PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

143 Luzon sites, itinayo para gunitain ang pamilya Marcos—UP study

Ano kayang pera ang ginastos para sa mga ito?
by KC Cordero
Published Oct 24, 2023
Maros family
Ipinaliwanag ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC) ang posibleng dahilan kung bakit maraming sites ang itinatayo para alalahanin ang pamilya Marcos, at kung paano ito nakapaghahatid ng maling impormasyon sa publiko.

Nasa 143 sites sa Luzon ang itinayo na para maalala ang pamilya Marcos.

Batay ito sa isinagawang pag-aaral ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC).

Iniulat ito ng Vera Files noong September 30, 2023, sa artikulong sinulat ni Rick Berdos.

“Yung gusto naming sabihin: these [sites] exist, ito’y pinupuntahan ng mga bata, ito’y pinaghahantayan ng mga tao habang sila’y naghihintay ng jeep o ng tricycle, ito’y dinadaaan-daanan natin every day,” ayon kay Larah Del Mundo, UP TWSC researcher.

Read: EDSA People Power anniversary not included in 2024 holiday line-up

Marcos memorabiliaAng imahe at mga estatwa ni Ferdinand Marcos Sr. katabi ang mga bayani ng Ilocos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Sa pag-aaral na isinagawa sa loob ng apat na buwang field work, naitala ang mga lokasyon at ang mga layunin sa likod ng historical markers, monuments, museums, at iba pang istrakturang kaugnay o ipinangalan sa mga Marcos.

Ipinakita ito ng UP TWSC sa isang event na pinamagatang “UP ????Marcos at Iba Pang Kahunghangan: Isang Malayang Talakayan sa Ika-51 Taon Matapos Ipataw ang Diktadurang Marcos” noong September 28, 2023 sa Palma Hall sa UP Diliman.

Paliwanag ni Del Mundo: “Para sa aming mga researcher, tingnan natin yung mga fine print: ano ba yung sinasabi ng mga markers na dini-discuss yung mga war exploits ni Marcos? Tama ba ito? Hindi ba ito tama?”

Read: Content creator kinain ang isdang puno ng tapeworms para mag-viral

SAAN-SAAN ANG MGA MARCOS MARKERS SA LUZON?

Natuklasan sa isinagawang research na 65 percent ng sites na naka-dedicate sa mga Marcos ay nasa Ilocos Region at sa National Capital Region.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Del Mundo, marami sa mga ito ay nai-set up matapos ang 1986 EDSA revolution.

Paliwanag niya, “These are to be expected kasi balwarte yung Ilocos ng mga Marcos, at yung NCR naman has been and until today [is] the seat of power.”

Ang mga dedicated Marcos-themed areas ay magkakasama sa ilang specific places sa Ilocos Norte.

Sa NCR, ang mga naturang sites ay nakakalat sa Taguig, Marikina, Quezon City, at Intramuros sa Manila.

mapAng lokasyon ng Marcos commemorative sites sa Ilocos [left] at sa National Capital Region.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Meet Murph, ang asong may “self-portrait” sa dibdib

BAKIT MAY MGA SITES PARA ALALAHANIN ANG MGA MARCOS?

Ang mga sites dedicated sa mga Marcos ay nagpapalaganap ng mga kuwento tungkol kay Ferdinand Marcos Sr., ang presidenteng nagdeklara ng batas militar noong 1972 at nabansagang diktador.

Natuklasan ng mga researchers na isinasalarawan ang pumanaw na presidente bilang isang bayani at mahusay na lider ng bansa.

Isinasalaysay ang pagwawagi ni Ferdinand Marcos Jr. noong 2022 elections.

Ipinapakita rin na maraming tagasunod na kulto na pumupuri sa pamilya Marcos.

Read: Things you need to know about trending app AI Yearbook

Nakalagay sa ilang shrines sa Mount Samat sa Pilar, Bataan, at sa isang marker sa San Esteban, Ilocos Sur, na si Marcos Sr. ay isang war hero.

Ibinunyag naman ng UP TWSC na ang mga ganitong claims ay hindi totoo.

Sa Ilocos, ang imahe ni Marcos Sr. ay nakalagay malapit sa estatwa ng mga bayani gaya nina Heneral Antonio Luna, Salarogo Ambaristo ng 1807 Basi Revolt, at Valentin Diaz ng Katipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil katabi ni Marcos ang mga bayani, bayani na rin ang turing kay Marcos,” paliwanag ni Del Mundo.

Read: PHP128K controversial coat ni Chot Reyes, naka-display na sa FIBA Museum

Sa isang site sa Cabaroguis, Quirino, natuklasang may kultong itinayo si former Colonel Bernabe Abella bilang bahagi ng psych war tactic laban sa mga rebeldeng Komunista.

Isang painting na natagpuan sa Basilica of Our Lady of Charity sa Agoo, La Union, ang naglalarawan naman kay Imelda Marcos bilang Virgin Mary.

Samantala, sa Teus Museum sa Malacañang ay ipinapakita ang pagkatalo ni Marcos Jr. bilang vice-presidential candidate sa halalan ng 2016 at ang pagkakapanalo nito bilang presidential candidate noong 2022.

vintage photosAng election paraphernalia ni Ferdinand Marcos Jr. noong 2016 and 2022 elections na naka-display sa Teus Museum sa Malacañang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Del Mundo, “Nagsimula sa diumano’y pagnanakaw kay Bongbong Marcos sa pagkapanalo niya sa vice presidency, at mag-e-end on a very glorious note sa isang museum kung saan pwede kang bumili ng campaign paraphernalia na dati’y ipinapamigay lang.”

Read: Babae nilason ng karelasyon ng ex-BF sa araw mismo ng kanyang birthday

Sa iba pang larawan ay makikita ang mga dating gobernador ng Ilocos Sur na sina Carmeling Crisologo at Chavit Singson na naka-pose kasama ang mga Marcos—isang pagpapakita ng kanilang ugnayan sa ibang pamilyang nasa pulitika.

vintage photosAng larawan nina former Ilocos Sur governors Carmeling Crisologo at Chavit Singson posing beside the Marcoses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Para sa kanila, utang na nila sa mga Marcoses ang kanilang pananatili sa kapangyarihan. Hanggang ngayon, pinaghuhugutan pa rin nila ng prestige ang kanilang association with the Marcoses,” ani Del Mundo.

Read: Meet Jeanne Nicci Orcena, Miss Universe Philippines 2022 candidate na board topnotcher

Karamihan sa 143 sites ay gumugunita sa pumanaw na diktador Ferdinand Marcos Sr. Ang iba ay para kilalanin ang asawa nitong si Imelda Marcos, ang pamilya Marcos, at maging ang mga magulang ni Marcos Sr. na sina Mariano at Josefa Marcos.

“Hindi malinaw kung anong kabayanihan ang ginawa ng tatay at nanay ni Ferdinand Marcos Sr. pero madalas ipinapangalan sa kanila ang mga sites or mga memorials na may kinalaman sa mga Marcos,” ayon pa kay Del Mundo.

Ang pag-aaral tungkol sa mga sites na ito, na pinondohan ng UP Office of the Initiative for Cultural Affairs (OICA), ay nagpapatuloy pa rin.

Pagtatapos ni Del Mundo, “Pati kami nagugulat na [maraming] sites sa Luzon. Nandoon pa lang tayo sa point na nagre-recon pa lang tayo. Wala pa tayo sa point na ano ba ang pwede nating gawin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Model rumampa sa fashion show suot ang mga buhay na isda

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinaliwanag ng University of the Philippines Third World Studies Center (UP TWSC) ang posibleng dahilan kung bakit maraming sites ang itinatayo para alalahanin ang pamilya Marcos, at kung paano ito nakapaghahatid ng maling impormasyon sa publiko.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results