PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid's persistence key to fulfilling showbiz dreams

Ruru enjoys perfect onscreen chemistry with Black Rider co-star Yassi Pressman
by Rommel Gonzales
Published Nov 5, 2023
Ruru Madrid Black Rider
Ruru Madrid recalls low point in his life which inspired him to be persistent in fulfilling his showbiz dreams: "Kung nakita niyo ako dati, I was so thin, sobrang payat ko, walang maniniwalang mararating ko yung mga pangarap ko, pero hindi po ako sumuko."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram

Kapansin-pansin na sa mga recent interviews ni Ruru Madrid ay mas naging mature na siyang magsalita at sumagot sa mga katanungan.

May mga naganap ba sa buhay niya kamakailan kaya may pagbabago na sa paraan ng pananalita ni Ruru ngayon?

Lahad ni Ruru, "Nung ginagawa kasi namin yung Lolong... actually before that, parang dumating sa point ng buhay ko na parang kinukuwestiyon ko na kung tama pa ba yung ginagawa ko, kung eto ba talaga yung para sa akin, itong trabaho na ito.

“And then sakto na laging nade-delay yung Lolong, because nag-shoot kami nasa height ng pandemic, so inisip ko na baka hindi na mag-work.

“But ang dami kong realizations dahil lang sa mga pagkakataon na yun, it was my lowest point, ang daming nangyari sa buhay ko.”

Pagpapatuloy niya, “Yung mga taong malapit sa akin, yung pag may problema ako sila yung mahihingan ko ng tulong, nawala sila lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung mga taong alam kong naniniwala sa akin dati nawala na, kinukumpara ako sa iba, or parang dina-doubt na rin ako.

“Tapos, sabi ko sa sarili ko na ngayong wala nang ibang taong naniniwala sa akin, kailangan kong maniwala sa sarili ko at doon mas tumibay din yung faith ko kay God.

“And I also realized na bakit ko sasayangin yung mga lahat ng panahon na pinaghirapan ko, ten years hinintay ko itong pagkakataon, itong Lolong, bago ko makuha yung time na yun, so bakit ko isusuko?”

“So I gave everything in that project, sinabi ko sa lahat ng crew, sa lahat ng staff, sa lahat ng artista, na pag hindi ito naging successful, baka ito na yung last ko.

“So after that na naging successful siya, another realization na naman sa akin, na-realize ko na everything happens for a reason.

"May mga bagay na hindi natutuloy sa atin. Ibig sabihin hindi iyon para sa atin, dahil merong nakalaan na mga bagay na para sa atin na higit pa dun sa hinihiling natin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So I guess the maturity nanggaling dun sa resilience na meron ako, na kahit ano pang ibato sa aking pagsubok, anong problema, kahit umabot pa sa sumusuko na ako, hindi pa rin ako sumuko, at nagbubunga po lahat yun ngayon.

“That's why I'm very grateful na hindi ako nag-give up."

RURU WANTS TO INSPIRE THE YOUTH

Nabiyayaan na naman si Ruru ng isa pang malaking proyekto kung saan siya ang bida.

Ito ang bagong Kapuso action serye na Black Rider. Sa tingin ba niya ay higit pa ito sa hiniling niya?

"Yes,” bulalas ni Ruru.

“Ang pangarap ko lang po dati is maging artista, pero nung nandito na ako sa industriya, na naging artista na ako, meron pa palang higit dun.

“Every time na nagpe-pray ako, lagi akong nagpapasalamat na... I'm very grateful dahil yung mga dating hiniling ko natupad ko na. Actually, hinigitan pa nga, at eto yun, Black Rider, Lolong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pangarap kong maging action star, nabigyan ako ng pagkakataong gumawa ng action, nabigyan ako ng pagkakataong makatrabaho yung mga tinitingala kong action stars, tinitingala kong mga artista.

“I'm just very grateful sa lahat ng mga nangyayari sa buhay ko, and I just want to promise na I will always do my best in every project na ipinagkakatiwala sa akin.

“Hindi lamang po para sa akin but also to give inspiration, lalong-lalo na sa mga kabataan, dun po sa mga kabataan na nangangarap noon na walang naniniwala.

Dagdag pa ni Ruru, “Kung nakita niyo ako dati, I was so thin, sobrang payat ko, walang maniniwalang mararating ko yung mga pangarap ko, pero hindi po ako sumuko.

“So para po ito dun sa mga nangangarap, na lakihan ninyo lang po yung pangarap ninyo at kailangan ninyong ipaglaban at wag kayong susuko," seryosong pahayag pa ni Ruru na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members ng media sa mediacon ng Black Rider nitong October 27 sa Studio 6 ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RURU ON PERFECT ONSCREEN CHEMISTRY WITH YASSI PRESSMAN

Si Yassi Pressman ang leading lady ni Ruru sa Black Rider.

Nagkasama na sina Ruru at Yassi sa pelikula, ang Video City: Be Kind Please Rewind ng GMA Pictures at Viva Films na ipinalabas nitong Setyembre 2023.

Kumusta ang working relationship nila ng aktres sa pangatlong pagkakataon? Hindi na ba naging mahirap?

"Hindi na,” pakli ni Ruru.

“The first time was nung ginawa po namin yung Video City.

"Sa teleserye, ginawa namin dati yung Dormitoryo, every Sunday, that was ten years ago na po, iyon yung first time.

“Pero siyempre ang tagal na, ten years ago, okay naman katrabaho si Yassi,” at tumawa ang Sparkle actor.

“Sobrang bait niya, she's very professional, nakakatuwa po kasi sabi ko nga kaming dalawa pag dating sa set, mararamdaman na agad namin yung tiwala sa isa't isa, nandun agad kami sa emosyon na hinihingi ng bawat eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So hindi na kami nahirapan from the very beginning, kahit nung time na ginagawa pa namin yung pelikula."

Hindi na nga sila nahirapan bumuo ng chemistry sa pagitan nilang dalawa ni Yassi.

"Hindi! Parang for some reason, nung time na ginawa namin yung look test namin, wala e, wala akong naramdaman na meron siyang wall or parang may nagho-holdback, ganyan.

“Parang nandun agad sa eksena, so sabi ko bibihira po yung ganung katrabaho, so I'm just very grateful na nakatrabaho ko po uli dito si Yassi," saad ni Ruru.

May mga intimate scenes ba sila ni Yassi sa Black Rider?

"So far, sa nababasa ko sa script, abangan,” at muling tumawa ang binata.

“Wala pa so far, pero tingnan natin."

Bukod kina Ruru at Yassi ay tampok rin sa Black Rider sina Matteo Guidicelli at Katrina Halili, at sina Gladys Reyes, Rio Locsin, Maureen Larrazabal, Almira Muhlach at si Kylie Padilla sa isang natatanging pagganap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasa cast rin sina Jon Lucas, Joem Bascon, Dustin Yu, Joaquin Manansala, Kim Perez, Vance Larena, at Saviour Ramos, Empoy Marquez, Janus del Prado, at Rainier Castillo at sina Jayson Gainza, Shanti Dope, Pipay, Ashley Rivera, Turing, Sparkle artists Prince Clemente at Mariel Pamintuan at ang young love team nina Ashley Sarmiento at Marco Masa.

Ang Black Rider ay sa direksyon ni Erwin Tagle at nina Rommel Penesa at Richard Arellano.

Ang world premiere ng Black Rider ay ngayong Nobyembre 6, 8 PM sa GMA Telebabad, at may simulcast sa Pinoy Hits at livestreamed sa Kapuso Stream. Mapapanood din ito sa GTV, 9:40 PM. Para sa Global Pinoys, mapapanood ito sa GMA Pinoy TV.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid recalls low point in his life which inspired him to be persistent in fulfilling his showbiz dreams: "Kung nakita niyo ako dati, I was so thin, sobrang payat ko, walang maniniwalang mararating ko yung mga pangarap ko, pero hindi po ako sumuko."
PHOTO/S: @rurumadrid8 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results