Ipinagpasalamat ng singer na si Zephanie na ligtas sila ng kanyang pamilya at walang nasaktan kahit nadisgrasya ang kanilang sasakyan.
Sa kanyang Instagram noong November 5, 2023, ibinahagi ni Zephanie ang aniya'y “proof of life” matapos ang aksidente.
Makikita sa isa sa mga larawan ang sira nilang sasakyan matapos ang aksidente.
Basag din ang mga salamin nito.

Bahagi ng kanyang post ang isang sipi sa Bibliya.
Sabi ni Zephanie, “Proof of life [heart emoji]
“'So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand.’—Isaiah 41:10”
Kahit daw sila ay naaksidente, patuloy pa ring pinupuri ni Zephanie ang Diyos.
Milagro raw na maituturing na ligtas silang lahat at walang nasaktan.
Nagpasalamat din siya sa mga taong nagdasal at tumulong sa kanila.
Aniya, “Despite of what happened to me and my family, I still praise God. It was a miracle that none of us got hurt badly.
“To all the people who helped and prayed for us, I thank God for your lives, you know who you are.
“Still on the process of healing emotionally and physically but it won’t stop me from living life the best way possible. This is a testimony of how great our God is. I love you all and He loves you more.”
View this post on Instagram
Nagpaabot naman ng mensahe ang ilang kaibigan ni Zephanie sa comments section.

