Hindi totoong idedemanda ni Pauleen Luna, 34, ang basher na nanlait sa anak nila ni Vic Sotto, 69, na si Tali, 6.
Kaugnay ito ng pagpapakalat ng fake news ng isang Facebook user na nagngangalang "Analyn."
Noong November 3, 2023, pinalabas ni Analyn na nakatanggap siya ng mensahe mula kay Pauleen sa Facebook Messenger.
Nakasaad ditong nagsampa si Pauleen ng reklamong "cyberbullying" laban kay Analyn dahil sa panlalait kay Tali.
Kasama sa post ni Analyn ang screenshot ng litrato ni Pauleen at mister nitong si Vic nang makatanggap ang mga ito ng cochinillo.
Wala sa litrato si Tali, pero kakatwang ni-repost ni Analyn ang litrato kalakip ng caption na "Cute naman ni Tali."

Sarcastic ang caption ni Analyn, at malinaw na hindi maganda ang intensiyon nito sa post.
Noong Miyerkules, November 8, 2023, hiningan ng PEP.ph ng pahayag si Pauleen tungkol sa isyung balak niyang idemanda ang basher.
Mariing pinabulaanan ito ni Pauleen.
Mensahe ni Pauleen sa PEP.ph, "It's fake."
PAULEEN'S LEGIT POST BACK IN 2020
Matatandaang noong 2020, lehitimong inalmahan ni Pauleen ang pamimintas kay Tali ng isang basher sa social media.
Maayos na nagpakilala si Pauleen sa basher at saka sinabing maaari itong magdemanda ng cyberbullying sa menor de edad niyang anak.
Naayos ang isyu nang maglabas ng public apology ang basher.
Read: Pauleen Luna threatens to sue basher of daughter Tali; gets public apology
BASHER OUT TO GET ATTENTION
Pero sa kaso ni Analyn ngayong 2023, malinaw na nagpapakalat ito ng fake news dahil hindi legit ang sinasabi nitong mensahe mula kay Pauleen.
Paulit-ulit pa itong pinost ni Analyn sa Facebook na waring nagpapapansin at nagpapadami lamang ng engagement sa kanyang page.
Read: Pauleen Luna shares sonogram of baby no. 2: "Hello, love"
