Naihatid na sa kanyang huling hantungan si Yzabel Ablan, ang panganay na anak nina Janna Dominguez at Mickey Abalan, Huwebes ng hapon, October 12, 2023.
Inilibing si Yzabel sa La Pieta Memorial Park sa Angeles, Pampanga.
Sa kanyang Facebook account, nag-post ng isang short video si Mickey sa sementeryo kung saan yakap-yakap nito ang kabaong ng anak.
Nasa kanyang tabi naman ang asawang si Janna na humahagulhol din.
Makikita naman sa kanilang likuran na nakaupo si Iwa Moto, dating nakarelasyon ni Mickey at naging ina-inahan din ni Yzabel.
Mensahe ni Mickey sa caption, “God Above All [heart, praying hands, sad face emojis]
"I Love you so much Yzabel Ablan [heart emojis]”

Read: Janna Dominguez, Mickey Ablan tearfully recall last moments of daughter Yzabel
Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kina Mickey at Janna noong Martes, October 10, 2023, sinabi nilang matagal pinag-usapan kung anong klaseng libing ang ipagkakaloob nila sa anak.
Pagbabahagi ni Janna, "Actually, nung time na yun, ang hirap pag-usapan yun, yung libing. 'Paano ba gagawin? Cremation ba? Or normal na libing?'
"Yung mga ganung decision-making."
Pero sa huli, napagdesiyunan nilang normal na libing dahil nais daw nilang may lugar na mapupuntahan tuwing may okasyon.
Sabi ni Janna, "Gusto kasi ni Mickey... Actually, si Ate Yza mahilig sa celebration, di ba?"
Pagsang-ayon ni Mickey, "Yes, tatayuan namin ng mauseleo... na puwedeng mag-celebrate dun."
Read: Janna Dominguez and Mickey Ablan lose daughter, welcome son on the same day
OCTOBER 7, 2023
Panghabambuhay nang tatatak ang petsang October 7, 2023 para kina Janna at Mickey.
Dalawang mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay ang naganap sa araw na ito, isang masaya at isang malungkot: ang pagsilang ng kanilang bunsong anak na si Michael Zab Leon III at ang pagpanaw ng kanilang panganay na anak na si Yzabel Ablan.
Read: Janna Dominguez introduces youngest baby born on same day of Yzabel's passing
Bandang 3:49 a.m. ng Sabado, October 7, nang isilang ni Janna ang bunso at kauna-unahang lalake sa pamilya nila na si Leon.
Makalipas lamang ang ilang oras, 12:20 p.m.., ay pumanaw naman si Yzabel dahil sa lung infection at heart failure. Siya ay dalawampung taong gulang lamang.
Read: Janna Dominguez, Mickey Ablan daughter passes away
Ayon sa mag-asawa sa panayam ng PEP, sabay nilang gugunitain ang death anniversary ni Yzabel at birthday ni Leon sa susunod na taon.
Read: Mickey Ablan and Janna Dominguez reveal biggest regrets about daughter Yzabel's death
