Naglabas ng pahayag si Andrew Bimbo Santivañez, ang ama ng pinaslang na si Adriane Rovic Fornillos, sa bagong development ng kaso.
Idinaan ni Santivañez sa social media ang kanyang reaksiyon kaugnay ng pag-aresto sa isang pastor na itinuturong mastermind sa pagpaslang sa kanyang anak, na naging Mr. Cagayan de Oro candidate this year.
Pahayag niya sa latest Facebook post: “I-ready mo na ang iyong abogado. Sa mga hipokrito at hipokrita na mga tuta, bilib rin ako sa inyo.
"Sabagay, diyan naman kayo kumukuha ng pagkain niyo. I understand.”
Read:
- Pastor arrested for death of Mr. Cagayan de Oro candidate; charged with murder
- Killing of Mister CDO 2023 candidate "a crime of passion," says police; pastor denies involvement
Nitong Lunes, October 16, 2023, inaresto si Pastor Dimver Andales ng Cagayan de Oro, sa bisa ng warrant of arrest ng Philippine National Police sa Agora, Brgy. Lapasa.
Sinampahan si Andales ng kasong murder.
Sinabi ng pulisya na ang nakalap na ebidensiya ay patunay diumano na may relasyon si Andales sa girlfriend ni Fornillos na si Jone Orog.
Nakakuha ng screenshot ng text messages ni Orog, na inamin daw sa isang kaibigan ang relasyon nito sa pastor.
Sabi pa ng abogado ng pamilya ni Fornillos na si Dale Mordeno sa isang radio interview, “We have pieces of evidence. These are circumstantial in the sense that the accused was not seen at the scene of the crime. But during the case build-up, we gathered enough evidence that links the accused to the crime."
Selos umano ang nagtulak kay Andales para ipag-utos ang pagpaslang sa binata.
Kasamang inaresto ang junior pastor na si Jether Nonot, na sinasabing accomplice sa pagpaslang kay Fornillos.
Tila nabunutan ng tinik sa dibdib ang ama ni Fornillos dahil one step closer na sila para makamit ang hustisya.
Post ni Santivañez, “Salamat sa Diyos, pinakinggan mo lahat ng panalangin kong hustisya para sa aking anak. Salamat Lord!”
Samantala, nasabi ni Santivañez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bitbit ng kanyang anak ang apelyido ng nanay nito.
PASTOR DENIES INVOLVEMENT
Naninindigan naman ang kampo ng pastor na hindi totoo ang mga akusasyong may kinalaman siya sa pagpaslang sa kay Fornillos.
Pero handa raw itong harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.
Si Fornillos ay binaril sa ulo noong Mayo 9, 2023 ng di kilalang suspek.
Naisugod pa sa ospital si Fornillos, subalit binawian din ito ng buhay.
Sinabi noon ng pulisya na tinitingnan ang anggulong “crime of passion,” na mariing pinabulaanan ni Andales.
Hindi rin daw "totoo" ang mga allegations na kumalat noong Agosto sa social media, kung saan binanggit na "sugar daddy" diumano ni Orog ang pastor.
Sabi ni Andales sa panayam niya sa iFM CDO noong August 12, “Sasabihin ko lang sa lahat, evaluate properly. Kilala niyo naman ako. Alam niyo kung sino ako. Kasi ang lahat ng ito, chismis lang ito, paninira sa pangalan ko.”
