Patay ang dalawang pasaherong sakay ng Victory Liner bus na may plate number CAY 3363 matapos pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan.
Naganap ang krimen bandang 12: 50 p.m. noong November 15, 2023.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, sinabi ni Col. Jean Fajardo, Philippine National Police Public Affairs Office chief, na ang dalawang pasahero—isang babae at isang lalaki—ay magkatabi sa upuan ng bus sa Nueva Ecija nang pagbabarilin nang malapitan ng mga suspek.
Nakilala ang mga biktima na sina Gloria Mendoza Quillano, 60, residente ng Sta. Luciana, Cauayan City, Isabela, at Arman Bautista, 55, residente ng Koronadal, South Cotabato.
Read: Ex-president Rodrigo Duterte, may subpoena dahil sa diumano'y "death threat" niya sa kongresista

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors
Patungong south ang bus, at binabagtas ang Barangay Minuli, Carranglan, Nueva Ecija, nang barilin nang apat na beses ng dalawang suspek ang mga biktima.
Tinamaan ang mga ito sa ulo at leeg.
Pagkatapos ng pamamaril, sinabihan ng mga suspek ang driver ng bus na huminto, saka mabilis na bumaba at tumakas.
Agad namang ipinagbigay-alam ng driver sa pulisya sa Barangay Joson ang insidente.
Nanawagan ng hustisya ang mga kampamilya at kakilala ng mga biktima.
Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay
Dahil sa insidente, nagpahayag ng pangamba ang mga netizens sa pagsakay sa mga bus.
Saad ng isang netizen sa X, "Nakakatakot naman ito. Ang helpless ng mga pasahero pag may nakalusot na baril sa bus.
"At kahit pa siguro i-checkk ng kunduktor, anong magagawa ng kunduktor pag nakita ang mga baril. Katakot ito."
Sabi ng isa pang social-media user, “Please, aksyunan niyo ito at sana mas higpitan niyo ang security sa terminal pa lang bago sumakay ang mga pasahero.”
Paalala pa niya, “Sana, huwag magsakay ng pasaherong walang ticket, or mag-pick up ng mga pasahero sa daan.
“Magha-holiday. For sure maraming masasamang loob na naman ang mga nakaantabay!”
May isa namang nagmungkahi na dapat lahat ng bus ay may CCTV, na aktuwal nakikita ng security sa main headquarters ng bus company.
"This is a very ambitious idea, but knowing there is CCTV, and that movements inside the bus are monitored, matatakot ang mga kriminal.
"Ang mas simple pero mas mabagal ay kung may signal si driver sa headquarters."
Read: Vlogger nag-mukbang ng giant clams; netizen tinawag ang pansin ng DENR
