Sa edad na 24 ay milyonarya na ang isang dalagang taga-Pasig City.
Ito ay matapos niyang mapanalunan noong July 17, 2023 ang jackpot prize sa MegaLotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang halaga ng kanyang napalanunan ay tumataginting na PHP42,900,615.40.
Nakuha niya ang tamang kumbinasyon na 31-13-10-37-34-18.
Read: Post about missing pig named Kevin Bacon goes viral; reaches Hollywood actor
Ang mga numero ay pinagsama-samang edad at petsa ng kapanganakan ng kanyang mga kapamilya.
Ayon sa news bulletin na naka-upload sa official website ng PCSO last November 7, naging hobby ng dalaga ang pagtaya sa lotto simula noong 20 years old pa lang siya.
Read: What two to five minutes of walking can do to prevent diabetes, other diseases

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho
Nagsimula siyang magkaroon ng interes simula nang minsang utusan siya ng kanyang ina na siya ang magpunta at tumaya para sa kanya sa isang lotto outlet.
Mula noon, tumaya na rin siya ng kanyang sariling kumbinasyon.
Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer
Pagbabahagi niya sa panayam ng PCSO staff nang i-claim niya ang kanyang premyo sa main office ng ahensiya sa Mandaluyong City, “Tuwang tuwa si Mama kasi natupad ko ang pangarap niyang jackpot.”
Aminado naman ang bagong milyonarya na sa ngayon ay wala pa siyang naiisip na plano kung ano ang gagawin sa kanyang premyo.
“Ang tanging sigurado po ay magiging savings po muna ito. Napakabata ko pa po at madami pa akong kakaharapin.
“Mas maige na pag-isipang mabuti para hindi po ako magsisi bandang huli.”
Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis
Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.
Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.
Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.
Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health
