila ng gobernador ng lalawigan na si Edwin “Boboy” Hamor.

Read: Kamikazee band, pinalayas ng gobernador sa Sorsogon

Ayon sa mga ulat na lumabas, nagdesisyon si Governor Hamor na huwag nang pasampahin ng entablado ang banda matapos tumanggi umano ng mga itong magpakuha ng litrato sa sikat na tourist attraction sa Sorsogon, ang 16,000 Blue Roses.

Read: Kamikazee allegedly refused pictorial at Sorsogon’s tourist attraction

Nang makapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa isang restaurant sa Quezon City, Martes ng gabi, October 10, kinuha namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa pinag-uusapang isyu.

Pahayag niya, "Well, I can speak only for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung ako po yung naimbitahan, binayaran naman ng LGU [local government unit], kung gusto akong papiktyuran dun sa anumang finished product nila, and you asked nicely, bakit naman hindi?

"If ever ako, bilang isang artista, parte talaga na bukod sa pag-arte, o pagkanta, at may magpapag-picture na isa o dalawang click lang naman tapos na.

"Kaysa makakapag-create po ako ng commotion, o quarrel, o disappointment doon sa isang partido na nag-invite sa akin.

"Kung ako inimbitahan, pinakain ako, binigyan ng pansamantalang tuluyan, at kinausap ako ng padre de pamilya, bakit naman hindi?

"Lalo na kung mga nakapahusay makitungo ng pamilyang yun, wala akong rason para tanggihan sila."

Isa raw sa ipinupunto ng ibang entertainers na tumatanggi sa ganitong "extracurricular activity" para sa kanila ay binayaran sila para mag-perform lamang, lalo na kung hindi ito nakasaad sa pinirmahang kontrata.

Sa palagay ba ni Ronnie, dapat nakadetalye ito sa kontrata? O isang extra service na lamang ito para sa kanilang mga tagahanga at sa mismong nag-imbita sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa 38-year-old singer-pilot, "Well, ano kasi, kahit ako minsan, kung wala sa kontrata, bilang courtesy doon sa taong nag-invite, kasi madalang kasing pumunta doon, lalo kung binayaran ka, baka kasi nandito ka na sa pagkakataon na puwede, okey lang naman sa akin.

"Ako, lagi kong nire-remind ang sarili ko, the reason why we are here, kaming mga artista, is to entertain.

"Parang public property na sa paglabas namin, parte talaga yun ng trabaho nila [ang magpa-picture].

"Now, kung di mo kaya, wala, kailangan mong kayanin kasi artista ka. It's our duties and responsibilities to be nice and good at all times."

Dagdag ni Ronnie, "Kung magpapa-picture sa akin na halimbawa may nakasulat na brand at may iba akong ini-endorse, iba naman yun.

"Basta wala namang conflict, bakit naman hindi?

"Sa akin yun, ha? Opinyon ko yun.

"Ngayon, kung nangyari yun sa iba, then they must have a valid reason why they turned it down."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Ronnie Liang on MTRCB imposing suspension on 'It's Showtime': "Parang selective justice."

May panahon din ba na parang ayaw niyang pagbigyan ang extra request ng katulad nito? Naramdaman o naranasan na ba niya yun?

Ani Ronnie, "Well, bilang isang tao, natural lang na napapagod ka. Pero, mas gusto ko na rin yung may magpapa-picture sa akin kaysa sa wala.

"Ibig sabihin, hindi nila ako kilala. Yun.

"Kasi ang artista, base sa training, hindi ka puwede humindi. Someone should say 'no' — your RM [road manager], your handler, your manager.

"Hindi puwede ang artista. Oo lang nang oo ang artista. Ngiti ka lang nang ngiti.

"Mas possible kasi na you have to please everyone. Though we cannot please everybody, the thing is, all parties ay mapasaya mo at ma-entertain mo sila.

"Ngayon, kung hindi mo na gusto, hindi ikaw ang mismong nagsasabi, kundi someone else.

"Ang importante kasi, may middle person, may first line of defense to explain your side.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Minsan kasi nakakalimutan na kaya nandiyan ka, it's because of your audience. To turn them down, masakit din yun sa parte nila."

Read: Ronnie Liang thinks it's "big blessing" to be a singer during social-media era

NGITI FOUNDATION

Samantala, isa sa bagong advocacy ni Ronnie ngayon ay ang itinayo niyang foundation para sa mga batang may cleft palate o mga batang bingot kung tawagin.

Ano nga ba ito?

Nakangiting pahayag singer-actor, "Right now, may mga bago akong kantang prinodyus na available sa lahat ng digital platforms worlwide, na lahat ng royalties ko dun, yung sales, dinu-donate ko sa foundation ko.

"Ito yung The Ronnie Liang Project-NGITI Foundation, na lahat ng may lip and cleft palate for them to have a surgery or operation. So, ayun po siya.

"Yung project na yun was inspired sa kantang 'Ngiti' at registered siya SEC [Securities and Exchange Commission], DSWD [Department of Social Welfare Development], and BIR [Bureau of Internal Revenue].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Gusto kong magpangiti literally, hindi lamang sa pag-serenade, kundi sa iba where we are changing lives here, and it's a long-term project.

"Yung mga bata gusto kong matulungan na maibalik ang mga ngiti, at gusto kong suklian yung maraming blessings na natanggap ko dahil sa kantang 'Ngiti.'"

Paano niya naisip ang ganitong adhikain sa panahong ang dami niyang ganap sa buhay? Bukod sa pagiging pilot at military reservist, tinatapos din niya ngayon ang kanyang doctarate in Philosophy.

Lahad ni Ronnie, "Nag-start ito noong birthday ko.

"May isa akong teenager na tinulungan na very successful, so we came up with the idea na bakit hindi ko siya ituloy, at gumawa na talaga ng isang foundation.

"Kagaya ng sinabi ko, na-inspire ako dun sa song na 'Ngiti.'

"So ayun, from seed capital, meron akong lawyer-friend na siyang nag-ayos ng mga document. And God is good, ayos na ang lahat ng requirements, kaya tuluy-tuloy na ang project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Before, nag-partner po ako doon sa Operation Smile. Sila yung naka-tie up ko dun sa sinasabi kong one of my birthday celebrations, at dun nga nag-come up yung idea na bakit di ako nagtayo ng sarili kong foundation."

Kumusta naman ang operation nito? Ilan na ba ang napagsilbihan nila?

Buong pagmamalaki ni Ronnie, "Ayun po, isang libo silang mga nakapila ngayon, at nakakailan na kami kada linggo, and it's good.

"Ang dami pala. Ang dami kong kababayang natutulungan, kaya lalo akong mas na-inspire na mag-release at mag-release pa ng mga kanta for the benefit of this project.

"Kagaya ng sinabi ko, hindi naman ako habambuhay na artista, so hangga't nandun pa yung opportunity na yun, gamitin mo yun for the good of our people to share your blessings.

"Aside from that, meron pa akong isang project para naman sa mga batang may cancer na fifteen years ko na ring ginagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga, kapag lumaki na ang project at funds, naisip ko na ring lawakan ang tulong doon naman sa mga batang nagda-dialysis, and those who need hospitalizations.

"Yun po ang gagawin ko sa foundation namin, at sana mapagpanagumpayan ko ito with God's will."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang on setting up his own foundation to help children with cleft palate: "Ang dami kong kababayang natutulungan, kaya lalo akong mas na-inspire na mag-release at mag-release pa ng mga kanta for the benefit of this project. Kagaya ng sinabi ko, hindi naman ako habambuhay na artista, so hangga't nandun pa yung opportunity na yun, gamitin mo yun for the good of our people to share your blessings."
PHOTO/S: Glenn Regondola
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results