Isang kotseng maaaring konektado sa pagkawala ni Miss Grand Philippine 2023 candidate Catherine Camilon ang nahanap ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) 4A.
Read: Who is Catherine Camilon?
Ayon sa ulat ng GMA News online ngayong Biyernes, November 10, 2023, natagpuan umano ang nasabing abandonadong sasakyan sa Barangay Dumuclay, Batangas City.
Sa ulat naman ng DZBB, sinabi ni CIDG 4A chief Police Colonel Jacinto Malinao Jr. na ikinuwento ng mga nakakita ritong inabandona ang nasabing sasakyan noon pang November 6.
Dinala ang sasakyan sa Batangas Provincial Police Office para sa forensic tests.
Dagdag ni Malinao, hinihintay pa nila ang resulta ng SOCO team kung may mga natagpuan bang ebidensiya sa sasakyan.
Aniya, “We are still waiting for the results of SOCO operations for possible presence of biological trace evidence like hair or blood.
“This is a continuing effort aside from other investigative activities that we are conducting.”
Noon pang October 12 nawawala si Catherine.
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
May dalawang saksi namang lumutang at nagkuwento ng kanilang nasaksihan ukol sa pagkawala ni Catherine.
Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA Integrated News noong nakaraang November 7, 2023, nakita umano ng mga saksi ang beauty queen at Grade 9 teacher na duguan sa loob ng isang sasakyan.
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
Positibo rin nilang kinilala ang person of interest, na isang pulis, sa kaso.
Ayon pa sa mga saksi, nasa isang bakanteng lote raw ang sasakyan sa isang subdibisyon.
Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses
