Nahaharap sa kasong administratibo na conduct unbecoming of a police officer si Major Allan de Castro dahil nakipagrelasyon siya sa iba kahit may asawa na ito.
Inamin na ni De Castro na mayroon silang relasyon ni Miss Grand Philippines 2023 candidate Catherine Camilon.
Lagpas isang buwan nang nawawala si Camilon.
Read: Who is Catherine Camilon?
Ayon sa ulat ng TV Patrol kagabi, November 16, 2023, nasa summary dismissal proceedings na ang reklamong imoralidad laban kay De Castro, ayon sa PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS).
Pahayag ni Atty. Alfegar Triambulo, Inspector General ng PNP-IAS, "Tsina-charge namin siya ng conduct unbecoming of a police officer.
"So, bago mag-end po yung November, maglabas na po kami ng recommendation.
"Kasi yun po yung aming timeframe sa pagposisyon ng kaso na yun."
Naisampa na rin sa Batangas Provincial Prosecutor's Office ang mga reklamong kidnapping at serious illegal detention laban kay De Castro.
Kasama niyang sinampahan ng kaso sina Jeffrey Ariola Magpantay at dalawang John Does.
Read: Kidnapping, illegal detention filed vs four suspects in Catherine Camilon disappearance
Dagdag pa sa ulat, napadalhan na ang suspek ng notice para naman sa kanyang counter-affidavit.
Ani Atty. Tiambulo, "Doon sa mga impormasyon o mga nakalap na mga ebidensiya, medyo mabigat po yung kanyang hinaharap na mga asunto.
"Kaya posible siya na ma-dismiss sa trabaho kung mapatunayan na itong offense na ito ay ginagawa niya."
Read: Police major in "general denial” about involvement in Catherine Camilon disappearance
Kapag natanggal siya sa serbisyo, mawawala ang mga benepisyo ni De Castro at hindi na siya maaaring makapagtrabaho sa gobyerno.
Ipapasa ng PNP-IAS ang kanilang rekomendasyon sa Police Regional Office 4A.
May tatlumpong araw naman ang PRO-4A para desisyunan ang kanilang rekomendasyon.
Kasalukuyang nasa restrictive custody sa Camp Vicente Lim sa Laguna si Major De Castro.
