May bagong development sa kaso ng Mr. Cagayan de Oro 2023 candidate na si Adriane Rovic Fornillos, 24.
Binaril siya sa ulo ng di kilalang suspect noong May 9, 2023.
Sa pag-iimbestiga ng Cagayan de Oro police noon, tiningnan ang anggulong crime of passion.
Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate "a crime of passion," says police; pastor denies involvement
Ang latest update: Hinuli ng Philippine National Police sa Agora, Brygy. Lapasa, Cagayan de Oro, ang mga suspek sa pagpatay na sina Pastor Dimver Andales at Junior Pastor Jether Nonot sa bisa ng arrest warrant sa kasong murder.
Sabi ni Police Capt. Byron John Ratunil sa GMA Regional TV Mindanao tungkol sa resulta ng imbestigasyon: "Base ito sa mga ebidensiya na ating nakalap at sa case build-up, napatunayan talaga natin kaya iyan ang mga pangalan na lumabas.”
Kasama sa naging ebidensiya ang screenshots ng nag-viral na usapan ng girlfriend ni Fornillos at kaibigan nito.
Sa usapan, binanggit ng girlfriend ni Fornillos na karelasyon niya ang pastor.
Itinanggi naman ng kampo ng pastor ang akusasyon, at handa raw silang harapin ang kaso.
Sabi ni Attorney Robert Maestre, legal counsel ng pastor, “Ngayon na meron ng nakasuhan ang sasabihin na naman ng iba ay guilty.
“Wag muna tayo gumawa ng mga pronouncement, unless ang korte na talaga ang magsabi na guilty talaga siya.”
Dagdag ng abogado, apektado na umano ang pagka-pastor ng kanyang kliyente, pati na ang kanyang pamilya
QUICK BACKTRACK
Nang barilin si Fornillas noong Mayo 9, naisugod pa siya sa ospital, pero binawian din ng buhay noong May 10.
Lumutang noon sa social media ang anggulo na ang girlfriend ni Fornillos ay karelasyon ni Pastor Anvales.
Nagselos daw ang pastor nang makita ang larawan nina Andriane at ang girlfriend na may suot na promise ring.
Mabilis na itinanggi ng pastor ang akusasyon, at binalaan ang mga taong nagdadawit sa pangalan niya nang walang basehan.
