Pinalagan ni Janna Dominguez ang isang basher na tinawag na "babaero" ang kanyang partner na si Mickey Ablan.
Kaugnay ito sa artikulong nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 13, 2023 kung saan pinasalamatan ni Mickey ang tatlong babae sa kanyang buhay dahil sa pagmamahal ng mga ito sa panganay niyang anak na si Yzabel Ablan, na pumanaw kamakailan.
Sila ay sina “Denise,” ang biological mother ni Yzabel; Iwa Moto, na dating nakarelasyon ni Mickey; at Janna, na kasalukuyang karelasyon ni Mickey.
Ang tatlong babae ay itinuturing ni Yzabel na kanyang mga ina dahil nakapiling niya ang mga ito sa magkakaibang panahon.
Read: Mickey Ablan grateful to three "moms" of late daughter Yzabel
Sa comments section ng PEP.ph sa Facebook kung saan ni-reshare ang article, nagkomento ang isang basher.
Sabi nito patungkol kay Mickey, “Babaero din pala.. Nakatatlo na kaagad [laughing emoji]”
Sumagot din dito ang isang netizen. Pero hindi maganda ang dating ng komento nito sa basher.
Sabi ng basher, “sa pagkababaero nya mga anak nya ang sakripisyo karma nya”

Nai-screenshot ito ni Janna at ibinahagi sa kanyang Facebook account.
Dito ay pinagsabihan ng aktres ang basher.
Saad niya, "Sana un Ka Bastusan mo idaan mo sa Prayers Tanda Tanda mo na Bastos ka pa!
"I see nothing wrong with the Article tapos sasabayan mo ng Kabastusan mo not only sa Family namin but k Yzabel na Comment. ikaw mag ingat sa Karma!"
Hindi pa nakuntento si Janna at muli siyang nag-post.
Aniya, “I don't see Anything wrong with this Article and who are you to Judge and make a Insensitive Comment k Mickey at this time of Grief!?
___________ Karma? You should think about getting Karma yourself!”
Sumagot din si Mickey sa komento ng basher.
Tugon nito, “Bastos ka din ah!”
Dagdag pa ni Mickey, “Tanda Tanda mo na Bastos ka pa din!
“Mag Dasal ka nga baka ikaw Karmahin!”

Pumanaw si Yzabel noong bandang tanghali ng October 7, 2023 dahil sa lung infection at heart failure. Siya ay dalawampung taong gulang lamang.
Read: Janna Dominguez, Mickey Ablan daughter passes away
Madaling-araw ng araw na iyon, isinilang ni Janna ang bunso at kauna-unahang lalake sa pamilya nila na si Leon.
Read: Janna Dominguez and Mickey Ablan lose daughter, welcome son on the same day
