Matalik na magkaibigan sina Janelle Jamer at Claudine Barretto.
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong nagkasama sila sa seryeng Bakit Manipis Ang Ulap sa TV5 noong 2016.
Ayon kay Janelle, “Iyon yung last project ko sa TV... BFF ang tawagan namin doon.”
Pitong taon ng magkaibigan ang dalawa at kamakailan nga lang daw, pagpapatuloy pa ni Janelle, ay nagkita sila, “Galing ako sa kanya five days ago.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Janelle sa SamLO Cup na celebrity golf tournament ni Samantha Lopez, noong Oktubre 17, 2023, sa Wack Wack Gold & Country Club sa Mandaluyong City.
Incidentally, kasama rin noon nina Janelle at Claudine si Samantha sa Bakit Manipis Ang Ulap drama series sa Kapatid channel.
Sa interview namin kay Janelle, binanggit namin sa kanya ang napaulat sa PEP.PH noong Oktubre 10, 2023 tungkol sa tila may pinaghahandaang “giyera” o “battle” si Claudine laban sa dalawang taong hindi niya pinangalanan.
Wala raw alam siyang tungkol sa naturang isyu.
Lahad ni Janelle, “Alam mo si BFF, malihim kasi yan. I can only give advice, di ba? puwede rin akong makinig.
"Lagi ko ‘tong sinasabi sa kanya, puwede akong makinig, puwede akong magbigay ng advice pero ikaw pa rin ang may hawak ng buhay mo.”
Hindi siya makikisali sa away ni Claudine?
Pakli ni Janelle, “Kung may kaaway siya sinapak siya, why not? Di ba?
“Pero kung halimbawa personal matter like kung sa family nila or what na hindi ko naman yan na-witness, di ba?
“Kasi baka sinaunang panahon pa yan or kung anuman yung mga pinagdadaanan mo…
“In all fairness naman kay BFF hindi niya ako sinasali. And kapag kausap ko siya, like ngayon tinawagan ko siya kanina sabi ko, 'A-attend ka ba?'
“Magkakaroon siya ng panibagong project at nagre-ready siya dun, tomorrow yata may schedule siya hindi ko lang alam kung ano iyon.”
Imbitado rin si Claudine sa SamLo Cup ni Samantha.
Pero ayon kay Janelle, “Kaso nagkasakit siya, sabi niya, ‘I need to rest kasi I have a schedule also tomorrow.’
“Sabi ko, ‘Sige it’s okay ako na lang ang pupunta.’”
Read: Claudine Barretto to begin "witch hunt" targeting two people: "Lalaban na ako."
WHO IS CLAUDINE BARRETTO
Never pa raw nag-away si Janelle at Claudine, “Never pa talaga.”
Sa palagay niya, sino o ano ang totoong Claudine Barretto?
Aniya, “Claudine is... she’s a good person. Hindi ako tatagal kung masamang tao si Claudine, una.
“Pangalawa, ang kasamaan ni Claudine is yung sobrang generous niya sa iba, and sometimes, you know, mali, sa maling paraan na sobrang generous.
“Siguro kaya rin kami tumatagal kasi ako never akong nag-accept ng anything from her.
"Anything, wala akong tinatanggap. Kaya minsan nagagalit yun, ‘Ano ka ba? Bakit ganito, ayaw mo?’
“Kasi, wala lang. Gusto ko friends kami ng wala kaming... hindi ko naman iniisip na sa huli magkakasumbatan kami, you know.
“But I can give what I have, dahil sanay din naman akong magbigay. Pero siya sinasabi ko sa kanya na this time around ibahin naman natin ang istorya ng buhay mo, di ba?
“Si Claudine naman, lahat naman ng tao may iba-ibang mood, e. Pero laging sinasabi sa akin ng mga kaibigan ko na, ‘Uy tawagan mo si Claudine para kumalma.’
“Kasi pag nag-advise naman ako, though mas matanda sa akin si Claudine, kapag kinakausap ko siya, alam kong alam niya yan, e, na binabali ko yung atensyon niya.
“Sasabihin ko, ‘May bago kang project, ang payat-payat mo, ang ganda-ganda mo!
"Optimum star ka na!’ Minsan kasi si Claudine hindi lang alam ng tao, pero wala talaga siyang confidence na.
"At lagi kong sinasabi sa kanya na, ‘Mali ka sa iniisip mo, makakabalik ka pa, mahal ka pa ng mga tao.’”
So, iniisip ni Claudine na hindi na siya makakabalik sa pagiging artista?
Tugon ni Janelle, “There was a time na ganun. Pero ngayon nung pumayat siya nakita ko naman na naging happy siya kasi nagkakaroon na siya ulit ng mga projects, di ba?”
Hindi raw maitatanggi na maraming nagawang magandang proyekto si Claudine.
Ani Janelle, “Iyon nga e, sinasabi ko yan ng paulit-ulit sa kanya."
Nag-away na ba sila ni Claudine?
Sagot ni Janelle, "Hindi pa kami nag-away. Una, wala naman akong rason para awayin siya, wala rin siyang rason para awayin ako.
“Actually, hindi niya ako inaaway. Sumbungan ako talaga ni Claudine, ‘Ano ang dapat kong gawin, naiinis ako’, ganyan.
“Kakausapin ko siya, ‘Ito, ito ang gawin mo, BFF,’ ganyan.”
Read: Claudine Barretto, gagawa ulit ng teleserye sa GMA-7 pagkatapos ng 12 taon
CLAUDINE no LOVE LIFE since 2013?
Wala raw love life si Claudine ngayon.
Ayon kay Janelle, si Raymart Santiago pa raw ang huling karelasyon ni Claudine. Taong 2013 nang maghiwalay ang mag-asawa.
Diin ni Janelle, “Wala. Waley talaga ang lola mo. Sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo hindi naman minamadali iyan.
"'Ang importante ikaw may mga anak ka na, di ba? Tapos pag bumalik ka sa career mo ang bilis-bilis lang, kasi Claudine ka na!’
“Tapos sabi ko sa kanya, 'Yung love life or any kind naman ng love, di ba, ma-attract mo, you attract what you are, you have to love yourself first before you attract love.’
“So iyon yung itinuturo ko, sabi ko, ‘Mahalin mo muna yung sarili mo para mas maka-attract ka ng love sa buhay mo.’"
Naniniwala si Janelle na dapat maayos muna ang sarili bago makipagrelasyon.
“Kasi that’s the law of attraction talaga, you attract what you are. So if ayaw mo yung nasa paligid mo you also have the power to eliminate them.
“Kung feeling mo yung relationship or tao or kaibigan na feeling mo hindi ka naggu-grow at puro negativity, you can eliminate them.
“You don’t need them. Kung gusto mo ng bagong energy o mga bagong taong ma-attract sa buhay mo you have to start from within. Di ba?
“Sa sarili mo muna.”
