Natutuwa si Derrick Monasterio na sa pinakabagong teleseryeng ginawa niya sa GMA-7, ang Makiling, ay ang kanyang real-life girlfriend na si Elle Villanueva muli ang kapareha niya.
Nabuo ang kanilang love team sa seryeng Return To Paradise, kung saan tumuluy-tuloy ang screen partnership na ito sa totoong buhay.
Nang eksklusibong makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa grand opening ng Co Fitness Gym noong Biyernes, October 21, 2023, sa Makati City, hindi maitago ang katuwaan niya sa muli nilang pagtatambal ni Elle sa telebisyon.
Kuwento niya, "Naka-three days na kami sa taping. Masaya!
"Kasi ngayon, nasa stage kami na ini-explore pa lang namin ang mga dapat gawin namin sa characters namin. Pero as days will go by naman, magagamay din kami.
"Masaya din na kapag may mga pangit akong nagagawa, sinasabi niya kaagad. Ganoon din ako sa kanya.
"'Bawasan mo ito,' ganyan. So, para kaming nagtutulungan talaga.
"It's an advantage kasi honest kami sa isa't isa."
Hindi naman daw siya nao-offend kung may nasasabi sa kanya ang girlfriend, kung may nasasabi itong hindi maganda sa kanyang pag-arte. O, vice versa.
Aniya, "I guess wala. Walang nao-offend sa amin.
"Pero kung ibang tao yun, baka ma-take namin in a wrong way, pero sa aming dalawa, wala.
"May kanya-kanya naman kaming basa ng script, tapos may acting coach na naku-consult namin.
"Sa scenes, after a scene, doon namin ini-evaluate yung isa't isa."
PERFECT LOVE TEAM
While shooting together, mas lumalawak daw ang discovery nila sa isa't isa bilang mga aktor, at bilang magkasintahan na rin.
Nangingiting saad ng 28-year-old actor, "Oo, mas malawak ang discovery namin.
"At saka, yun nga, tulungan talaga dito. Kung paano gawin ang mga character [namin].
"Mas nakilala namin ang isa't isa. Mas nalalaman namin ang capablilities. So, ang feeling namin, mas nai-inspire [lalo] kami."
Kaya puwede raw niyang sabihing dream love team ang kanilang dalawa ni Elle.
Ani Derrick, "Oo. Kasi, nung maging love team kami, nag-set kami ng goals na gusto magkaroon kami ng maraming number of shows [together].
"Tapos magkaroon kami ng endorsements, ng billboards.
"Talagang yun ang goal namin sa isa't isa. So far, parang natutuwa naman lalo sa fan-base."
Perfect nga rin sila, ayon sa obserbasyon ng karamihan.
Mas lalong nangiting reaksiyon ni Derrick, "Yes po! Nag-a-adjust lang kami sa isa't isa, at di namin sinasabayan ang init ng ulo namin.
"Sa adjustment, I guess ako. Pero, parang pareho lang, iba't ibang adjustments nga lang.
"Pag medyo down ang isa, kailangan lang i-pick nung isa."
Takot ba siya kay Elle?
Sagot ni Derrick, "Hindi, takot yun sa akin. Ha ha ha! Boss ko yun.
"Marami nga ang nagsasabi na magkamukha na raw kami. Ganun talaga kapag nagmamahal."
Kaya nga raw tamed na tamed siya ngayon. Kumbaga, tapos na ang mga patingin-tingin niya sa ibang babae.
"Opo, at saka forever na yan. Siguro it goes with age na rin, and experiences also.
"Sa lahat naman ng bagay, it comes with experience lagi, and the improvements and all.
"Meron din namang [nagpararamdam sa kanya], pero more of hindi ko ini-entertain.
"And I'm being with them, and bahala na. Ganun."
Wala na rin daw siyang time sa ibang bagay.
Read: Derrick Monasterio, malaki ang ipinagbago dahil sa girlfriend na si Elle Villanueva
FIT AND HEALTHY
Bukod sa relasyon nila ni Elle at sa kanyang career, ang kanyang pagiging fit and healthy ang pinakatutukan niya ngayon.
Sabi niya, "Yes. as you can see, mas pumayat ako ngayon. I lost 15 pounds from my previous weight.
"Siguro, ginawa ko rin for Makiling para, like, maging mas makatotohanan. Nagpa-fasting din ako.
"So, yon yung pinabago [sa fitness regimen niya]. More on the cardio ako ngayon.
"Kaya nga natutuwa ako na ako ang kinuhang endorser ng Co Fitness. At ang maganda rito, nakausap ko yung owner.
"We have the same vision as a gym owner myself, naiintindihan ko ang struggles niya, yung plans niya.
"Ang ganda kasi hindi siya nagmumukhang client-talent relationship. Mas nagiging collaborative siya."
Gusto ba ni Elle ang bagong look niya ngayon na slimmer than before?
Ani Derrick, "Mas natutuwa naman siya nung sa before.
"Sabi niya, mas gusto raw niya yung mas malaki, kasi kapag hina-hug raw niya ako, mas lalaki.
"Pero okey naman daw yung ngayon, kasi mas maganda siya sa TV than yung dati.
"Sabi ko sa kanya, ibabalik ko na lang sa dati kapag wala na akong ginagawa ulit.
"To prove ko myself din na kaya, to prove my discipline."
Magkasama naman daw sila sa pagwu-workout.
Bulalas niya, "Like, every day! Minsan kapag tinatamad siya, ako rin ang nagpu-push sa kanya.
"I teach her like yung mga proper form, kung ano ang mga nutrition.
"Pinipilit ko talaga siya, kahit minsan tamad na tamad siya. Sumusunod siya sa akin, kasi wala siyang choice, e. Ha ha ha!
"Ako ang nagda-drive, sasama na lang siya. So, yun, pumupunta kami sa gym.
"Actually, ang lakas niyang magbuhat ngayon. Ang lakas din ng cardio niya.
"I guess, nagwu-work naman sa kanya ang aking coaching."
