Isang sweet message of inspiration ang ibinahagi ni Leren Mae Bautista sa Instagram ngayong Biyernes, November 10, 2023.
Tila pampa-good luck na mensahe ito ng Los Baños, Laguna councilor sa boyfriend na si Ricci Rivero sa unang laro nito sa PBA ngayong araw.
Si Ricci ay rookie player ng koponang Phoenix Super LPG.
Panimula ni Leren, deserve ni Ricci ang lahat ng klase ng pag-ibig sa mundo.
Masaya raw siyang nakilala niya kung sino ba talaga ang nobyo.
Makakaasa rin daw ito ng suporta lagi mula sa kanya.
Buong mensahe ni Leren, “You deserve all the love in the world. I’m so thankful to see the real you—authentic, fun and loving. No more fantasies, just pure love.
"Remember that I will be here behind you, cheering and supporting you. Good luck on your first PBA game today! @ricciiirivero”
View this post on Instagram
Noong November 3, nagbahagi rin si Leren ng isang short video sa kanyang Instagram Story.
Nanood sila ng boyfriend ng ika-100 concert ni Gary Valenciano sa Music Museum.
Sabi nito sa caption, “You came at the right time in my life. God knows the truth. [heart emoji]
“We don’t have to defend ourselves anymore, ang mahalaga alam natin ang totoo. @riccirivero.”
Read: Leren Mae Bautista to boyfriend Ricci Rivero: “You came at the right time in my life.”
Isinapubliko ni Ricci ang relasyon nila ni Leren noong October 21 sa pamamagitan ng Instagram
Bahagi ng post ni Ricci, “Hindi tayo magtatago dahil walang dapat ikahiya. Walang nang agaw at walang inagaw. Walang bibitaw dahil masaya tayong magka hawak kamay.”
Read: Ricci Rivero finally admits relationship with Leren Mae Bautista
Bukod sa bashing, ikinadismaya din ni Ricci ang mga “death prayers” na kanilang natatanggap matapos ang pag-amin niya sa relasyon nila ng dating beauty queen.
Naghiwalay sina Ricci at ex-girlfriend nitong si Andrea Brillantes noong May 2023, pero June lamang ito ipinaalam sa publiko.
