PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Encantadia Sang’gres Reunite on Showtime

Iza Calzado: "Kapag magkakasama kasi kami, feeling talaga namin may magic."
by Jojo Gabinete
Published Nov 9, 2023
diana karylle sunshine iza sang'gres
The original Sang'gres of Encantadia: (from left) Diana Zubiri, Karylle, Sunshine Dizon, and Iza Calzado. "Kapag magkakasama kasi kami, feeling talaga namin may magic. Kasi mahal na mahal namin yung isa’t isa simula noon hanggang ngayon," says Iza about their reunion.
PHOTO/S: Karylle Tatlonghari-Yuzon

Tulad nang sinabi ni Karylle Tatlonghari-Yuzon, ang staff ng It’s Showtime ang may ideya na pagsama-samahin ang original Sang’gres ng Encantadia sa "Magpasikat" presentation ng grupo nila nina Amy Perez, MC Muah, at Lassy Marquez na napanood noong Martes, Nobyembre 7, 2023.

Bahagi iyon ng pagdiriwang ng ika-14 anibersaryo ng noontime variety show ng Kapamilya Channel, A2Z, at GTV.

Read: Original Sang’gres ng Encantadia nag-reunion sa It's Showtime

“Thank you sa aming staff dito sa Showtime na umamin finally na nung kabataan nila, talagang nanonood sila ng Encantadia dahil Kapuso pala sila,” sabi ni Karylle.

Maligayang-maligaya si Karylle dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko sa muling pagsasama-sama nila nina Iza Calzado, Sunshine Dizon, at Diana Zubiri.

Ang apat ang mga bida sa iconic fantasy-drama series ng GMA-7 na Encantadia, na umere mula May 2 hanggang December 9, 2005.

Read: Did you know: Encantadia 2005 Sang'gres auditioned for GMA-7's Darna

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

encantadia reunion

Si Karylle ang “puso” ng grupo na tinawag nilang KALM (Karylle, Amy, Lassy, at MC).

Bukod sa naging posible ang reunion ng original Sang’gres sa It’s Showtime dahil sa kanya, siya at ang asawa niyang si Yael Yuzon ang lumikha sa original song na "All I Need Is My Family," na siya ring tema ng kanilang production number.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang labindalawang araw na suspensiyon na ipinataw ng MTRCB sa It’s Showtime ang inspirasyon nina Karylle at Yael sa pagbuo ng "All I Need Is My Family" habang nasa dining table sila, at huling araw noon sa telebisyon ng nabanggit na noontime show.

Read: 'It’s Showtime' begins serving 12-day suspension amid doubts about MTRCB fairness

THE POWER OF OG SANG'GRES

Sa Tuesday telecast ng It’s Showtime ay kinilala ni Vice Ganda ang lakas ng original Sang’gres.

Sabi niya, “Grabe yung Sang’gre cast. Yung paglabas ninyo doon, ang lakas- lakas ng dating, sobra.

“Ang daming napasaya ng presensiya ninyong buo, kayong mga Sang’gre, for today’s video.

"My God, binuo na yung Sang’gre, ano pang totodo dun?”

sang'gres magpasikat

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magtanong si Jhong Hilario kung paano napapayag bumalik ng Pilipinas si Diana para sa 14th anniversary show ng It’s Showtime, natatawa at pabirong sabi ni Karylle, “Ang deal lang namin, gusto niyang mag-vlog. Hahaha! So, please, kung gusto ninyong mag-collab with Diana Zubiri, call me.

“Hindi! Sabi niya, 'Gusto ko lang kayong i-surprise at mag-vlog.' Pero matagal-tagal na rin siyang hindi nakakauwi.”

Sabi naman ni Diana, “Napapayag ako dahil sa pamilya. Na-miss ko kayo. Na-miss kong mag-perform.”

Ikinuwento naman ni Iza na ang pagmamahal nila kay Karylle ang dahilan ng reunion ng original Sang’gres sa It’s Showtime.

Sabi ni Iza, “Wala nang tanung-tanong pa.

"Sabi nga ni Diana, pamilya, so andito kami siyempre para suportahan ang kapatid naming si Karylle.

“Isang tawag lang niya, magkakapit-bisig talaga kami para sa isa’t isa.

"And thank you for giving us this opportunity para magsama-sama kasi bibihira talaga kaming magsama kahit off-cam, kasi lalo na’t matagal nang wala si Joy [Diana].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kapag magkakasama kasi kami, feeling talaga namin may magic. Kasi mahal na mahal namin yung isa’t isa simula noon hanggang ngayon.”

Ipinagtapat naman ni Sunshine na muntik nang hindi siya makasama sa "Magpasikat" production ng grupo ni Karylle, pero nangibabaw ang pagmamahal niya sa kanyang kaibigan.

Naiiyak niyang sabi, “Actually, to be honest, I called K [Karylle]. I was apologizing at first kasi nga sabi ko baka hindi kayanin ng schedule.

"But then… you know, K is such a wonderful friend.

“Sorry, I am getting emotional. You can always count on her.

"And I think it’s such a beautiful thing that we’re all together again here, and Joy even made a very big effort to be here with us.

"Naisip ko, parang sino ba naman ako para hindi, di ba?”

Ibinahagi naman ni Diana sa PEP.ph ang video clip ng sorpresang pakikipagkita niya kina Iza at Sunshine, na kapwa gulat na gulat at napaiyak nang magkaharap sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood simula ngayong Huwebes ng hapon, Nobyembre 9, 2023, ang kabuuan ng eksena ng sorpresa ni Diana kina Sunshine at Iza sa Diana Zubiri-Smith channel niya sa YouTube.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The original Sang'gres of Encantadia: (from left) Diana Zubiri, Karylle, Sunshine Dizon, and Iza Calzado. "Kapag magkakasama kasi kami, feeling talaga namin may magic. Kasi mahal na mahal namin yung isa’t isa simula noon hanggang ngayon," says Iza about their reunion.
PHOTO/S: Karylle Tatlonghari-Yuzon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results