PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega reveal memorable gifts to each other

"Defensive kami ng lambing. Ayaw namin yun i-claim."
by Rachelle Siazon
Published Oct 31, 2023
Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega
Miguel Tanfelix on Ysabel Ortega's recent gift to him: "Kasi usually yung mga lalaki hindi naman sila nakaka-receive ng flowers, di ba? Binigyan niya ako ng flowers, pero Lego. So, binuo namin nang sabay yung flowers na yan."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Ramdam ang kilig sa pagitan nina Miguel Tanfelix, 25, at Ysabel Ortega, 24, nang magkuwento sila tungkol sa memorable gifts na binigay nila sa isa't isa.

Ibinahagi nila ito sa PEP Challenge, kunsaan naglaro sila ng "Ako Yun / Di Ako Yun," sa sidelines ng cover shoot ng Esquiremag.ph sa Newport Resorts World.

Nang tanungin kung sino ang galante sa kanilang dalawa, sumagot si Miguel na siya yun base sa huling regalo nila sa isa't isa.

Sumang-ayon si Ysabel, at saka sinabi kung anong binigay sa kanya ni Miguel.

"Basta binigyan niya ako ng tumbler na super, super gusto ko na ever since talaga.

"As in, ilang buwan ko nang sinasabi, pero hindi ko ma-order kasi sa ibang bansa. Tapos in-order niya," nakangiting saad ni Ysabel.

"Sinurprise ko lang," dagdag ni Miguel.

Patuloy ng binata. "May kasamang plants kasi yun. May plants na kailangan niyang palakihin.

"Para lang, alam mo yun, feeling ko matutulungan siya nun as a person na maging responsible sa buhay kasi pag meron kang binabantayan, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Singit ni Ysabel, "Para ako naman din yung may inaalagaan sa bahay."

Dagdag ni Miguel, Usually ganun, e, pag nagre-regalo ka may meaning behind it."

Tanong ng awtor na ito, natuklasan ba ni Ysabel na may green thumb ito?

Natatawang biro muna ni Miguel, "Di ko nga alam kung buhay pa yun!"

Sabi ni Ysabel, "Buhay pa naman!"

Memorable rin kay Miguel ang huling regalo na binigay sa kanya ni Ysabel.

Lahad ni Miguel: "Kasi usually yung mga lalaki hindi naman sila nakaka-receive ng flowers, di ba?

"Binigyan niya ako ng flowers, pero Lego. So, binuo namin nang sabay yung flowers na yan. Lego siya, e.

"So, hindi siya basta flowers. Alam niya yung hilig ko, like bumuo ng kung anu-ano, like Gundam, Lego, puzzles.

"So, binigyan niya ako ng flowers."

Idinagdag din ni Ysabel ang isa pang regalo ni Miguel na special para sa kanya.

"Binigyan niya ako ng necklace. Tapos, para siyang time capsule. Mukha siyang pill na necklace."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Excited na kuwento pa ni Miguel, "Nabubuksan mo siya tapos puwede ka maglagay ng note.

"Tapos, lagay mo yung date kung kailangan mo sinulat. Lagay mo lang doon."

Read: Miguel Tanfelix admits dating Barbie Forteza, Bianca Umali, Kyline Alcantara in the past; currently courting Ysabel Ortega

MIGUEL TANFELIX AND YSABEL ORTEGA LOVE LANGUAGE

Nang tanungin kung sino ang mas malambing sa kanilang dalawa, parehong nahirapan sumagot sina Miguel at Ysabel.

Sabi ni Miguel, "Wala malambing sa amin. Siguro magkaiba lang kami ng lambing."

Natatawang paliwanag ni Ysabel, "Pareho kaming defensive. Defensive kami ng lambing. Ayaw namin yun i-claim."

Ano na lang ang love language nila, words of affirmation or actions?

"Mas action ako. Parang never akong naging yung love language ko yung words of affirmation," sagot ni Miguel.

Sang-ayon ni Miguel, "Same, parang acts of service."

Dagdag ni Miguel, "Quality time."

Si Miguel din daw ang mas joker sa kanila ni Ysabel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, tinatry ko rin naman maging joker para masaya siya palagi. And working naman," nakangiting sabi ng aktor.

Read: Ysabel Ortega on suitor Miguel Tanfelix: "Sinasamahan niya akong mag-aral."

ON ADVENTURES TOGETHER

Kuwento pa ng dalawa, pagdating sa pagiging adventurous ay nahahawaan ni Miguel si Ysabel.

"Kasi lagi naman ako nagta-travel solo. Solo travel ako palagi.

"So, mahilig talaga ako sa mga adventures, yung mga hindi planadong kaganapan," ani Miguel.

Noong nagpunta sila sa U.S. bilang representatives ng Voltes V: Legacy para sa U.S. Comicon noong Hulyo, si Miguel daw ang nakaisip na mag-sightseeing sila habang sakay ng scooter nang mabigyan sila ng free time.

Iyon daw ang ginawa nila bukod sa shopping at food trip.

Sa susunod na makapamasyal sila ni Ysabel, gusto raw ni Miguel na pareho nilang subukan ang skydiving.

Natatawang sabi naman ni Ysabel, "Bungee jumping muna!"

Dagdag ni Miguel, "Gusto ko pang masundan yung trip namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang saan kami susunod na mag-travel, kung papayagan siya, di ba?

"Kasi feeling ko mas makikilala ko siya as a person."

Read: Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega grilled about real score between them

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on Ysabel Ortega's recent gift to him: "Kasi usually yung mga lalaki hindi naman sila nakaka-receive ng flowers, di ba? Binigyan niya ako ng flowers, pero Lego. So, binuo namin nang sabay yung flowers na yan."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results