Hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng netizens ang pagtanggal ng SB19 members sa group name na "SB19" sa kanilang personal IG accounts.
Ang SB19, na pinakasikat na P-pop group sa bansa, ay binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Ken.
Read: SB19: The future of P-pop is here
Nabuo ang kanilang grupo noong 2018, sa ilalim ng kanilang dating talent management, ang ShowBT, isang Korean company.
Noong June 2023, inanunsiyo ng grupo na umalis na sila sa ShowBT at bumuo ng sarili nilang kumpanya, ang 1Z Entertainment.
Sa YouTube account ng SB19, noong October 19, mapapanood ang vlog kunsaan opisyal nilang inilunsad ang logo ng 1Z.
Si Pablo ang tumatayong CEO ng grupo, at ipinaliwanag niyang as early as 2018 ay nangarap na sila ng kanyang mga kagrupo na dalhin ang Filipino music sa global stage.
Marami raw sa mga tao sa paligid nila ang nagsabing "sobrang laking pangarap" iyon na tila imposibleng matupad.
Pero nagpatuloy raw ang grupo hanggang sa marating nila ang estado nila ngayon bilang pinakasikat na P-pop group sa bansa.
"Nagpatuloy kami dahil unang-una, we have each other to lean on. And naniniwala kami kapag pinag-igihan namin may mararating kami," saad ni Pablo.
Saka ipinaliwanag ni Pablo kung paano nila napili ang pangalang 1Z.
"It's a play on the word 'zone.' We took 'one' and put it right in the beginning kaya nabuo yung '1Z.' It also denotes One Zone.
"Para sa amin, it's a sacred place, a sanctuary where we worked on ourselves. We try to hone our talents, we try to develop all the aspects of our personalities," saad ni Pablo.
Dagdag niya, "Dun naman sa In The Zone, this is the state of being where we access yung 100 percent potential na kayang gawin ng isang person para makita yung galing nila, without the limitations of creativity."
Walang nabanggit ang SB19 tungkol sa pagkalas nila sa ShowBT at kung ano ang estado ng relasyon nila sa dating management.
Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa sources na in the know sa pangyayari na nagkaroon umano ng falling-out sa pagitan ng SB19 at ShowBT Entertainment.
Isa sa isyu ay ang pagmamay-ari ng trademark ng pangalang SB19, at ang copyright ng mga orihinal nilang mga kanta.
Sa pagsasaliksik ng PEP.ph, napag-alaman namin na ang ShowBT ang nagmamay-ari ng trademark na SB19.
Sinasabing pati ang copyright sa mga kanta ng SB19 ay pagmamay-ari ng ShowBT.
Sa World Intellectual Property Organization, nakarehistro ang SB19 trademark classes 9 and 41 sa ShowBT mula noong January 3, 2021, at nakatakdang mag-expire sa January 3, 2031.
Ang trademark class 9, ayon sa trademark.net.ph, ay tumutukoy sa goods na may kinalaman sa "photographic, cinematographic, audiovisual" apparatus and instruments pati na rin apparatus and instruments na may kinalaman sa "recording, transmitting, reproducing or processing sound, images or data."
Ang trademark class 41 ay may kinalaman sa services para sa "education; providing of training; entertainment; sporting and cultural activities."

Ibig sabihin, ShowBT ang may-ari ng mga nabanggit na goods and services kaugnay ng pangalang SB19.
Hindi malinaw kung ano ang posisyon nina Pablo, Stell, Josh, Justin, at Ken sa isyung trademark pati na rin sa copyright ng kanilang mga kanta.
Watch: SB19 Stell pinasalamatan ang utak sa "Gento"; nagkomento sa copyright issue
NETIZENS' REACTIONS
Nitong November 9, napansin nga ng SB19 fans ang paglaglag nina Pablo, Stell, Justin, Josh at Ken sa pangalang SB19 sa kani-kanilang Instagram accounts.
Pati sa isang event na dinaluhan ng grupo kahapon ay hindi rin daw ginamit ang SB19 sa promo materials.
Narito ang ilan sa reaksiyon ng netizens:



Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa ulat na ito.
Read: Stell Ajero, tiniyak na di mabubuwag ang SB19 kahit may solo projects sila
