Puno ng lambing na inihayag ni Cristine Reyes, 34, ang appreciation sa nobyong si Marco Gumabao, 29.
Hindi raw inasahan ni Cristine ang effort ni Marco na bisitahin siya sa Subic, Zambales, kunsaan mayroon siyang shooting para sa isang pelikula.
Kuwento ni Cristine sa kanyang Instagram post kahapon, November 17, 2023, "I have been struggling with a persistent bulging disc which is having an emotional impact on me.
"I worry about the possibility that there may come a time when I am no longer capable of being physically active.
"I hope to eventually discover a solution that provides some relief, allowing me to live my life free from this burden of pain."
Perfect timing ang pag-aalaga raw sa kanya ng nobyo.
Sabi ni Cristine: "Thank you to my loving lovey @gumabaomarco for visiting here even though it's far away. I didn't expect this, but you came."

Kalakip nito ay ipinakita ni Cristine ang litrato nila ni Marco na nagbo-bonding sa isang resort—bukod sa nakapag-swimming sila ay may romantic dinner date rin sila roon.

Marso 2023 nang magsimulang maging bukas sina Marco at Cristine tungkol sa kanilang relasyon.
Ito ay matapos kumalat sa social media ang mga litrato nila na nagbabakasyon sa Siargao, at maiulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na namataan silang magka-holding hands sa Makati.
Una silang nagkakilala noong 2015 at naging magkaibigan noong 2018.
Sa YouTube Channel ni Bea Alonzo, sabay na nakapanayam ang couple at inamin ni Marco na matagal na raw niyang crush si Cristine na naging kapit-bahay pa niya.
Una raw nag-"I love you" si Marco kay Cristine noong nagbakasyon sila sa Siargao.
More Cristine-Marco stories on PEP.ph:
- Cristine Reyes describes Marco Gumabao as "perfect boyfriend"
- Cristine Reyes flexes PDA moment with boyfriend Marco Gumabao
- Cristine Reyes, "time" ang love language sa boyfriend na si Marco Gumabao
- Marco Gumabao, Cristine Reyes spotted holding hands in Makati
- Marco Gumabao reveals relationship status with Cristine Reyes
