Special mention ang boyfriend ni KC Concepcion na si Mike Wuethrich sa reunion concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Nangyari ito noong nagpasalamat si Gabby sa mga taong nakasama ni Sharon sa pagpapalaki sa anak nilang si KC.
Pagkatapos ay biglang binanggit ni Gabby na si Mike ang isa sa malapit sa puso ni KC ngayon.
Bungad ni Gabby, "At saka yung mga nagmamahal kay KC, mga minamahal ni KC..."
Singit ni Sharon, "Maraming salamat po sa pagsuporta ninyo sa aking panganay."
Sabay hirit ni Gabby, "Michael, take care of my baby girl."
Sinegundahan din ito ni Sharon.
Sa puntong ito, ipinakita sa LED screen ang pag-pan ng camera kay Mike, na ang buong pangalan ay Steve Michael Wuethrich.
Si Mike ay 41 anyos na Swiss-Filipino na nagtatrabaho sa isang banko sa Switzerland.
Hindi man direktang inaamin ni KC na boyfriend niya ito, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa sources na magkarelasyon ang dalawa.
Sa mga sumunod na salita nina Sharon at Gabby, mahihinuhang nobyo nga ni KC si Mike.
Natatawang biro ni Sharon, "Michael, dalawang Panday ang nandito. Si Senator Bong at si Coco!"
Ang tinutukoy ni Sharon ay sina Bong Revilla at Coco Martin na parehong kilalang action stars at gumanap bilang Panday sa pelikula.
Mabilis na na-flash sa LED screen ang natatawang reaksiyon ni Coco, na nakaupo sa sa audience area katabi ni Julia Montes.
Sabi naman ni Gabby kay Sharon, "Hindi... Mabait yan si Mike. Nakakasama ko yan.
"Pinag-aaralan ko yung ano niya... ugali.
"Isa siya sa mga nangumbida sa akin to have dinner..."
Na-appreciate raw ni Gabby ang initiative ni Mike.
"Bihira yung ganun," ani Gabby.
Sagot ni Sharon, "Ako rin, nag-dinner naman kami."
Hindi na nabanggit ni Sharon kung ano ang impression niya kay Mike dahil biglang naiba na ulit ang usapan nila ni Gabby sa stage.
Read: Coco Martin, Julia Montes, other stars spotted at Sharon Cuneta and Gabby Concepcion's concert
UNFOLLOW ISSUE
Noong huling bahagi ng Agosto, nakatawag ng pansin ang pag-unfollow ni KC sa stepdad niya na si Kiko Pangilinan.
Usap-usapan—ngunit hindi kumpirmado ng PEP.ph—na may kinalaman ito sa napapabalitang relasyon ni KC kay Mike.
Kasabay nito, may mga hindi magandang comments ang ibang netizens patungkol kay Mike.
Napag-alaman ng PEP.ph mula sa dalawang sources, hindi lubusang tanggap nina Sharon at Kiko ang relasyon ni KC kay Mike. Ngunit tila kailangan palamnan pa ito bago paniwalaan.
Read: Talent manager close to Sharon Cuneta and family speaks up on the Megastar and KC Concepcion rift
Sa kabilang banda, naging maingat naman si Sharon sa tuwing nauungkat ang tungkol sa isyung pag-unfollow ni KC kay Kiko pati na rin sa kapatid na si Frankie.
Walang konkretong binigay na dahilan si Sharon, liban sa pagsasabi na kung anuman ang isyu na iyon, siniguro ni Sharon na mahal ni Kiko at ng iba pa niyang anak si KC.
Read: Sharon Cuneta to daughter KC Concepcion: "Only those who truly love you will tell you what is true."
Sa hiwalay na pahayag ni KC, siniguro rin niya na mahal niya ang kanyang stepdad, at nasa season lang daw siya ng buhay niya ngayon na gusto rin niyang pahalagahan ang sariling kaligayahan.
Sa kasalukuyan, tila naka-unfollow pa rin si KC kina Kiko at Frankie, at tila ganoon din sina Kiko at Frankie kay KC.
SHARON assures gabby SHE AND KC ARE OKAY
Sa Dear Heart concert, pahapyaw na sinabi ni Gabby kay Sharon na "I'm the happiest person tonight because okay na kayo ni KC."
Ang sagot ni Sharon, hindi naman daw sila hindi okay ni KC, at kung may tampuhan man ay "konti lang."
Bakas ang saya sa mukha nina Sharon at KC, na nagkausap daw noong Huwebes ng gabi, October 26, 2023, bago ang concert sa MOA Arena.
Pero naiyak muli ang Megastar nang mag-duet silang mag-ina ng kantang "Ikaw," habang nasa tabi nila si Gabby sa stage.
Dinedicate nina Sharon at KC ang kantang iyon sa isa't isa.
Paulit-ulit sa pagsabi si Sharon kung gaano niya kamahal ang kanyang panganay na anak, at naging bukas din si KC sa pagsasabi na ganoon din siya sa ina.
Read: Sharon Cuneta and Gabby Concepcion get asked: Mahal niyo pa ba ang isa't isa?
