Ang relasyon nila noon ni Jane de Leon ang isa sa mga itinanong kay Arron Villaflor nang humarap siya nitong Linggo ng tanghali, Oktubre 29, 2023, sa media conference para sa Tuhog.
Ang Tuhog ang sexy drama movie na pinagbibidahan nila nina Joko Diaz at Apple Dy na mapapanood sa Vivamax simula sa November 3, 2023.
Natawa nang malakas si Arron sa tanong kung may kinalaman sa pagpapaseksi niya sa mga pelikula ng Vivamax ang paghihiwalay nila ni Jane.
Anim na taon na ang nakalilipas mula nang magwakas ang kanilang relasyon samantalang noong nakaraang taon lamang nag-umpisa ang kanyang pagtanggap ng mga proyekto na may mapapangahas na eksena.
"Matagal na po ‘yon, 2016 to 2017 po. Personal reason po," sagot ni Arron tungkol sa dahilan ng paghihiwalay nila ni Jane, na gumanap na Darna sa television series ng Kapamilya Channel.
Nasundan ang mga tanong kay Arron tungkol kay Jane dahil ramdam ng aktor na may gusto pa malaman ang press tungkol sa nakaraan nila ng aktres.
"Fire na! Sige lang po, may gusto pa po ba kayong itanong tungkol kay Jane de Leon?” natatawang hirit ni Arron.
Sabi niya tungkol sa dating nobya, "Happy ako para sa kanya. Hopefully, mag-succeed siya."
Maliit lamang ang mundo ng local showbiz, pero hindi pa nagkikita nang personal sina Arron at Jane buhat nang maghiwalay sila noong 2017.
Kuntento na ang 33-year-old actor sa ganoong sitwasyon.
“Hindi pa po [kami nagkikita] since the breakup. In fairness, parang okay na rin sa ganoon.
"If I will see her, I will casually greet her pero not to the point na share stories.
"Mas okay na po siguro na ganoon na lang."
Isang entertainment editor ang nagkomento, "Sana maging Captain Barbell ka naman."
Napahalakhak na sagot ni Arron, "Sana po."
Read: Matthew Perry reveals the sad reason why he broke up with Julia Roberts
ON TRANSFERRING TO VIVA ARTISTS AGENCY
Mula sa Star Magic, lumipat si Arron sa Viva Artists Agency noong 2021 at nagkasunud-sunod ang mga proyekto na ginagawa niya.
Ang Vivamax original series na Wag Mong Agawin Ang Akin ang unang pagsabak ni Arron sa mga daring scene, pero hindi naging madali para sa kanya na magdesisyon na maghubad sa harap ng kamera.
"At first, it was hard kasi coming from a different network... And somehow, that’s during pandemic for me to decide.
"So nung nag-offer sa akin ang Viva, which was Wag Mong Agawin Ang Akin ang project, sabi ko naman ang tagal kong nawalan ng trabaho sa ABS-CBN, parang two projects got cancelled, I don’t know what happened.
"Nakakalungkot na wala akong ginagawa so pinag-isipan ko ng mga dalawang linggo.
"Matagal po ‘yon kasi I know it’s a tough decision talaga kasi once na pumasok ako sa Vivamax, I have to do it simultaneously."
Read: Sharon Cuneta reveals past love life, broken engagement to billionaire's son
ON DARING ROLES
Inihingi ni Arron ng basbas mula sa kanyang mga magulang ang pagpapasya na ginawa para sa acting career.
"Medyo matindi itong desisyon na ito. Unang-una sa family ko, hindi naman sila sanay sa akin na doing sex scenes na almost naked.
"I have to decide and I think I’m old enough to decide for myself. This will somehow change my identity. Some people do it, bakit hindi ko kaya?
"Kahit ganoon ako mag-isip, medyo kinakabahan ako sa desisyon na gagawin ko."
"My parents have asked me, 'Anak sigurado ka ba talaga diyan sa desisyon mo?’
"Tiningnan ko ang magulang ko. Sabi ko, 'Why not? At least I can do it. Na I have no work."
Ibinahagi ni Arron na dumating ang oportunidad mula sa Viva noong nawalan siya ng proyekto sa TV.
"I'm waiting for work but then, wala naman. Two projects were cancelled sa ABS-CBN.
"So parang for me, it’s about time for me as long as I could justify things sa Viva, wala naman magiging problema.
"Siyempre, yung mga tao, sinasabi sa akin na, 'Bro., nakita ko na yung puwet mo! Arron, nakikipagtalik ka!’
"Sabi ko, I really made the decision na very comfy ako."
Wala raw siyang alinlangan sa kanyang career move.
Aniya, "It’s about time and it’s my job as an actor to do these things, and I would say, Vivamax somehow made me.
"I am very thankful sa Viva at Vivamax dahil sila po yung sumalo sa akin nung mga panahon na hindi ako nabibigyan ng trabaho and I’m very grateful to be part of this new family."
Read: Leren Bautista hurt by bashers of her relationship with Ricci Rivero