PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine Barretto: 'I'm Renovating'

"Thank you so much sa inyong lahat. Lalo na sa mga nag-worry."
by Arniel C. Serato
Published Oct 15, 2023
Claudine Barretto fans worry about the actress after post about renting a house
Claudine Barretto is looking for a temporary house to live in because her current home will be undergoing renovation soon: "Kailangan namin lumipat dahil ipapa-renovate po yung bahay ko. Pagagandahin at magdadagdag ng mga kwarto."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Binigyang-kulay ng ilang netizens ang simpleng post ni Claudine Barretto tungkol sa paghahanap ng bahay na marerentahan.

Sa Instagram nitong nakaraang October 12, 2023, may maiksing post si Claudine ukol dito.

Sabi niya, “Looking for a house for rent, with 4 to 5 bedrooms. Along katipunan.”

May ilang netizens na ginawang negative ang post ni Claudine.

Pero wala na ang kanilang mga komento.

Pagtatanggol ng isang netizen kay Claudine, “naghanap lang ng uupahan ung tao dami na nega comment..eh anu naman ngayon kung kelangan nya guys ng umupa....paparenovate nga eh..tapos ano naman ngayon kung binenta nya isang bahay nya?!!! may problema po ba”

Claudine Barretto netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa isa pa, “Naghahanap lang ng ma rerentahan kung saan saan na napunta usapan hahahah.juicec!olored”

Claudine Barretto netizens

Sabi ng isa pa, “Ung nahanap lang ng paupahan c claud sa ganito na umabot ang lahat... [laughing emojis]”

Sumagot naman sa kanya ang aktres.

Kinlaro niya kung bakit kailangan niyang lumipat sa isang pansamantalang tahanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipapa-renovate daw kasi ang bahay niya ngayon.

Nagpasalamat naman siya sa mga nag-alala.

Ani Claudine, “i clear ko lang po.kailangan namin lumipat dahil ipapa Renovate po yung bahay ko. pagagandahin at mag dadagdag ng mga kwarto kaya d kami pwede dito sa bahay.may parts na ipagigiba. Thank you so much sa inyong lahat.lalo na sa mga nag worry.i luv you all & maraming salamat po [praying hands emojis]”

Claudine Barretto netizens

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi ng isa pang netizen, bakit hindi na lamang daw sila sa condo niya tumira.

Ayon dito, “@claubarretto Dapat maiwan dun si Sol para tumulong gumiba, at para may tumingin na din sa bahay. Huwag ka na umupa, tumura ka na lang sa condo mo sayang yun, titirhan lang yun ng multo kung walang nakatira."

Tugon ni Claudine, hindi sila kasya sa condo ng mga anak na sina Sabina, Santino, Quia, at Noah.

Kaya kailangang bahay raw talaga.

Aniya, "may nagre rent ng LPL at BONIRIDGE sa BGC kong condo.at d kami kakasya sa Condo.apat anak ko plus staff & Drivers.kaya bahay talaga po”

Claudine Barretto netizens

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto is looking for a temporary house to live in because her current home will be undergoing renovation soon: "Kailangan namin lumipat dahil ipapa-renovate po yung bahay ko. Pagagandahin at magdadagdag ng mga kwarto."
PHOTO/S: Courtesy: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results