PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda contemplates return of 'Gandang Gabi Vice'

'Gandang Gabi Vice' last aired in March 2020.
by Nikko Tuazon
Published Oct 22, 2023
Vice Ganda
Vice Ganda expresses gratitude for the support for 'Gandang Gabi Vice' despite the show's three-year hiatus: "Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram

Mahigit tatlong taon nang wala sa ere ang late night talk show ni Vice Ganda sa ABS-CBN, ang Gandang Gabi Vice, ngunit marami sa fans nito ang nami-miss na ang programa.

Noong March 2020 pa, sa simula ng COVID-19 pandemic, nang ipalabas ang last episode ng Gandang Gabi Vice.

Read: Vice Ganda bids goodbye to Gandang Gabi Vice after 9 years

Nitong Linggo, October 22, 2023, sinagot ni Vice Ganda ang mga tweets ng netizens sa X (dating Twitter) na nagpapahayag ng kanilang pagkaka-miss sa nasabing show.

Isa na nga dito ang post ng content creator na si Tristan Louis Sicat.

Aniya, "What's stopping ABS-CBN para ibalik ang GGV? Super entertaining ng GGV huhu."

Nag-reply naman si Vice Ganda sa post na ito at sinabing isa sa dahilan kung bakit hindi pa ito pumapayag na gawing muli ang Gandang Gabi Vice ay dahil hindi na nito kakayanin ang tatlong programa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Vice, "I was actually asked by the management when i signed my new contract if i wanted to do GGV again. I couldnt do 3 shows anymore..."

Kasalukuyang main host si Vice Ganda sa It's Showtime at ang weekly musical game show na Everybody, Sing!

Pagpapatuloy naman ni Vice Ganda, sakaling matapos naman ang Everybody, Sing!, bukas siya sa posibilidad na ibalik ang Gandang Gabi Vice.

"Baka pagtapos ng Everybody Sing let’s see kung keri ko na. Pero seasonal na lng. Di ko na keri ung another 10 years."

Vice Ganda

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

VICE GANDA: GANDANG GABI VICE COMEBACK

Isa pa sa mga dahilan kung bakit hindi na muna tinanggap ni Vice Ganda ang Gandang Gabi Vice ay dahil nagsawa rin ito sa paulit-ulit na guest.

Inamin niya ito sa kanyang reply sa X user na may handlename na @knjpblo.

Pahayag ni Vice Ganda, "Actually true to. Nagsawa na din ako sa paulit ulit na guests. Isa yun sa mga rason kaya i decided to sign off."

Umaasa namang si Vice Ganda na mas dadami na ang kanyang magiging guest sa Gandang Gabi Vice lalo't nagsasanib-puwersa na ang ABS-CBN at GMA-7.

Aniya, "Pero ngayon mukhang mas malalim na ang balon ng guests kasi sanib pwersa na ang mga networks (hopefully)."

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tanong ng isa pang X user kung sino ang dream guest ni Vice Ganda sa pagbabalik ng Gandang Gabi Vice, sagot nito, "Britney Spears."

Gandang Gabi Vice

Samantala, isa naman sa mga na-miss na netizens mula sa Gandang Gabi Vice ay sa tuwing mai-interview ni Vice Ganda ang mga kandidata ng Pilipinas na sasabak sa Miss Universe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging tradisyonn na rin ito ng nasabing programa at maraming fans ang naniniwala sa suwerte dulot nito lalo't sunud-sunod ang placement ng Pilipinas sa Miss Universe nang simulan ito ng show.

Sabi naman ni Vice Ganda, "Hahahahah at may mga naniniwala talaga sa bertud ng GGV sa mga ilalaban sa pageant! Sabagay madami talaga kong nabasbasan na pumwesto. Kung di title e runner up."

Gandang Gabi Vice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

VICE GANDA: PROUD OF EVERYBODY, SING!

Masaya at fulfilled naman si Vice Ganda maging sa achievements na natatanggap ng musical game show na Everybody, Sing!

Noong June 2021 unang ipinalabas ang nasabing game show, at ngayon nga ay naka apat na season na ito.

Isa sa proud moments ni Vice Ganda mula sa show ay nang manalo siya bilang Best Entertainment Program Host sa 2021 Asian Academy Creative Awards.

Post ni Vice Ganda, "Pinuno ng GGV ng trophies ang bahay ko pero Everybody Sing gave me international recognitions. Um-ASIAN si accla eh!"

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod dito ay proud din si Vice Ganda na nakakatulong ang show sa kanilang mga contenders. Kaya naman kahit na mas challenging ang Everybody, Sing!, sobrang worth it naman daw ito.

Sabi ni Vice Ganda, "Sa totoo lang! And sa GGV nakaupo lang ako most of the time tapos tawa lang ng tawa. Nakakapagod ng malala ang Everybody Sing pero it’s all worth it kasi ang objective ay di lang entertainment kasama na din ang public service."

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang post, ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pasasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa Gandang Gabi Vice at maging sa ABS-CBN.

"Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN."

Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda expresses gratitude for the support for 'Gandang Gabi Vice' despite the show's three-year hiatus: "Super nakakahappy na kahit ilang years ng di umeere ang GGV bukambibig pa din ito ng madami. Im so blessed to have 3 programs na kinakapitan talaga ng mga tao. It’s Showtime, GGV and Everybody Sing. Thank you ABS CBN."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results