Ang pagkakaroon niya ng writer’s block ang isa sa mga itinanong sa writer-director Darryl Yap nang humarap ito sa mga piling miyembro ng entertainment press nitong Lunes ng tanghali, Oktubre 23, 2023.
Mabilis ang pagsagot ni Darryl dahil naranasan daw nitong magkaroon ng writer’s block nang gumawa siya ng sexy movies para sa Vivamax at nang gawin niya ang dalawang pelikula tungkol sa Marcos family.
Lahad ng controversial director, “Yung sa Vivamax kasi, ako ang nagsabi kay Boss Vic [del Rosario, Viva Chairman and CEO] na parang hindi ko na kaya yung ganoon.
"So, when I launched Vivamax with Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar [2021], tapos after nun, yung Part 2, dun ko na-realize na parang I’m not really…
“To be honest kasi, ayoko talaga. Number one, bading ako. Puro d*d* ang nakikita ko so hindi ko talaga gusto.
“Sinabi ko kay Boss Vic, puwedeng magsusulat na lang ako tapos I will have someone to direct it. But my bosses said, 'I will lose the formula.'
“I laugh on the set with sex scenes, natatawa ako, nadidiri. 'Sorry, sorry,' so sabi ko, 'hindi ko talaga kaya.'
"Kaya ko ang bastos na salita, bastos na content na gawa, a little green content. pero the act of it, I’m not too manly to produce something that will really tickle the sensual part of those people.
"Yun ang una kong writer’s block, yung ni-request ako na i-pursue yung sa Vivamax. So, sabi ko, hindi ko kaya.
“Dun ako nakaramdam ng writer’s block, nung kailangan kong gumawa ng films that has something to do with sex.
"If it’s man to man, I can easily come up with. But yung ganoong sexual scenes, I really can’t."
Read: Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar, initial offering ng VIVAMAX
Paliwanag pa ni Darryl, “Number one, sa behind-the-scenes pa lang, sobrang naiilang ako.
"Sorry, hindi ako magpapakamalinis, pero naaawa kasi ako sa babae. Yun ang dating sa akin. Yun din ang sinabi ko sa mga boss.
“Lahat ng artista ko kasi, nagiging friends ko. So, kapag yung friend ko, makita ko na ganoon, naaapektuhan ako.
"That’s my first writer’s block.”
ON DEALING WITH SENATOR IMEE MARCOS
Ang ikalawang writer’s block na sinabi ni Darryl na sumubok sa kanyang mental health ay ang mga pelikulang ginawa niya tungkol sa buhay ng pamilya Marcos: Maid in Malacañang (2022) at Martyr or Murderer (2023).
“To be honest, doing Marcos films talaga was really the worst writer’s block I’ve experienced,” pagtatapat ni Darryl.
Tumigil si Darryl sa paggawa ng mga pelikula noong 2021, pero muling naging aktibo noong nakaraang taon dahil sa malaking oportunidad na kanyang nakita.
“I saw an opportunity wherein people are very involved in politics.
“Sabi ko, sulat ako [ng story] for the Marcoses. Kaso lang, the Marcoses are so hard to handle.
"Every single one of them, sobrang sakit sa ulo kausap,” rebelasyon ni Darryl.
Nagpasintabi muna si Darryl bago ipinagpatuloy ang pagbabahagi tungkol sa kanyang mga personal na karanasan sa mga Marcos.
“Sorry, sinasabi ko naman lagi. Sobrang hirap silang kausap. Pabagu-bago ng isip.
"Tapos hindi sila… they are not as united as a family so it’s very hard for me to come up with a script that gets a yes from everybody.
“Ako, sa totoo lang po, being the rascal that I am, sobrang hirap kong umoo at umopo. Sobrang hirap ko sa 'opo, sige po, ganito po.'"
Read: Sen. Imee Marcos, wala umanong historical revisionism sa Maid In Malacañang movie
Lahad pa ni Darryl, “Habang isinusulat yung Maid in Malacañang, I have several clashes with the Marcoses, especially Senator Imee.
"Sobrang nag-away talaga kami, as in we need to pack shooting like two days para lang maayos kaming dalawa. Pinagbati muna kami.
“Sa ganyan ako nagkakaroon ng writer’s block kapag may nakikialam sa akin. Nagsalita siya na huwag nang ituloy, something like that."
Muntik na raw hindi ituloy ni Darryl ang Maid in Malacañang dahil sa mga pagtatalo nila ni Senator Imee Marcos.
“Ang nangyari nung Maid in Malacañang, parang mga two days kaming na-pack up.
“Iniwan ko na siya [yung project]. They were talking na to Suzette Doctolero to finish the writing.
“They already had a contact with Direk Brillante Mendoza.
“Sabi ko kay Senator Imee, 'Gusto ko okay tayo kahit hindi tayo okay professionally but I don’t want to lose the friendship.'
"Sabi ko, 'Kung magbabastusan tayo, ibigay ninyo na kina Direk [Brillante].' Hindi ako maniningil sa title.
“Pero nakausap ni Boss Vic si Senator Imee and, I guess, nahilot.
“After nun, parang Senator Imee was very much in doubt na may susuporta kasi raw inilabas ko yung pera sa umpisa.
“Sa umpisa ng [eksena sa] Maid in Malacañang, ang daming pera sa loob ng Malacañang. Hindi sila masyadong…
“Sabi ko, 'Tigilan na natin, alam na ng lahat yan. Kailangan na nating aminin ang lahat nang yan.' So, marami kaming mga tug of war.
“After that, parang hindi gusto ng ibang family members yung trailer na sinisigawan si Diego Loyzaga [as Bongbong Marcos].
“Sabi ko, 'E, yun ang nangyari.' Bakit daw kailangan pang ipakita?
“E, bakit pa tayo gagawa kung hindi naman natin ipapakita?
“Ang nangyari, nung medyo nag-back down si Senator Imee, sinabi niya, ‘Okay, but I’m telling you, no one will watch it kung sinisigawan yung kapatid ko.’ E, kaso kumita.
"Boss Vic would say it’s a healthy discussion, but my God, it cost my health na nga. So, yun ang parang learnings ko na it’s so hard to disagree."
Read: Martial law detainee Joel Lamangan says he will watch Darryl Yap's movie about the Marcoses
STRESSFUL JOURNEY
Hindi rin daw naging madali para kay Darryl ang paggawa ng prequel ng Maid In Malacañang na Martyr or Murderer.
“Tapos yung sa pangalawa naman, yung sa Martyr or Murderer, malala rin.
“It’s really a stressful journey doing Marcos films. I told Boss Vic, after Maid in Malacañang, pahinga muna ako ng one year.
"Pero hindi naman ako nananalo sa ganyan kasi mukha akong pera.
“Kapag kailangan ko na, I have to write so plainly, I am having a hard time dealing with writer’s block.
“I am currently on a weight problem, taas-baba yung timbang ko kapag nagsusulat ako.
"I need to finish a film script… kapag nasimulan ko, kailangan kong matapos ng isang upuan. Kapag tumayo ako, hindi ko na matatapos, so talagang burden siya para sa akin.
“But I’m coming up with scripts na trying to bring back my passion in filmmaking. Nawala kasi yon nung pandemic after nitong mga puro sex-sex, tapos itong Maid in Malacañang and Martyr or Murderer.
“I kinda feel lost in my artistry but I’m trying to recuperate naman kung paano,” saad niya.
Ang Mabuhay Aloha Mabuhay o MAM ang pamagat ng pinaplanong third installment ng pelikula tungkol sa buhay ng mga Marcos, pero hindi pa matiyak ni Darryl kung gagawin pa niya ang nabanggit na proyekto.
Ayon kay Darryl, “Ang totoo po niyan, Maid in Malacañang was supposed to…ipinalabas siya August 2022.
"So, dapat yung Martyr or Murderer, August 2023. Tapos yung Mabuhay Aloha Mabuhay or MAM, August 2024 dapat.
"But I don’t know with the political climate kasi hindi lang ang Viva ang nagde-decide diyan.
“Senator Imee Marcos is one of the producers. And whenever they feel something is needed to be done, knowing Manang [Imee], who has been a good friend of mine, ano yan, e, akala niya pancit canton lang lahat na puwedeng-puwede mong lutuin agad-agad.
“She’s the one who decided to make it early, the Martyr or Murderer [playdate]."
Inamin din ni Darryl na ang Martyr or Murderer ay hinahanda para sa re-election ni Imee bilang senador sa 2025 elections.
“With the third installment, I’m gonna be very honest, but it’s really for her re-election for 2025. So, I guess that would be late 2024 kasi it’s an avenue to campaign.
“Sobrang totoo ba? Yun ang totoo, ano pa ang sasabihin ko?” sariling reaksiyon ni Darryl nang mapansin nitong patindi nang patindi ang kanyang mga rebelasyon.
Pagpapatuloy niya, “It’s supposed to be all August kasi that’s the feng shui, ma-feng shui sila, e. Pero nung sinabi nilang ipalabas na ng February or March 2023, okay.
“Yung pangatlo, I’m pretty sure, it’s for the re-election, so it’s gonna be 2024 for the 2025 mid-term elections.”
Read: Darryl Yap to take a break from political movies
Muling tinanong ng writer na ito kay Darryl kung hindi na niya gagawin ang Mabuhay Aloha Mabuhay?
Sagot niya, “Hindi ko pa alam. I’ve written it na, pero sabi ko nga, kung feeling ko babae ako, nakunan na ako sa sobrang stress.
"Nakakabaog siya, sa totoo lang, na gawin yan. You have so many bosses.
“In fairness to Viva, with my fifteen films with Viva, they never interfered with my script.
“But of course, this is a family story and you have to pay respect to them, so nagdedesisyon pa kami. Tinitingnan ko pa yung mental health ko kung kaya ko pa."
NOT ON SPEAKING TERMS
Nilinaw naman ni Darryl ang perception ng marami na siya ay Marcos loyalist dahil sa pagiging malapit niya at pagdidirek ng mga pelikula tungkol sa First Family, na nakabalik sa kapangyarihan pagkatapos ng ilang dekada.
Saad niya, “A lot of people would say I’m really a super Marcos ally. I don’t consider myself that. I’m a filmmaker.
“I never posted anything like 'vote for Bongbong' or something like that, but I am with Senator Imee."
Ibinunyag din ni Darryl na "not on speaking terms" ang ilang miyembro ng pamilya Marcos.
Pagsisiwalat ng direktor, “They’re not on speaking terms, sila-sila sa pamilya nila.
"Sorry, I mean ako, sa akin lang, I am paid to do a job. Bayad ako para gumawa ng mga ganitong proyekto.
“Ang pinakaresponsibilidad ko lang ay pumili ng proyekto at kapag umoo ako, I give my hundred percent to it.
“So, kapag kaming dalawa ni Senator Imee, kami na yung nag-uusap. Alam na rin niyang hindi ako kagaya nung ibang mga tao niya or mga kaibigan niyang hinahalikan yung puwet niya. Oo nang oo sa kanya.
“So, nung sinabi ko na hindi ko gusto yung gusto niya, nag-away kami.
“Sabi niya, bakit ang hirap ko raw makatrabaho? Sabi ko, 'Wow, ang gaan mo kasing katrabaho.'
"So, nag-away kami. Pumagitna na sina Boss Vic.”
Nang muli naming banggitin ang sinabi niyang hindi united ang mga Marcos, inulit ni Darryl ang kanyang pahayag.
“Hindi naman talaga! Pinapagalitan ako ni Senator Imee, e, anong gagawin ko? Alangan namang magsinungaling ako.
“Doing Maid in Malacañang, start ng 2022 campaign, they’re not okay na.
"So Imee’s not with the campaign. She ran a parallel campaign to help the brother [President Ferdinand Marcos Jr.], by the mother [former First Lady Imelda Marcos], because the mother wants to see them okay,” may kasiguraduhang sabi ni Darryl.
Ang pagharap ni Darryl sa entertainment press ay may kaugnayan sa bagong pelikula na siya ang direktor at sumulat ng kuwento, ang Para Kang Papa Mo. Pinangungunahan ito ng Guwapings na sina Mark Anthony Fernandez, Eric Fructuoso, at Jao Mapa.