PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Fate Made Lotto Winner a Millionaire

“Pagka para sa iyo, para sa iyo talaga.”
by KC Cordero
Published Nov 15, 2023
The lotto winner
Naniniwala ang bagong milyonarya na nakaguhit sa palad niya ang pagtama sa lotto. “Pagka para sa iyo, para sa iyo talaga. Ibibigay talaga sa iyo ni God iyon. Kung gusto mong manalo, taya ka lang.”

Isang 41 years old na ginang mula sa Sampaloc, Manila ang masuwerteng napanalunan ang jackpot prize para sa Lotto 6/42 draw noong October 12, 2023.

Ang kabuuang premyo na nasungkit ng bagong milyonarya ay PHP34,562,804.20.

Nakuha niya ang anim na kumbinasyon na 13-41-06-25-34-42.

Nag-claim na rin siya ng kanyang premyo sa main office ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Mandaluyong City noong October 16.

Si PCSO Assistant General Manager for Gaming Sector Arnel N. Casas ang nag-abot ng kanyang tseke.

Read: Bagong empleyado nagnakaw ng 53 iPhones sa unang araw sa trabaho

The lotto winner

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Babae inaresto dahil sa milyun-milyong naharbat bilang sugar-daddy swindler at dating scammer

Ang news bulletin tungkol sa kanyang panalo ay ini-upload sa official website ng ahensya noong November 9.

Sa panayam sa kanya ng staff ng PCSO, sinabi ng ginang na ang kanyang panalo ay sadyang suwerte lang.

Naniniwala umano siya sa nakaguhit sa kapalaran ng isang tao.

Aniya, “Pagka para sa iyo, para sa iyo talaga. Ibibigay talaga sa iyo ni God iyon.”

Dagdag pa niya, “Kung gusto mong manalo, taya ka lang.”

Read: Lalaki inireklamo ang ka-date na ayaw humati sa bayad sa inorder na food and drinks worth PHP9K

Nang tanungin kung ano ang plano niya sa kanyang napanalunan, ang una umano niyang gagawin ay bumili ng bahay at lupa.

Ang kanyang winning combination ay mula aniya sa pinagsama-samang edad at petsa ng kapanganakan ng kanyang mga kapamilya.

Read: 89 anyos na mister, 40 years nang bigo na i-divorce ang 82 anyos na misis

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The winning ticket

Read: Why watching horror movies is actually good for your mental health

Nalaman naman niya na siya ang masuwerteng nanalo ng jackpot prize nang hanapin ang resulta sa isang website.

Nang matiyak niyang mga numero niya ang lumabas, matagal siyang hindi nakapagsalita sa sobrang tuwa at pagkabigla.

Read: Who is happier in life, spender or saver? Let's see what this survey says

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read: Lalaki naagawan ng cellphone worth P10K; motor ng snatcher naitakbo ng biktima, dinala sa presinto

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naniniwala ang bagong milyonarya na nakaguhit sa palad niya ang pagtama sa lotto. “Pagka para sa iyo, para sa iyo talaga. Ibibigay talaga sa iyo ni God iyon. Kung gusto mong manalo, taya ka lang.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results