Tila nagkabalikan muli sina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Mark Leviste.
Ito ay makalipas ang dalawang linggo mula nang ihayag ni Kris na siya ay single at walang commitment kanino man.
Ngayong Miyerkules, October 18, 2023, masayang ibinalita ni Kris na si Mark ang naging daan upang magkita sila ng Kapamilya actress na si Kim Chiu.
Base ito sa Instagram post ni Kris kunsaan makikita ang pagbisita ni Kim sa bahay na tinutuluyan ni Kris sa U.S.
Sa caption, isiningit ni Kris ang pagkakaayos nila ni Mark.
Sabi ni Kris (published as is): "Videographer & the person kimmy’s ate contacted to coordinate was vice gov @markleviste- we’ve both learned from our mistakes…
"with God’s help sana tuloy tuloy na yung harmonious and supportive relationship namin.
"Thank you bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment."
Ang tinukoy ni Kris na "Bimb" ay si Bimby Aquino Yap, anak nila ng ex-husband na si James Yap.
Read: Kris Aquino triggered after Mark Leviste posted selfie with her exes Phillip Salvador, Robin Padilla
THE RECENT BREAKUP
October 2 nang inanunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram post na wala na silang komunikasyon ni Mark.
Sa comments section, inamin ng aktres na sumama ang loob niya kay Mark nang makita ang litrato nito kasama sina Phillip Salvador at Robin Padilla.
Parehong ex-boyfriend ni Kris sina Phillip at Robin. Si Phillip ay ama ng panganay na anak ni Kris na si Josh.
Kuha ang litrato ni Mark kasama sina Phillip at Robin sa isang event sa Capas, Tarlac, noong August 27.
Ipinost iyon ni Mark sa IG account, pero binura rin nang makatawag ito ng pansin ng netizens.
Ayon kay Kris, hindi niya nagustuhan ang "unwanted pictures" dahil makakakuha lamang daw ito ng atensiyon sa anak niyang si Josh.
Pinigilan pa raw ni Kris ang sarili dahil "cleansed version" na ang paglabas niya ng sama ng loob kay Mark sa kabila ng inis niya rito.
Burado na ang comments na iyon ni Kris.
KRIS AQUINO'S REUNION WITH KIM CHIU
Samantala, ikinatuwa ni Kris ang pagkikita nila ng kaibigan na si Kim.
Napatili si Kim nang makita si Kris at agad na nagyakap ang dalawa habang nagkumustuhan.
Mensahe ni Kris para kay Kim: "All i can say is i love you, i super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW…
"i’ve missed you, as in SUPER. 50% less yung sakit nung biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often?
"Diba may bedroom ka na? Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins after you left."
Sagot ni Kim sa comments section: "I love you so much ate. [hearts emojis] so so so much.
"Ngayon alam ko na saan ako mag message. thank you so much to sir @markleviste for reaching out.
"Super happy ako. [heart emoji] happy ako to talk and see you ate after so many years. Love u ate. [heart emoji] @krisaquino"

Nagpasalamat din si Mark sa pagbisita ni Kim kay Kris.
"@chinitaprincess Thanks for making time today, KCA…Kim Chiu Aquino [heart emoji] Have a safe trip back home [Philippine flag].

