PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Manzano praised for using sign language in 'It's Your Lucky Day'

Luis asked about possibility of 'It's Your Lucky Day' being a regular show.
by Jojo Gabinete
Published Oct 16, 2023
luis manzano it's your lucky day
Luis Manzano on his encounter with a studio audience with hearing disability on 'It's Your Lucky Day': “I am not sure kung completely deaf si Lester or hard of hearing lang kasi itinuturo niya ang tenga niya tapos wini-wave niya yung kamay niya. Parang sinasabi niya na gusto niyang sumayaw and he was deaf. So, isa sa mga kino-communicate ko sa kanya [through sign language] kanina was, 'Joke yung ginagawa namin ngayon pero pasasayawin kita.'"
PHOTO/S: Kapamilya Channel

Muling pinag-uusapan at pinupuri si Luis Manzano sa pangalawang araw sa telebisyon ng It’s Your Lucky Day, ang noontime game and variety show ng Kapamilya Channel at GTV na pansamantalang pumalit sa It's Showtime.

Ito ay dahil sa pakikipag-usap niya sa pamamagitan ng sign language sa isang studio audience.

Read: Luis Manzano quips about 12-day airing of 'It's Your Lucky Day': "... ang huling dalawang linggo"

Lester ang pangalan ng studio audience na sumenyas kay Luis na hindi siya nakakarinig pero gusto niyang sumayaw.

Napanood ito sa national television nitong Lunes ng tanghali, Oktubre 16, 2023.

luis manzano it's your lucky day

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hinahangaan ng netizens si Luis dahil sa kakayahan nitong makipag-usap sa pamamagitan ng sign language sa person with disability na kanyang napansin at binigyan ng pagpapahalaga.

Sa pakikipag-usap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Luis ngayong gabi, nagkuwento siya tungkol sa insidenteng pinag-uusapan dahil walang kaalam-alam ang publiko na marunong siya ng sign language.

Lahad ng TV host-actor, “Habang nagkakasayawan kami, si Lester, nakita ko siya dahil medyo mataas nga ang upuan niya [sa audience gallery].

“Lester was waving to me tapos itinuturo niya yung tenga niya. Parang sinasabi niya na ‘Wala. Wala [walang pandinig].'

“I am not sure kung completely deaf si Lester or hard of hearing lang kasi itinuturo niya ang tenga niya tapos wini-wave niya yung kamay niya.

“Parang sinasabi niya na gusto niyang sumayaw and he was deaf. So, isa sa mga kino-communicate ko sa kanya [through sign language] kanina was, 'Joke yung ginagawa namin ngayon pero pasasayawin kita.'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Even noong paakyat ako sa kinaroroonan ni Lester, sabi ko, ‘Direk, samahan niyo lang ako kasi may nakita ako na isang ka-lucky natin na medyo may konting kahirapan sa pandinig.'”

Nang itanong namin kung marunong talaga siya ng sign language, “Yes,” ang sagot ni Luis.

Kuwento pa niya, “Part ng curriculum namin noong high school sa Colegio San Agustin.

“Never ko talaga siyang kinalimutan. Talagang pina-practice ko talaga.

"But looking back, parang kanina, ang daming nangyayari, so I’m sure it wasn’t perfect, but I tried my best.

“I would like to think nagkaintindihan naman kami ni Lester.”

LUIS ON POSITIVE FEEDBACK FROM VIEWERS

Nag-umpisa ang limited run ng It’s Your Lucky Day noong Sabado, Oktubre 14, 2023.

Mula noong Sabado at ngayong Lunes, positibo ang karamihan ng mga komento tungkol sa It’s Your Lucky Day kaya nagpapasalamat si Luis at ang mga kasamahan niya.

Read: It's Your Lucky Day production, natutuwa sa 99% positive feedback sa programa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya, “We’re thankful. Nagpapatawa kami palagi na huling dalawang linggo. Kanina, eleven days to go.

"Nagpapatawa talaga kami pero kumbaga, para sa amin, we’re enjoying each and every moment.

“Alam namin yung limited run namin so the fact na napakaganda ng feedback, sinasabi nila nagba-viral. Nae-enjoy nila yung chemistry namin considering na first time kami nagkasama-sama.

“Despite the circumstances, we’re very thankful sa lahat ng nangyayari.”

Nilinaw ni Luis na wishful thinking lamang ang kanyang pahayag na mapapanood ang It’s Your Lucky Day sa ibang timeslot kapag bumalik na ang It’s Showtime.

Read: 'It's Your Lucky Day,' magtutuluy-tuloy na sa ere kahit bumalik ang 'It's Showtime'?

“Wishful thinking yon. Sabi ko nga, kung susuwertihin lang naman dahil siyempre, may ibang kailangan din naman gawin ang ABS-CBN.

“Hindi naman sila bigla-bigla na puwedeng, ‘O pagbalik ng Showtime, lipat na kayo.’

“Siyempre, proseso pa rin yan.”

Ano ang mensahe ni Luis sa mga tumatangkilik sa It’s Your Lucky Day?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you! Nung ginawa naman namin ito, hindi namin matatapatan ang Showtime definitely.

“Unfortunately, things happened sa ABS-CBN, sa Showtime.

"At kumbaga, gagawin pa rin namin kung ano ang puwede naming magawa para sa madlang people, para sa Kapamilya, Kapuso, Kapatid, Ka-A2Z,” pahayag ni Luis.

Paano kung magdesisyon ang ABS-CBN management na ipagpatuloy ang It’s Your Lucky Day dahil sa mga papuri at magagandang komento mula sa manonood?

“Oo naman,” hindi nagdalawang-isip na sagot ni Luis.

“Double yan. One, nag-e-enjoy ako. Two, mas marami ang may trabaho. Mas masaya!”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano on his encounter with a studio audience with hearing disability on 'It's Your Lucky Day': “I am not sure kung completely deaf si Lester or hard of hearing lang kasi itinuturo niya ang tenga niya tapos wini-wave niya yung kamay niya. Parang sinasabi niya na gusto niyang sumayaw and he was deaf. So, isa sa mga kino-communicate ko sa kanya [through sign language] kanina was, 'Joke yung ginagawa namin ngayon pero pasasayawin kita.'"
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results