Kidnapping at serious illegal detention complaints ang inihain ng pulisya laban sa mga suspect sa pagkawala ni Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon.
Read: Who is Catherine Camilon?
Ayon sa ulat ng TV Patrol ngayong gabi, November 13, 2023, bandang 1:30 p.m. naisampa sa Batangas Provincial Prosecutor's Office ang mga reklamo.
Pinangalanan din ng Philippine National Police (PNP) ang suspects.
Sabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, ito ay sina Police Major Allan de Castro, Jeffrey Ariola Magpantay, at dalawang John Does.
Aniya, “Around 1:30 this afternoon po, nakapag-refer na po ng kaso ang regional unit ng CIDG at base po sa kanilang pakikipag-ugnayan sa prosecutor's po diyan ay nakapag-refer na po sila ng kasong violation po ng Article 261 of the Revised Penal Code particularly kidnapping and serious illegal detention diyan po sa Batangas Provincial Prosecutor's Office against Major Allan de Castro, at isa pong nagngangalang Jeffrey Ariola Magpantay, at dalawang pa pong John Does."
Dagdag pa ni Fajardo, base naman sa ulat ng GMA News Online, nakahanap ang pulisya ng blood samples at hair strands sa sasakyang nakita ng kapulisang inabandona sa Batangas City noong November 6 at naiulat lamang noong November 10.
Read: Vehicle possibly linked to Catherine Camilon disappearance found in Batangas City
Bago pa nito, may lumutang namang dalawang saksi at nagsabing nakita raw nila si Catherine na duguan, walang malay, at inililipat ng sasakyan.
Positibo rin nilang kinilala ang person of interest sa kaso na isang pulis.
Ayon pa sa mga saksi, nasa isang bakanteng lote raw ang sasakyan sa isang subdibisyon.
Read: Report: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon seen bloodied by two witnesses
Noon pang October 12 nawawala si Catherine.
Read: Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon "missing" according to mom, sister
