PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Chiu on 'Sampal' Scene with Maricel in 'Linlang'

Kim on the Diamond Star: "Ang galing katrabaho ang isang Maricel Soriano!"
by Melba R. Llanera
Published Oct 22, 2023
Kim Chiu
Maricel Sori
Kim Chiu (right) ticks off one item from her bucket list as she finally fulfills her very memorable 'sampal' scene with Linlang co-star Maricel Soriano (left): “Yun ang abangan ninyo, isa yun sa mga eksenang dapat niyong panoorin."
PHOTO/S: Screen shot from Linlang

Kasama sa ABS-CBN teleserye na Linlang ang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, at panay ang papuri ni Kim Chiu sa husay at galing makisama ng beteranang aktres.

Pagmamalaki niya, "Very generous si Inay, dami niyang binibigay sa amin lalo na ako kasi magkapaa kami, so ang daming sapatos na mamahalin na galing kay Inay.

“Tapos, ang dami niyang pagkain sa kuwarto niya, so pupunta lang kami dun tapos magkukuwentuhan lang kami and chikahan, ganun. Pero pag eksena na, yun na yun.

“Kinakabahan na ako, ninenerbiyos ako kapag magkaeksena na kami ni Inay. Siyempre ang dami nang nagawang mga projects at kaeksena si Inay, baka yung sampal niya hardcore.

"Actually, nangyari na, yung pangarap kong masampal niya. Bucket list, check!

“Yun ang abangan ninyo, isa yun sa mga eksenang dapat niyong panoorin. Pero sobra akong nagpapasalamat na nakatrabaho ko si Inay, habang ginagawa ko yung eksena na yun kinakabahan ako, pero sa eksena na yun mas kinabahan ako para sa role ni Juliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang galing, ang galing katrabaho ang isang Maricel Soriano! Ang tagal-tagal na niya sa industriya pero napaka-down to earth, very accommodating to help yung mga artistang katulad namin."

KIM SHARES LOVE ADVICE

Naniniwala si Kim Chiu na lahat ng tao ay naranasan na kung paano malinlang lalo na pagdating sa larangan ng pag-ibig.

Ayon nga sa Kapamilya actress, lahat ng nagmamahal ay minsang nagiging bulag at nakakalimot kung ano ang tama at mali.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa nakaraang media conference cum special screening ng Linlang na ginanap sa Cinema 76 sa T. Morato Ave. noong nakaraang October 2.

"Alam niyo, pag nagmahal naman kayo, di niyo alam yun kung tama o mali, pag puso ang pinaiiral niyo, di naman siya magsasabi sa inyo na tama yan, mali yan.

“Hangga't nararamdaman mo na di ka na nirerespeto, ibig sabihin gamitin mo na ang isip mo.

“Dapat alam mo yung self-worth mo. Lahat tayo nalilinlang. Imposibleng may isa sa inyo na di nalinlang. Baunin na lang natin yun na aral sa buhay natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Nangyayari naman talaga sa buhay yan. Lahat naman ng nangyari sa buhay natin di naman basta nangyari na lang. It happened with a purpose.

“As long as you learned your lesson or you learned something from that experience, magiging matagumpay ka na and ikaw ang winner when you are the bigger person."

KIM SHARES HER TAKEAWAY FROM LINLANG ROLE

Tinanong namin si Kim tungkol sa pagganap niya sa naturang role niya bilang si Juliana sa 14-episode na serye. Mas naiintindihan na ba niya ang mga babaeng nanloko o nangaliwa sa isang relasyon dahil ditto?

"Ang babae naman, ang gusto lang niya sa buhay ay atensyon, pagmamahal, oras, and security.

“Yun lang naman ang importante na maramdaman ng isang partner, ng isang wife. Pag nagkulang, maaaring makagawa siya ng mga bagay na di niya gusto, pero puwedeng mahanap niya ang kaligayahan niya sa ibang bagay. It's just a matter of choice and decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yun nga, sabi ko pag nagmahal ka, hindi mo na alam kung tama o mali ang ginagawa mo. Dapat mayroon tayong natutunan sa lahat ng ginagawa natin.

"Mas naintindihan? Di ko naman sinasabi na okay yun, pero pag napanood mo itong buong series na ito, maiintindihan mo yung babae kung bakit niya nagawa yung bagay na yun.

“At the end of the day, mayroon at mayroon kang matututunan, mayroon at mayroon kang take away na dapat pinapahalagahan ng lalake ang babae.

KIM ON WORKING WITH JM AND PAOLO

Dahil kapareha niya sa naturang serye sina JM de Guzman at Paulo Avelino, biniro namin si Kim kung sa palagay niya ay nalinlang ba siya sa ugali ng dalawa at mas nakilala niya ang mga ito nang magkasama lang sila sa show.

"Si JM, di siya talaga gaanong nagsasalita, mahilig lang siya sa Mobile Legends.

“Pag inaaya ko siyang kumain, minsan pumapayag naman siya, parang dun niya nabababa yung ano, tapos dun kami nagkukuwentuhan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabay kami nila Direk sa staff na kumain kasi di talaga siya matatanggal sa Mobile Legends. Pag ako naman ang nag-aya, nabababa niya yung Mobile Legends niya.

"Si Paulo naman di talaga siya masyado nagsasalita, never ko pa talaga siyang nakatrabaho, naka-chance encounter sa mga party, may sarili siyang mundo.

“Dun talaga ako natakot pero sobrang nice pala siya, kasama naman siyang kumain pag lunch and dinner. Parang open naman siya basta kausapin mo lang siya. Ako lang yung madaldal, kuwento lang ako, good listener. Two introverts, one extrovert."

Mature ang role at may mga love scenes sina Kim, Paulo at JM sa istorya na tiyak na ikagugulat ng mga tagahanga ng aktres.

"Happy naman, yung eksena namin ni Paulo, shinoot namin ni Direk, sobra akong nagpapasalamat sa mga direktor namin dahil sobra nila akong inalagaan.

Ang Linlang ay idinirehe nina Jojo Saguin at FM Reyes.

“Tinanggal nila lahat ng kaba, takot dahil sa kanila talaga ako kumapit. Lalo na sa unang eksena, si [Direk] FMR, sabi ko, ‘Direk, gusto kong mag-grow pero paano? Kinakabahan ako.’ Tapos, sabi niya, ‘Magtiwala ka lang sa akin.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa dami niyang paliwanag ganyan, parang… E, kami ni Direk, ngayon lang kami nagkatrabaho sa isang series.

“Second day pa lang ng taping namin, ginawa namin yung eksena na yun with Paulo. Siyempre sobrang tahimik siya na tao, first day pa lang, ‘Paano ko kaya kukuwentuhan? Di naman siya natatawa sa akin."

“Tapos, second day kinakabahan pa rin ako, ‘Sige, game siya, e di game din ako.’ Kami naman ni JM, nagka-work kami before sa U Turn so di namin ito first na magkatrabaho.

“Nakapagkuwentuhan naman kami before, si Paulo first time ko nakatrabaho and sobrang galing niya pala. Very kind and helpful si Paulo para umalalay."

"Nagpapasalamat din ako dahil pinapadali niya ang mga bagay-bagay na kinakabahan ako. Every time na nagi-step ako sa set namin, sobrang kabado ako talaga kasi di ko talaga ito forte, di ko talaga ito comfort zone, di ako confident kung maayos ko talagang nagagawa. Pero dahil sa direktor namin, Direk FMR, Direk Jojo, mga co-stars ko na sobrang galing, naangat naman nila ako, tinutulungan nila ako at yun ang pinakapinasasalamat ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Linlang ay isang 14-episode thriller/drama mini-series na kinatatampukan nila Kim Chiu, JM de Guzman, Paulo Avelino, Kaila Estrada, Ruby Ruiz at Ms. Maricel Soriano.

Streaming ito sa Prime Video at produced ng Dreamscape at ABS-CBN sa ilalim ng direksyon nila Direk FM Reyes at Direk Jojo Saguin.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu (right) ticks off one item from her bucket list as she finally fulfills her very memorable 'sampal' scene with Linlang co-star Maricel Soriano (left): “Yun ang abangan ninyo, isa yun sa mga eksenang dapat niyong panoorin."
PHOTO/S: Screen shot from Linlang
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results