PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotto winner finds out he won PHP77M via Facebook

Numero ng misis at mga anak ang tinayaan.
by Bernie V. Franco
Published Oct 27, 2023
lotto winner and PCSO General Manager Melquiades Robles
Ang bagong milyonaryo from Rizal kasama si PCSO General Manager Melquiades Robles (left photo). (Right photo) ang actual winning ticket.
PHOTO/S: Edwin Lovino via PCSO website

Mukhang hindi agad nag-sink in sa isang lotto winner ang pagkapanalo niya ng jackpot: tumataginting na PHP77 million.

Kuwento ng lotto winner, nadiskubre niyang nanalo siya through the Facebook page of Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

“Noong binisita ko ang FB Page ng PCSO, nakita ko na may jackpot winner at nagulat ako na iyong numero ng asawa’t anak ko ang lumabas,” kuwento niya sa ulat ng PCSO nitong October 24, 2023.

“Di ako makapaniwala, hanggang ngayon, di ako mapakali. Yung matagal ko nang hinihintay, ganito pala ang pakiramdam kapag nakamit mo na.”

Ang jackpot winner ay taga-Rizal. Twenty years na siyang tumataya sa lotto.

Read: Kasambahay first time tumaya sa lotto, nanalo, pero naglaho na ang premyo

Ang numerong tinayaan niya ay petsa ng kaarawan at edad ng kanyang misis at mga anak — 07-10-09-13-21-19.

Nanalo siya sa September 19, 2023 draw ng 6/58.

Plano ng bagong milyonaryo na gamitin ang kanyang napanalunan para sa edukasyon ng kanyang mga anak at sa negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya, “Madaling maubos ang pera kung hindi ito gagamitin nang tama. Yung pag-aaral ng mga anak ko yung magiging priority ko. Yun ang siguradong maipapamana ko sa kanila.”

Read: Lotto bettor na tumaya habang may bagyo, PHP35M ang panalo!

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang bagong milyonaryo from Rizal kasama si PCSO General Manager Melquiades Robles (left photo). (Right photo) ang actual winning ticket.
PHOTO/S: Edwin Lovino via PCSO website
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results