Naibahagi ng businessman na si Sam Verzosa na sa kasal mauuwi ang pagsasama nila ni Rhian Ramos.
Aniya, ang Kapuso actress ang nakikita niyang makakasama niya sa pagtanda.
Nausisa si Sam kung napag-uusapan ba nila ni Rhian ang paglalagay sa tahimik.
Read: Sam Verzosa clarifies he and Rhian Ramos are still together
“Kailangan mapag-usapan din iyan kasi sana ba pupunta iyon?” sagot niya nang ma-interview siya sa presscon ng kanyang public service show na Dear SV na eere sa GMA-7 simula November 18, 2023.
Sundot na tanong kay Sam kung legal ba siyang magpakasal.
“Wala nama pong problema po. Hindi naman po ako kasal. Hindi po ako kasal,” sagot niya.
Si Sam ay may tatlong anak sa dating karelasyon.
Read: Earthquake rocks Saranggani wedding; entourage, guests shaken but not stirred
SIGN TO MARRY RHIAN
Hindi nakaiwas si Sam sa pag-uusisa tungkol sa pag-level up ng relasyon nila ni Rhian.
Sa tingin ba niya ay si Rhian na ang “the right one?”
“Siyempre po,” sagot ng Frontrow CEO at Tutok To Win Partylist representative.
Sa tanong kung hindi ba siya napi-pressure na magpakasal, “Chill lang,” sagot niya.
Natanong din siya kung sa tingin niya ay hindi pa handa si Rhian na magpakasal.
“Siya na po tanungin niyo. Kasi hindi ko po masasagot pagdating sa kanya,” ani Sam.
Pero siya ba ay ready na?
“Siguro po,” maiksi niyang sagot.
Inusisa rin ito kung ano ng hinihintay niya o ano pa ang kulang para magpakasal.
“Blessing ni God. Pag sinabi Niya sa iyo, mararamdaman mo iyon,” aniya.
“Malapit na siguro,” pakli niya.
Sinundot siya ng tanong kung hindi pa niya iyon nararamdaman.
“Sige na nga, oo na nga,” may halong biro niyang sagot.
Inamin din ni Sam na bagamat isang artista ang kanyang nobya, hindi pa rin siya sanay kapag nai-interview.
Aniya, “Minsan hindi pa rin po. But siguro po kasi we are in Frontrow po, we’re in the people business. Marami pong taong nakakasalamuha, so sanay na po ako sa mga tao.
“Pero yung mga issues-issues hindi pa rin po siguro.”
Read: Woman found guilty of poisoning, murdering friend with eye drops
ON PUBLIC SERVICE SHOW
Ikinatutuwa ni Sam na ang season two ng kanyang public service show ay eere na sa GMA-7 for wider reach.
Ang Dear SV ay programang tumutulong ng mga mas nangangailangan.
“Mas maraming mga lugar at mas marami tayong matulungan at maipakita po ang istorya ng mga kababayan natin, at magbigay inspirasyon sa iba at magbigay ng pag-asa, konting saya sa mga kababayan natin.”
Ani Sam, “Ramdam ko yung magkaroon ng wala at ramdam ko rin yung nabibigyan.
“At alam ko po yung saya pag nabibigyan, kaya ito po na pagkakataon na ito na binigay sa akin ng Panginoon.
“Binless Niya tayo, magkaroon tayo ng negosyo… blessings na nasi-share po naming sa ibang tao.”
Ipinaliwanag din ni Sam na ang pagpili nila ng tutulungan ay hindi basta-basta.
“Maraming nanghihingi ng tulong, pero mas pinipili natin yung mga nakikita natin na tinutulungan nila yung sarili nila…
“Mas nagsusumikap, masarap tulungan yung mga tinutulungan yung mga sarili nila, e.”
Ang Dear SV ay mapapanood sa GMA-7 tuwing Sabado, 11:30 p.m.
