PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili’s BF helps with Katie’s care

One of Katrina's stress relievers is taking care of her pet birds.
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 31, 2023
Katrina Halili and daughter Katie
Katrina Halili is keeping the identity of her current boyfriend who is helping her in taking care of her daughter Katie who was diagnosed with autism spectrum disorder.
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram

Maraming pagsubok sa buhay na pinagdaanan si Katrina Halili. At sa lahat nang iyon, nalipasan at napagwagian naman niya.

Katulad ng pagpapaopera ng kanyang ina at ang muntik nang mawalang property na pinagsikapang niyang bilhin noon.

Noong nagkaroon naman ng pandemya, nasa El Nido, Palawan si Katrina kasama ang anak na si Katie at binalak na nilang doon na manirahan.

Mas nakabuti raw ang buhay-probinsya sa kanilang mag-ina at doon na nag-aaral si Katie.

DAUGHTER KATIE'S CONDITION

Ni-reveal ni Katrina na na-diagnose si Katie with ASD o autism spectrum disorder, isang neurological and developmental disorder na apektado ang behavior at kung paano ang pakikipag-interact nito sa ibang tao.

Kaya sinabi noon ni Katrina Halili sa programang Fast Talk With Boy Abunda na mas importante sa kanya ang maalagaan ang kanyang anak kesa sa tumanggap siya ng sunud-sunod na trabaho.

“Sabi ng doctor, kailangan ko na siyang tutukan hanggang mag-12 kasi baka lumala, pero nasa mild lang naman po siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“During the pandemic, na-realize ko na wala akong time sa anak ko simula noong ipinanganak ko siya dahil after ng show, dire-diretso. Kaya ang gagawin ko ay one teleserye na lang a year.

“Mas gusto kong matutukan ang anak ko. Kagaya ako ng nanay ko, sobrang strict, sobrang protective at ganoon ako sa anak ko ngayon," ani Katrina.

Sa Earth School sa El Nido, Palawan pinasok ni Katrina si Katie para maturuan daw ito na maging independent, magtanim at maglakad nang hindi natatakot sa kagubatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dasal ni Katrina para sa anak na maging isang mabuting tao at may takot sa Diyos.

Ang tumutulong daw kay Katrina sa pag-alaga kay Katie ay ang kanyang current boyfriend na hindi na niya pinangalanan.

“Siya yung mas nagtuturo sa akin, kasi stubborn ako, di ba? Stubborn din yung anak ko. So medyo mahirap kaming dalawa.

"Minsan nawawalan ako ng pasensiya, siya yung mas kalmado. Tinutulungan niya ako talaga kay Katie," sabi pa ni Katrina tungkol sa kanyang current boyfriend.

Tungkol naman sa biological father ni Katie na si Kris Lawrence, maayos naman daw ang relasyon nila bilang magkaibigan at co-parents kay Katie.

"Mas OK kami as friends. Mas nagtutulungan kaming dalawa sa lahat ng bagay.

"'Pag may time, tatawagan ni Katie pag nami-miss niya yung papa niya.

"Pag nasa Manila ako, tatawagan ko si Kris, 'tapos susunduin niya yung anak niya. Pinapahiram ko naman."

KATRINA'S BIRDS

Kabilang sa pampawala raw ng stress at pagod ni Katrina ay ang kanyang mga alagang ibon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang certified aviphile o “a person who loves birds” si Katrina dahil itinuturing niyang mga anak at mga kapatid ni Katie ang kanyang pet birds.

Mga Moluccan Eclectus Parrots ang pet birds ni Katrina.

Sa kanyang Instagram, pinost niya ang ilan dito na may names na Sofie, Amber, at Jimmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wala na raw kasing balak ang aktres na magkaanak pa kaya ang mga alagang ibon ang mga babies niya.

“Ayoko na. Puro birds ako ngayon. Birds yung alaga ko. Ayoko na magka-baby. Hindi ko kaya. Mahirap. Saludo na lang ako sa mga mommies na maraming baby.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili is keeping the identity of her current boyfriend who is helping her in taking care of her daughter Katie who was diagnosed with autism spectrum disorder.
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results