Nag-donate nga ba si Heart Evangelista ng kidney niya?
Naging usap-usapan ang topic na ito sa social media nitong mga nakaraang araw kung totoo nga bang nai-donate na ni Heart ang isa sa kanyang kidney.
Nag-ugat ang balita nang mag-question-and-answer session si Heart sa kanyang Instagram followers ilang araw na ang nakararaan.
Tanong ng isang follower ni Heart: "How did you manage to recover emotionally, mentally, and spiritually sa mga nag-abuso sa kabutihan niyo?"
Ayon kay Heart, ang kanyang sikreto para maka-recover mula sa mga nang-abuso sa kanyang kabutihan ay ang pag-unawa na ito'y dahil sa inggit at masamang intensiyon ng mga taong ito.
Aniya, "You recover by realizing that it's okay. It was part of the criminal plan with their criminal minds.
"And you realize the reason why they worked so hard to put you down is because you actually have a great life.
"You have everything they ever wanted and they worked so hard to take it from you and get it. But that's it."
Patuloy nito, "That's all you have to realize. You have a good life with great people in your life that will protect you and they don't.
"So that's it. And when you have that, you're, like, okay, because no matter what they try to do or actively trying to do as we speak, I'm in a really good place. And where are they? Char.
"Matapang na ako ngayon."
Dagdag pa ni Heart, hindi lang sa kanya o gaya niyang celebrity maaaring mangyari ito kaya naman nagbabala siya sa kanyang Instagram followers.
"Let's just say it like this. It just doesn't happen with people like me, like artistas or what.
"It happens also at workspace, you know, the office that some people secretly wanted to have what you have, your life.
"And it makes you kind of question, 'Why, what do I have?' Because for me, I'm very oblivious about, 'Oh, I have this.'
"I mean, for me, some things are normal and some things I'm just happy and grateful. But not a lot of people are going to be happy about that.
"So when somebody that seemingly was close to you says something bad about you, the ones that believe them never really like you to begin with because they finally have something na, 'Ah, sabi ko sa yo, ganito siya, sabi ko sa yo, ganyan.'
"So, in a sense, you don't really lose everything or anyone because those people never like you to begin with."
Sa sumunod namang statement ni Heart nagsimula ang tsismis na nag-donate siya nng kidney sa isang tao at sinabihan pa raw itong tutubo daw ito ulit.
Sabi ni Heart, "Ay, naku, ha. Matapang na ako ngayon. Hindi na talaga ako papayag. Dati, mabait ako. Ngayon, hindi na.
"So, kung nagtataray ako, may dahilan yun. So in case, just in case, alam niyo, hindi talaga ako papayag.
"I've, oh my God, gone over and beyond. Nabigay ko nga yung kidney ko, e, alam mo ba? Ahmmmm, ganun kabudol.
"May sakit daw yung ano, kailangan daw ng kidney, tutubo daw ulit. Binigay ko! Char.
"Pero ganong kapasok, my God. But now? Try. You can take everything. I will find ways to work hard and get it back.
"Basta si Lord kasama ko, wala tayong problema. Pero matapang na ako. Cheers to that."
@bethaglasi Heart Evangelista,Matapang na Ako ngayon! Binigay ko nga kidney ko eh, omg! Special Q&A with a Heart ???? #heartevangelista #heartevangelistaescudero #lifeupdate #qanda #chizescudero #heartandchiz #video #trendingnow #viralvideo #latestnews #trending #latestupdate #breakingnews #viral #fashion #fyp #foryou #entertainment ? original sound - Beth Aglasi
HEART CLARIFIES STATEMENT
Nitong Linggo, October 22, 2023, binigyang linaw ni Heart ang kanyang naging statement sa isang TikTok video.
Sa kanyang post, nag-reply si Heart sa isang follower na nasabing hindi rin nito gets ang part na sinabi umano ni Heart na "nabenta niya ang kidney niya."
Paglilinaw ni Heart, biro lamang ito at ginamit lang ang sitwasyon upang magbigay ng example kung paano siya madalas malinlang o maloko dahil sa kanyang sobrang kabaitan.
Sabi ni Heart, "So, the question is anong ibig kong sabihin nung sinabi kong except those nabenta niya yung kidney niya?
"What I mean to say is rurok na rurok yung pagkabudol ko emotionally, spiritually, and mentally. Kaya, kahit anong hingin sa akin, gagawin ko."
Patuloy nito, "Nung sinabihan ako ng kinangangailangan daw ng kidney yung emerut babyrut niya.
"Tapos sabi naman ng isang conniving kembot na tutubo naman daw yung kidney ko uminom lang daw ako ng vitamin B, charot! B Complex, na ibigay ko yung kidney.
"But I was just joking because ang ibig ko sabihin nun, ganon karurok yung belief."
Sa pagtatapos ng video, pabiro namang binanggit ni Heart ang lyrics ng isa sa mga kanta ni Cher, "Do you believe in love after love?"
At dagling sagot nito, "I don't!"
@lme85 Replying to @Hapopi_26 ? original sound - Heart Evangelista
