PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Samantha on Jennylyn: 'Di siya nagiging sikat'

"Dyusko isang ganun lang umiiyak na! Galing!"
by Rommel Gonzales
Published Nov 3, 2023
Samantha Lopez and Jennylyn Mercado
Samantha Lopez has nothing but good words for 'Love. Die. Repeat' female lead star Jennylyn Mercado, whom she describes as "mabait, generous and down-to-earth."
PHOTO/S: Instagram

Tuluy-tuloy na ang balik-taping ng Love. Die. Repeat na bagong drama series ng GMA kung saan isa sa mga cast members si Samantha Lopez.

Unang beses ito na gaganap si Samantha sa isang proyekto bilang isang ina sa papel na Florence, mother ni Jennylyn Mercado sa teleserye.

Sambit pa niya, “Na adult na yung anak ko.”

Ano ang pakiramdam maging nanay ng isang Jennylyn mercado sa isang TV project?

“Ay, honored,” ang bulalas ni Samantha. “Napakabait na bata, one of my favorite actresses. Magaling, mabait, generous!”

At isa sa mga reyna ng GMA at kabilang rin sa mga top actresses ng Pilipinas.

“Hindi siya ganun kapag kasama mo, hindi niya ipinararamdam na, ‘Ay sikat ako, big star ako!’ Hindi. Napaka-down-to-earth.

“Tsaka mommy talaga ang tawag niya sa akin, kaya anak din talaga ang treatment ko sa kanya.

“And we share the same passion, nagpi-Pilates kami pareho.”

Marami na sila ni Jennylyn na eksenang nakunan sa Love. Die. Repeat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bulalas ni Samantha, “Mahihirap! Drama-drama. Challenging, mahirap umiyak.”

Hangang-hanga nga raw siya sa kahusayan ni Jennylyn bilang aktres, "Dyusko siya, Dyusko isang ganun lang umiiyak na! Galing!”

Biro tuloy ni Samantha, mas gusto talaga niya kapag kontrabida siya dahil hindi siya kailangang umiyak sa maraming eksena.

Hindi raw siya kontrabida sa Love. Die. Repeat, “Salbahe pero drama, may iyakan, asawa ko pa Nonie Buencamino, hello, ang galing rin.”

Nahinto ang taping ng Love. Die. Repeat noong September 2021 dahil nabuntis si Jennylyn sa anak nila ni Dennis Trillo na si Baby Dylan.

Ano ang unang reaksyon ni Samantha nang sabihin sa kanya early this year na tuloy na ulit sila sa taping ng nabanggit na drama series?

“Ay e di masaya! Blessing naman yung bakit hindi natuloy dahil nabuntis si Jen, e di ba matagal na nilang gustong magkaroon ng baby?”

Read: Samantha Lopez on being single at 54: “Masaya naman, busy.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TV SHOW ON NET25

Samantala, season 3 na ng Good Will sa NET25 na isa pa ring TV show kung saan kasali rin si Samantha.

“Ako dito si Ms. Pilar, assistant manager of Good Will Resort.”

Hindi naman raw siya nahirapan magpaalam sa GMA na gagawa rin siya ng proyekto sa NET25.

“Hindi kasi ginawa ko ito hindi pa kami nag-i-start ng Love. Die. Repeat. Pinayagan naman ako, wala namang conflict.”

Kaya masaya si Samantha sa blessing na dalawang TV show sa magkaibang network ang tine-taping niya sa kasalukuyan.

Napapanood ang Good Will tuwing Linggo, alas kuwatro ng hapon.

Nakausap namin si Samantha sa Wack Wack Golf and Country Club nitong Oktubre 17 sa SamLo Cup na isang celebrity golf tournament na idinaos sa ikatlong taon bilang selebrasyon ng kaarawan niya ng Oktubre 18.

Read: Samantha Lopez ditches breast implants: “At 53, gusto mo pa ba naman ng perky boobs?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

SAMANTHA'S BIRTHDAY WISH

Tinanong namin si Samantha kung ano ang birthday wish niya.

“Birthday wish? Ito yung birthday wish ko e, na maging successful itong SamLo Cup.

"Successful in a way wherein smooth , you know, happy ang lahat, the sponsors, the players, my guests, and our performers, the staff, the volunteers.

"Lahat masaya! Hindi lang para sa akin.”

Walang karelasyon si Samantha ngayon pero hindi naman niya naging birthday wish na magkaroon ng lovelife.

“Happy na ‘ko. ‘Pag may dumating, kasi iyon naman ang prayer ko, e. Kapagka meron, sana iyon na, siya na.

“Godly spouse, di ba? ‘Pag wala, okay lang, busy naman kahit papaano.”

Read: Samantha Lopez hurdles challenges to successfully mount 3rd SamLo Cup

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Samantha Lopez has nothing but good words for 'Love. Die. Repeat' female lead star Jennylyn Mercado, whom she describes as "mabait, generous and down-to-earth."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results