PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Grand Lotto 6/55 Winner: PHP36M Prize

Tatlong beses nang nanalo sa 2D games.
by KC Cordero
Published Nov 20, 2023
The winner with the PCSO General Manager
Ilang beses na siyang nanalo sa 2D games kaya naisipan niyang tumaya rin sa iba pang six-digit games. Makalipas ang isang taon, nasuwertehan na niya ang jackpot. Kasama niya sa larawan si PCSO General Manager Melquiades Robles. (Photo courtesy of PCSO)

Makalipas ang isang taon ng matiyagang pagtaya sa lotto, nanalo na sa wakas ng jackpot ang isang 54 anyos na bettor mula sa Nueva Ecija.

Nakopo niya ang PHP36,025,867.40 jackpot prize para sa September 25, 2023 draw ng Grand Lotto 6/55 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Read: Dog lover bumili online ng Golden Retriever, iba ang na-deliver

The winning ticket

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pamamaril sa loob ng bus, nagdulot ng takot sa mga netizens

Ang kanyang winning combination na 30-17-06-12-04-29 ay mula aniya sa pinagsama-samang araw ng kapanganakan ng mga miyembro ng kanyang pamilya.

Ang news bulletin tungkol sa kanyang panalo at pag-claim ng premyo sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City kalakip ang kanyang winning ticket ay in-upload sa official website ng ahensiya noong November 8.

Si PCSO Melquiades Robles ang nag-abot ng kanyang premyo.

Read: Sideline ng 21-year-old student na paggawa ng stickers, big business na

The winner with the PCSO General Manager

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Wedding, dinagsa ng "shameless" gatecrashers; displaced ang legit visitors

Sa panayam sa kanya ng PCSO staff, sinabi ng bagong milyonaryo na bago niya napanalunan ang jackpot sa Grand Lotto 6/55, tatlong beses na siyang nanalo sa 2D games.

Dahil naramdaman niyang suwerte siya sa game of chance, sinubukan na rin niyang tumaya sa iba pang digit games ng PCSO.

Saan niya gagamitin ang napanalunan?

Plano raw niyang mag-invest sa negosyo.

Nagpaalala naman ang PCSO sa mga bettors na maging responsable sa pagtaya at bumili lang ng tiket sa mga authorized outlets ng ahensya.

Read: DOLE ipinaalala sa employers ang pagbabayad ng 13th month pay

Samantala, ginagarantiyahan ng PCSO ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng winners sa lotto sa pamamagitan ng pagpapanatiling confidential ng personal information ng mga ito.

Alinsunod sa Republic Act No. 1169, ang lotto winners ay may palugit na isang taon mula sa araw ng bola para makuha ang kanilang premyo sa main office ng PCSO na nasa Sun Plaza Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Makalipas ang itinakdang panahon, kung hindi na-claim ang premyo, mapo-forfeit ito at magiging bahagi ng PCSO Charity Fund.

Ang mga premyo na lalampas sa PH10,000 ay kakaltasan ng 20 percent final tax alinsunod sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read: Food vlogger, nagkatay at nagluto ng alligator para sa video views

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang beses na siyang nanalo sa 2D games kaya naisipan niyang tumaya rin sa iba pang six-digit games. Makalipas ang isang taon, nasuwertehan na niya ang jackpot. Kasama niya sa larawan si PCSO General Manager Melquiades Robles. (Photo courtesy of PCSO)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results