Permanente nang ipapasara ang animal shelter sa Happy Animals Club sa Davao City.
Ito ang ibinahagi ng netizen na may handle na @angelabeevs sa X (formerly Twitter) last October 18, 2023.
Nag-post siya ng video ni Ken Amante, owner and founder ng Happy Animals Club.
Ayon sa caption ni @angelabeevs (published as is), “Please watch and share. This no-kill animal shelter was shut down by the City Gov't of Davao.
“They plan to confiscate the animals and take them to the dog pound, where they will be killed.”
Ang shelter na may lawak na 1,000 square meters ay kumukupkop ngayon sa halos 300 aso at pusa.
Read: Lalaki napagkamalang unggoy, nabaril ng kasama sa pangangaso

Sa video, sinabi ni Ken na hindi na sila makakapag-rescue ng mga hayop dahil sa order lokal na pamahalaan.
Sinabi rin aniya ng mga opisyal ng City Health Office (CHO) na kukumpiskahin ng naturang opisina ang mga hayop sa shelter at dadalhin sa dog pound.

Read: Love bite ng girlfriend, ipinagawang tattoo ng boyfriend
Ang CHO ang nagsarado sa Happy Animals Club.
Ayon pa kay Ken, sobrang eager ang CHO na umaksiyon sa isang walang basehang reklamo.
“It makes no sense to shut down an animal shelter for no reason. What is the motivation of the City Health Inspector in ordering us to close?”
Dagdag pa niya, “Something definitely smells fishy here, but it’s not the shelter.”
Read: Ang katotohanan sa likod ng viral video ng "pastor" na kayang laruin at amuin ang mga lion
Kapitbahay ng shelter ang nag-complain sa CHO tungkol sa ingay at mabahong amoy mula sa shelter, na naitayo noon pang 2014.
Nabili nito ang katabing lote ng shelter noong 2019.
Ani Ken, nagreklamo ang kapitbahay para tuluyan nang maalis sa lugar ang shelter.
“Our landlady passed away and our neighbor’s relative is trying to take control of this property.”
Read: 13-year-old Doodle Boy Joe Whale bags "huge deal" with Nike

Pero sa halip aniyang kumuha ng eviction order mula sa korte, inireklamo ng kapitbahay sa CHO ang amoy ng shelter.
Ang mga naging bisita rin aniya ang makapaggpapatunay na malinis ang kanilang area.
Payag naman umano siya na i-relocate ang shelter, kahit pa mali ang akusasyon ng kapitbahay. Yun lang, kapos siya sa kakailanganing pondo.
Ani Ken, hindi ito feasible option dahil halos PHP5 million ang gastos para makapag-set up ng bagong shelter.
Kaya nakiusap siya sa netizens na huwag mag-suggest ng, “Just move somewhere else.”
Umani ng suporta sa netizens ang panawagan ni Ken.
Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman

Nag-set up ang PAWSsionProject ng petisyon sa Change.Org para huwag ipasara ang shelter.
Isa ang actress na si Nadine Lustre sa sumuporta sa panawagan, at nag-share nito sa kanyang Instagram feed.
Sa official Facebook page ng Happy Animals Club kung saan naka-post ang video, isang konsehal ng lungsod ang nag-reach out sa shelter para mapag-usapan ang isyu.
May mga netizens ding nagbigay ng mga contact information ng mga opisina ng gobyerno na puwedeng lapitan ng shelter para hindi ito tuluyang maipasara.
Ilan din sa mga ito ang nagsabing sa shelter nila nakuha ang kanilang pets.
Read: Meet Lola Maura Agripa: First EMBO centenarian na nakatanggap ng PHP100K gift
